





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām AḥmadNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga naaawa sa iba ay kaaawaan ng Napakamaawain sa pamamagitan ng awa Niya na sumakop sa bawat bagay bilang ganting karampatan. Pagkatapos nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maawa sa lahat ng mga nasa lupa na tao o hayop o ibon o iba pa kabilang sa mga uri ng nilikha at ang ganti roon ay na maawa sa inyo si Allāh mula sa ibabaw ng mga langit Niya.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: Magsasabi si Allāh (napakataas Siya) sa pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon: "Kung sakaling mayroon kang nasa lupa na anuman, ikaw ba ay magtutubos sa pamamagitan nito?" Kaya magsasabi ito: "Opo." Kaya magsasabi Siya: "Nagnais Ako sa iyo ng higit na magaan kaysa rito samantalang ikaw ay nasa gulugod ni Adan: na hindi ka magtambal sa Akin, ngunit nagpumilit ka na magtambal ka sa Akin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay magsasabi sa pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa matapos ng pagpasok doon: "Kung sakaling nagkaroon ka sa Mundo at anumang nariyan, ikaw ba ay magtutubos sa pamamagitan nito mula sa pagdurusang ito?" Kaya magsasabi ito: "Opo." Kaya magsasabi si Allāh: "Humiling nga Ako sa iyo at nag-utos nga Ako sa iyo ng higit na madali kaysa roon nang tinanggap ang tipan sa iyo samantalang ikaw ay nasa gulugod ni Adan: na hindi ka magtambal sa Akin ng anuman, ngunit ipinagpilitan mo, noong nagpalabas ako sa iyo patungo sa Mundo, ang Shirk."
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May nagtanong na mga tao sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga manghuhula, kaya nagsabi sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Wala sila sa anuman." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ngunit tunay na sila ay nagsasalita paminsan-minsan hinggil sa bagay na nagiging totoo." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pananalitang iyon na mula sa totoo ay inaagaw ng jinn saka ipinuputak-putak nito sa tainga ng katangkilik nito gaya ng pagputak-putak ng manok, saka naghahalo sila rito ng higit sa isandaang kasinungalingan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoTinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga nagpapabatid tungkol sa mga nakalingid sa hinaharap kaya nagsabi siya: "Huwag kayong mamansin sa kanila at huwag kayong kumuha sa pananalita nila. Hindi pumapatungkol sa inyo ang nauukol sa kanila." Kaya nagsabi sila: "Tunay na ang sabi nila ay sumasang-ayon sa reyalidad sa ilan sa mga pagkakataon, gaya ng kung sakaling nagpabatid sila tungkol sa pagkaganap ng isang pangyayaring pangnakalingid sa ganitong buwan sa ganitong araw, tunay na ito ay nagaganap alinsunod sa sabi nila." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga jinn ay nangangagaw ng naririnig nila mula sa pabatid ng langit, saka nagbababaan sila sa mga katangkilik nila mula sa mga manghuhula saka nagpapabatid sila sa mga ito ng narinig nila. Pagkatapos nagdaragdag ang manghuhula sa narinig niya na ito mula langit ng isandaang kasinungalingan.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang si Mu`ādh ay angkas niya sa sasakyang hayop, ay nagsabi: "O Mu`ādh na anak ni Jabal!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Nagsabi siya: "O Mu`ādh!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo" nang makatatlo. Nagsabi siya: "Walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo Niya nang tapat sa puso niya malibang nagbawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba ako magpapabatid hinggil dito sa mga tao para magalak sila?" Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasalig sila." Nagpabatid hinggil dito si Mu`ādh sa sandali ng pagkamatay niya bilang pag-iwas sa kasalanan.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSi Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) ay minsang nakasakay sa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sasakyang hayop nito saka nanawagan ito sa kanya: "O Mu`ādh." Inulit-ulit nito ang panawagan sa kanya nang makatatlong ulit, bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng sasabihin nito sa kanya. Ang lahat ng iyon ay sinagot ni Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa pamamagitan ng sabi niya: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Ibig sabihin: "Tumutugon ako sa iyo, O Sugo ni Allāh, sa isang pagsagot sa iyo matapos ng isang pagsagot at hiniling ko ang kaligayahan dahil sa pagsagot sa iyo." Nagpabatid sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh – ibig sabihin: walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, nang tapat sa puso niya, na hindi nagsisinungaling; saka kung namatay siya sa kalagayang ito, magbabawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno. Humiling si Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magpabatid siya sa mga tao upang matuwa sila at magalak sila sa kabutihan. Natakot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umasa sila roon at mangaunti ang gawa nila. Kaya hindi nagsanaysay hinggil dito si Mu`ādh sa isa man malibang noong pagkamatay niya dala ng pangamba sa pagkasadlak sa kasalanan ng pagkukubli ng kaalaman.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Bumababa ang Panginoon natin (napakamapagpala Siya at napakataas) sa bawat gabi tungo sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling ikatlo ng gabi. Magsasabi Siya: Sino ang dumadalangin sa Akin para tumugon Ako sa kanya? Sino ang humihingi sa Akin para magbigay ako sa Kanya? Sino ang humihingi ng tawad sa Akin para magpatawad Ako sa kanya?"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay bumababa sa bawat gabi tungo sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling ikatlong bahagi ng gabi. Nagpapaibig Siya sa mga lingkod Niya na dumalangin sila sa Kanya sapagkat Siya ay tumutugon sa sinumang dumalangin sa Kanya. Humihimok Siya sa kanila na humingi sila sa Kanya ng ninanais nila sapagkat Siya ay nagbibigay sa sinumang humingi sa Kanya. Nagmungkahi Siya sa kanila na humingi sila ng tawad sa Kanya sa mga pagkakasala nila sapagkat Siya ay nagpapatawad sa mga lingkod Niya na mga mananampalataya.
