





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allāh sa kanya: "Pinangakuan ako ng Panginoon ko na magpapasok Siya sa Paraiso mula sa Kalipunan ko ng pitumpong libo nang walang pagtutuos ni pagdurusa. Kasama ng bawat isang libo ang [iba pang] pitumpong libo at tatlong dakot mula sa mga dakot ng Panginoon ko."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na si Allāh ay nangako sa kanya na magpapasok ng pitumpong libo mula sa Kalipunang ito nang walang pagtutuos at walang pagdurusa. Magpapapasok Siya kasama ng bawat isang libo ng pitumpong libong iba pa. Dadampot si Allāh sa pamamagitan ng kamay Niyang marangal ng tatlong dampot at ipapasok Niya sila sa Paraiso.
kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Tunay na ang sinapupunan ay nakaugnay na nakahawak sa bigkis sa Napakamaawain, na nagpapanatili ng ugnayan sa sinumang nagpanatili ng ugnayan dito at pumutol ng ugnayan sa sinumang pumutol ng ugnayan dito."
Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng sinapupunan (raḥim) ay may kaugnayan kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sapagkat hinango ang pangalan nito mula sa pangalan ng Napakamaawain (Raḥmān). Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa kabuuan ng mga ḥadīth ng mga katangian [ni Allāh] na itinakda ng mga imām na daanan kung papaanong dumating. Tumutol sila sa sinumang nagkakaila sa inoobliga nito. Ang pag-iwas sa pagtutol na iyon ay kabilang sa mga katangiang kinakailangan ang pananampalataya nang walang paglilihis ng kahulugan, walang pag-aalis ng kahulugan, walang pagpapaliwanag ng kahulugan, at walang pagtutulad. Kaya naman maniniwalang ang sinapupunan, na tumutukoy sa pagkakamag-anak, ay panghahawakan; na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nagpapanatili ng ugnayang pangkaanak sa sinumang nagpapanatili nito. Ang sinumang pumutol ng ugnayan niya at hindi nagpanatili ng ugnayan sa kaanak niya, puputulin ni Allāh ang ugnayan sa kanya. Ang sinumang pinutol ni Allāh ang ugnayan sa kanya, siya ay ang putol ang ugnayan kay Allāh, kasama ng kaaway ni Allāh, ang demonyong itinaboy at isinumpa. Kung sakaling ninais ng lahat ng nilikha na magpanatili ng kaugnayan sa kanya at magdulot ng pakinabang sa kanya, hindi niya pakikinabangan iyon.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Nilikha ni Allāh ang nilikha. Noong natapos Siya roon, tumindig ang sinapupunan at humawak ito sa bigkis sa [Kanyang] Napakamaawain kaya nagsabi Siya rito: "Ano ba?" Nagsabi ito: "Ito ay ang tindigan ng nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagputol ng ugnayang pangkaanak." Nagsabi Siya: "Hindi ka ba nalulugod na nagpapanatili Ako ng ugnayan sa sinumang nagpanatili ng ugnayan sa iyo at pumuputol Ako ng ugnayan sa sinumang pumuputol ng ugnayan sa iyo?" Nagsabi ito: "Opo, o Panginoon ko." Nagsabi: "Kaya iyan ay ukol sa iyo." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Bigkasin ninyo kung ninais ninyo (Qur'ān 47:22): Kaya marahil kayo ba, kung tatalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol sa mga ugnayang pangkaanak ninyo?" Sa isang sanaysay batay kay Imām Al-Bukhārīy: Kaya nagsabi si Allāh: "Ang sinumang nagpanatili ng ugnayan sa iyo, magpapanatili Ako ng ugnayan sa kanya; at ang sinumang pumutol ng ugnayan sa iyo, puputol Ako ng ugnayan sa kanya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng sabi niya: "Nilikha ni Allāh ang nilikha. Noong natapos Siya roon" ay nangangahulugang nagwakas ang paglikha sa mga nilikha. Ito ay nagpapatunay na iyon ay naganap sa isang itinakdang oras, kahit pa man si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay walang hangganan sa kapangyarihan Niya