Ayon kay Abū Marthad Al-Ganawīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong umupo sa mga libingan at huwag kayong magdasal paharap sa mga ito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-upo sa mga libingan. Sumaway rin siya laban sa pagsasagawa ng ṣalāh paharap sa mga libingan sa pamamagitan ng pagiging ang libingan ay nasa dako ng qiblah ng nagsasagawa ng ṣalāh dahil iyon ay kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk.
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Si Ummu Salamah ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahang nakita niya sa lupain ng Etyopya, na tinatawag na Māriyah, saka bumanggit siya rito ng nakita niya sa loob niyon na mga larawan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan at nagsasalarawan sila rito ng mga larawang iyon. Ang mga iyon ay ang pinakamasasama sa mga nilikha sa ganang kay Allāh."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoBumanggit ang ina ng mga mananampalataya na si Ummu Salamah (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na siya, noong siya minsan ay nasa lupain ng Etyopya, ay nakakita ng isang simbahang tinatawag na Māriyah, na sa loob niyon ay may mga larawan, mga palamuti, at mga pagsasaimahen, dala ng pagtataka roon. Kaya naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kadahilanan ng paglalagay ng mga larawang ito. Nagsabi siya: "Tunay na ang mga ito na binabanggit mo, kapag namatay sa kanila ang lalaking maayos, ay nagpapatayo sa libingan nito ng isang sambahan na dinadasalan nila at nagsasalarawan sila ng mga larawang iyon." Naglinaw siya na ang tagagawa niyon ay ang pinakamasamang nilikha sa ganang kay Allāh dahil ang gawain niya ay nauuwi sa pagtatambal kay Allāh (napakataas Siya).
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoIwinangis ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang Islām sa isang estrukturang matibay sa pamamagitan ng limang haligi nitong nagdadala ng gusaling iyon. Ang nalalabi sa mga kakanyahan ng Islām ay gaya ng panlubos ng gusali. Ang kauna-unahan sa mga haliging ito ay ang Dalawang Pagsaksi: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, na iisang haliging hindi nakakakalas ang isa sa dalawang ito sa isa pa. Bumibigkas ang tao ng dalawang ito habang kumikilala sa kaisahan ni Allāh at pagkakarapat-dapat Niya sa pagsamba – tanging Siya bukod sa iba sa Kanya – habang gumagawa sa hinihiling nito, at habang sumasampalataya sa mensahe ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang sumusunod sa kanya. Ang Ikalawang Haligi: Ang Pagpapanatili sa Ṣalāh. Ito ay ang limang ṣalāh na isinatungkulin sa araw at gabi: ang fajr (madaling-araw), ang ḍ̆uhr (tanghali), ang `aṣr (hapon), ang maghrib (paglubog ng araw), at ang `ishā' (gabi) kalakip ng mga kundisyon ng mga ito, mga haligi ng mga ito, at mga kinailangan sa mga ito. Ang Ikatlong Haligi: Ang Pagpapalabas ng Zakāh na Isinatungkulin. Ito ay isang pagsambang pampananalapi na kinakailangan sa bawat yaman na umabot sa isang halagang tinakdaan sa Batas ng Islām, na ibinibigay sa mga karapat-dapat dito. Ang Ikaapat na Haligi: Ang Ḥajj. Ito ay ang pagsasadya sa Makkah para sa pagsasagawa ng mga gawaing pangsamba bilang pagpapakamananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang Ikalimang Haligi: Ang Pag-aayuno sa Ramaḍān. Ito ay ang pagpipigil sa pagkain, pag-inom, at iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga tagapagpatigil-ayuno, nang may layunin ng pagpapakamananamba kay Allāh, mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ibahin ang nakasasama: ang bawat sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya, alinsunod sa kakayahan. Kaya kapag nakakita siya ng isang nakasasama, kinakailangan sa kanya na ibahin ito sa pamamagitan ng kamay kung siya ay may kakayahan. Kung nawalang-kakayahan siya roon, ibahin niya ito sa pamamagitan ng dila niya sa pamamagitan ng pagsaway niya sa nakagagawa niyon, paglilinaw niya rito ng pinsala niyon, at paggabay niya rito tungo sa kabutihan sa halip ng kasamaang ito. Kung nawalang-kakayahan siya sa antas na iyan, ibahin niya ito sa pamamagitan ng puso niya sa pamamagitan ng pagkasuklam niya sa nakasasamang ito at pagtitika niya na kung sakaling nakakaya siya sa pagpapaiba nito ay talaga sanang ginawa niya. Ang pagpapaiba sa pamamagitan ng puso ay ang pinakamahina sa mga antas ng pananampalataya kaugnay sa pagpapaiba ng nakasasama.