at hindi Siya naaabala ng isang kalagayan buhat sa isang kalagayan subalit hiniling ng karunungan Niya na gumawa Siya para sa gawain Niyang iyon ng takdang oras. Ito ay kabilang sa mga patunay na ang mga gawa Niya ay nauugnay sa kalooban Niya kaya kapag ninais Niyang gumawa ng isang bagay, ginagawa Niya ito. Hindi nangangahulugan ang sabi Niya: "Noong natapos Siya" na Siya ay nakatapos sa paglikha ng bawat bagay, bagkus ang mga nilikha Niya, pagkataas-taas Niya, ay hindi tumitigil ang pag-iral ng isang bagay matapos ang isang bagay subalit nauna ang kaalaman Niya roon, ang pagtatakda Niya roon, at ang pagtatala Niya roon. Pagkatapos ito ay nagaganap dahil sa kalooban Niya kaya walang mangyayari maliban sa anumang nauna na sa kaalaman Niya, at pagtatakda niya; at niloob Niya ito kaya umiral ito. Sinabi niya: "tumindig ang sinapupunan at humawak ito sa bigkis sa [Kanyang] Napakamaawain kaya nagsabi Siya rito: Ano ba?" Itong mga gawaing inuugnay sa sinapupunan, gaya ng pagtindig at pagsabi, ang hayag na kahulugan ng ḥadīth ay ang literal nito sa tunay na kahulugan, kahit pa man ang sinapupunan ay kahulugang umiiral sa mga tao subalit ang kapangyarihan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay hindi sinusukat ayon sa nalalaman ng isip ng tao. Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa kabuuan ng mga ḥadīth ng mga katangiang itinakda ng mga imām na ang mga ito ay dadaanan gaya ng pagdating. Tumutol sila sa sinumang nagkaila sa inoobliga nito. Hindi literal na kahulugan ng ḥadīth na ito na si Allāh ay may tapis at balabal na kauri ng mga kasuutan na isinusuot ng mga tao na kabilang sa niyayari mula sa katad, ilo, bulak, at iba pa. Nagsabi si Allāh, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 42:11): "Walang katulad sa Kanya na anumang bagay, at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita." Nagsabi siya: "Nagsabi ito: Ito ay ang tindigan ng nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagputol ng ugnayang pangkaanak." Ang "pagputol ng ugnayang pangkaanak" ay ang hindi pagpapanatili sa ugnayang pangkaanak. Ang "pagpapanatili sa ugnayang pangkaanak" ay ang pagmamabuting-loob sa mga kaanak, ang pagmamahal sa kanila, ang pagkamalapit sa kanila, ang pag-alalay sa kanila, ang pagtaboy sa nakapipinsala sa kanila, at ang sigasig sa pagtamo ng nagdudulot sa kanila ng pakinabang sa Mundo at Kabilang-buhay. Sinabi niya: "Nagsabi Siya: Hindi ka ba nalulugod na nagpapanatili Ako ng ugnayan sa sinumang nagpanatili ng ugnayan sa iyo at pumuputol Ako ng ugnayan sa sinumang pumuputol ng ugnayan sa iyo? Nagsabi ito: Opo, o Panginoon ko. Sinabi: Kaya iyan ay ukol sa iyo." Ang sinumang nagpanatili ng ugnayan sa kaanak niya, magpapanatili si Allāh ng ugnayan sa kanya. Ang sinumang nagpanatili si Allāh ng ugnayan sa kanya, makararating siya sa bawat kabutihan at kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay. Hindi maiiwasang ang wakas niya ay ang pagkakalapit sa Panginoon niya sa Paraiso dahil ang pagkakaugnay ay hindi nagwawakas malibang doon. Makatitingin siya sa mukha ng ng Panginoon niyang marangal. Ang sinumang pumutol ng ugnayan sa kaanak niya, puputulin ni Allāh ang ugnayan sa kanya. Ang sinumang pinutol ni Allāh ang ugnayan sa kanya, siya ay ang pinutol ang ugnayan kasama ng kaaway ni Allāh, ang demonyong itinaboy, isinumpa.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Ilalagay ang landasin sa pagitan ng dalawang pampang ng Impiyerno, na mayroong mga tinik gaya ng tinik ng [halamang] Sa`dān. Pagkatapos ay patatawirin ang mga tao, kaya may maliligtas, masasagip, matatalupan pagkatapos ay maliligtas, mapipigilan at saka matitiwarik doon. Kapag natapos si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa paghatol sa mga tao, mawawalan ang mga mananampalataya ng mga lalaking dating kasama nila sa Mundo, na nagdarasal ng dasal nila, nagbibigay ng mga zakāh nila, nag-aayuno ng pag-aayuno nila, nagsasagawa ng ḥajj nila, at sumasalakay ng pagsalakay nila kaya magsasabi sila: "O Panginoon namin, may mga lingkod kabilang sa mga lingkod Mo. Sila dati ay kasama namin sa Mundo, na nagdarasal ng dasal namin, nagbibigay ng mga zakāh namin, nag-aayuno ng pag-aayuno namin, nagsasagawa ng ḥajj namin, at sumasalakay ng pagsalakay namin. Hindi namin sila nakikita." Kaya magsasabi Siya: "Pumunta kayo sa Impiyerno, at ang sinumang matagpuan ninyo sa loob niyon kabilang sa kanila ay palabasin ninyo." Sinabi: "Kaya matatagpuan nila ang mga iyon na kinuha na ng apoy ayon sa sukat ng mga gawa nila. Mayroon sa kanilang kinuha nito hanggang sa mga paa niya. Mayroon sa kanilang kinuha nito hanggang sa kalahati ng mga lulod niya. Mayroon sa kanilang kinuha nito hanggang sa mga tuhod niya. Mayroon sa kanilang kinuha nito hanggang sa mga suso niya. Mayroon sa kanilang pinaligiran ng apoy. Mayroon sa kanilang kinuha nito hanggang sa leeg niya ngunit hindi natakpan ang mukha. Ilalabas nila ang mga ito mula roon at itatapon sa tubig ng buhay." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang buhay?" Nagsabi siya: "Ang paghuhugas sa mga maninirahan sa Paraiso at tutubo sila gaya ng pagtubo ng pananim." Nagsabi siya muli: "Sa loob niyon gaya ng pagtubo ng pananim sa yagit ng baha. Pagkatapos ay mamamagitan ang mga propeta sa bawat sinumang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh nang wagas kaya palalabasin sila mula roon." Nagsabi siya: "Pagkatapos ay mahahabag si Allāh sa pamamagitan ng awa Niya sa sinumang nasa loob niyon kaya hindi Siya mag-iiwan sa loob niyon ng isang lingkod na sa puso nito ay may singbigat ng isang buto na pananampalataya malibang palalabasin Niya ito mula roon.
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām AḥmadKapag nangyari Araw ng Pagkabuhay, ilalagay ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang landasin sa gitna ng Impiyerno. Sa landasin ay may mga tinik na matigas. Pagkatapos ay uutusan ang mga tao na tumawid doon. Mayroon sa kanilang maliligtas, masasagip, at hindi maaabot ng apoy. Mayroon sa kanilang matatalupan pagkatapos ay maliligtas at masasagip. Mayroon sa kanilang babagsak sa Impiyerno. Kapag natapos si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa pagtuos sa mga lingkod Niya at naipasok na sa Paraiso ang mga maninirahan sa Paraiso at sa Impiyerno ang mga maninirahan sa Impiyerno, hindi matatagpuan ng mga mananampalatayang kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso ang ilang taong dating kasama nila sa Mundo na nagdarasal, nagbibigay ng zakāh, nag-aayuno, nagsasagawa ng ḥajj, at nakikibaka kasama nila. Kaya magsasabi sila kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Tunay na kami ay hindi nakakikita sa mga taong ito, bilang kasama namin sa Paraiso gayong sila dati ay nagdarasal, nagbibigay ng zakāh, nag-aayuno, nagsasagawa ng ḥajj, at nakikibaka kasama namin sa Mundo. Kaya magsasabi si Allāh sa kanila: "Pumunta kayo sa Impiyerno, at ang sinumang matagpuan ninyo sa loob niyon kabilang sa kanila ay palabasin ninyo." Kaya matatagpuan nila ang mga iyon na dinapuan na ng apoy ayon sa sukat ng mga gawa nila. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa mga paa niya. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa kalahati ng mga lulod niya. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa mga tuhod niya. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa kalagitnaan niya. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa mga suso niya. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa leeg niya ngunit ang apoy ay hindi umabot sa mukha. Mamamagitan sa kanila, ilalabas sila mula sa Impiyerno, at itatapon sila sa tubig ng buhay, tubig na mabubuhay ang sinumang inilubog doon kaya tutubo sila gaya ng pagtubo ng pananim sa daluyan ng agos. Pagkatapos ay mamamagitan ang mga propeta sa bawat sinumang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh nang wagas kaya palalabasin sila mula roon. Pagkatapos ay mahahabag si Allāh sa pamamagitan ng awa Niya sa sinumang nasa loob ng Impiyerno kaya hindi Siya mag-iiwan sa loob niyon ng isa mang sa puso nito ay may sukat ng bigat ng isang buto na pananampalataya malibang palalabasin Niya ito mula roon.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Maglalantad ang Panginoon natin ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae ngunit mananatiling [nakatayo] ang bawat sinumang nagpapatirapa noon sa Mundo bilang pakita at parinig at magtatangka siyang magpatirapa ngunit magiging parang iisang buto ang likod niya."
Napagkaisahan ang katumpakanMaglalantad ang Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae. Tungkol naman sa mga nagpapanggap na nagpapatirapa noon sa Mundo upang makita sila ng mga tao, pipigilan sila sa pagpapatirapa at gagawin ang mga likod na parang iisang gulugod. Hindi nila makakayang yumuko ni magpatirapa dahil sila ay hindi naman sa katotohanan nagpapatirapa noon kay Allāh sa Mundo. Nagpapatirapa lamang sila dahil sa mga makamundong layon. Hindi ipinahihintulot na ipakahulugan ang "lulod" bilang katindihan o pighati o iba pa, bagkus kinakailangang pagtibayin ito bilang isang katangiang taglay ni Allāh, pagkataas-taas Niya, nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan, walang pagtutulad, at nang walang paglilihis sa kahulugan, ni pag-aalis ng kahulugan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon, kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`ađīm, wa-bi-wajhihi –lkarīm, wa-sulṭānihi –lqadīm, mina –shshayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal, at sa kapamahalaan Niyang datihan, laban sa demonyong isinumpa.)" Nagsabi siya: "Sapat na ba?" Nagsabi ako: "Oo." Nagsabi siya: "Kaya kapag sinabi niya iyan, magsasabi ang demonyo: Iningatan siya laban sa akin sa nalalabi sa araw."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`aḍ̆īm, ... (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, ...)": Nangungunyapit ako at nagpapakanlong ako kay Allāh at sa mga katangian Niya. "wa-bi-wajhihi –lkarīm, ... (sa mukha Niyang marangal, ...)": Ang Galanteng Tagapagbigay. "wa-sulṭānihi ... (at sa kapamahalaan Niyang ...)": at sa pananaig Niya, kakayahan Niya, at paglupig Niya sa sinumang ninais Niya mula sa nilikha Niya. "[a]lqadīm, ... (datihan, ...)": ang walang-pasimulang walang-hanggan. "mina –shshayṭāni –rrajīm." (laban sa demonyong isinumpa.)": ang pinalayo at ang itinaboy palayo sa awa ni Allāh. Ibig sabihin: O Allāh, ingatan Mo ako laban sa pasaring niya, paglilisya niya, mga hakbang niya, mga haka niya, pag-akit niya, at pagpapaligaw niya sapagkat tunay na siya ay ang kadahilanan sa kaligawan at ang tagapag-udyok sa kalisyaan at kamangmangan. Kaya sinabi kay `Abdullāh bin `Amr: "Sapat na ba?" Ibig sabihin: "Nagsabi ba ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nito lamang?" Nagsabi siya: "Oo." Kaya kapag nagsabi ng panalanging ito ang pumapasok sa masjid, magsasabi ang demonyo: "Talaga ngang nag-ingat ang pumapasok na ito sa sarili niya laban sa akin sa lahat ng oras: sa araw niya at sa gabi niya."
Ayon kay Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya: Nagsabi si Sa`d bin `Ubādah, malugod si Allāh sa kanya: "Kung sakaling nakakita ako ng isang lalaki kasama ng maybahay ko, talagang tinaga ko na sana iyon ng tabak, hindi ng gilid buhat dito." Nakaabot iyon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi siya: "Napahahanga ba kayo mula sa paninibugho ni Sa`d? Sumpa man kay Allāh, talagang ako ay higit na mapanibughuin kaysa sa kanya at si Allāh ay higit na mapanibughuin kaysa sa akin. Alang-alang sa paninibugho ni Allāh, ipinagbawal Niya ang mga mahalay: anumang nakalitaw mula sa mga ito at anumang nakatago. Walang personang higit na mapanibughuin kaysa kay Allāh. Walang personang higit na kaibig-ibig sa kanya ang [pagtanggap ng] pagdadahilan kaysa kay Allāh. Alang-alang doon, ipinadala ni Allāh ang mga isinugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Walang personang higit na kaibig-ibig sa kanya ang papurihan kaysa kay Allāh. Alang-alang doon, ipinangako ni Allāh ang Paraiso."
Napagkaisahan ang katumpakanNagsabi si Sa`d bin `Ubādah, malugod si Allāh sa kanya: "Kung sakaling nakakita ako ng isang lalaki kasama ng maybahay ko, talagang tinaga ko na sana iyon ng talim ng tabak, hindi ng gilid nito." Nangangahulugan ito: Talagang pinatay ko na sana iyon nang walang pagtigil sa taga. Kinilala nga siya ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil doon ngunit ipinabatid niya na siya ay higit na mapanibughuin kaysa kay Sa`d, at na si Allāh ay higit na mapanibughuin kaysa sa kanya. Ang paninibugho ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay bahagi ng uri ng mga katangian Niyang natatangi Siya dahil sa mga ito. Ito ay hindi nakatutulad ng sa paninibugho ng nilikha, bagkus ito ay isang katangiang nababagay sa kadakilaan Niya, tulad ng pagkagalit, pagkalugod, at gaya niyon na kabilang sa mga natatangi sa Kanya na hindi nakikilahok sa Kanya ang nilikha sa mga ito. Ang literal na kahulugan ng persona (shakhṣ) sa wikang Arabe ay ang anumang pumaitaas, umangat, at lumitaw. Si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay higit na litaw sa bawat bagay, higit na dakila, at higit na malaki. Walang pagbabawal sa paggamit nito kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ayon sa prinsipyo ng mga alagad ng Sunnah na umaalinsunod sa sinabi ni Allāh at ng Sugo Niya. Pagkatapos ay nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Alang-alang sa paninibugho ni Allāh, ipinagbawal Niya ang mga mahalay: anumang nakalitaw mula sa mga ito at anumang nakakubli." Nangangahulugan ito: Bahagi ng epekto ng paninibugho ni Allāh na Siya ay nagbawal sa mga lingkod Niya sa paglapit sa mga mahahalay: anumang mabigat at mahalay sa mga kaluluwang dalisay at mga matinong isip tulad ng pangangalunya. Ang nakalitaw ay sumasaklaw sa anumang ginawa nang hayagan at sinaling ng mga bahagi ng katawan kahit pa man palihim. Ang nakakubli ay sumasaklaw sa anumang nasa [kalagayang] lihim at anumang kinikimkim ng mga puso. Sinabi niya: "Walang personang higit na kaibig-ibig sa kanya ang [pagtanggap ng] pagdadahilan kaysa kay Allāh. Alang-alang doon, ipinadala ni Allāh ang mga isinugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala." Ang kahulugan ay ipinadala Niya ang mga isinugo para magpaumanhin at magbabala sa nilikha Niya bago sila patawan ng kaparusahan. Ito ay ang sabi Niya (Qur'ān 4:165): "[Nagsugo ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi na magkaroon ang mga tao ng isang katwiran kay Allāh matapos ang mga sugo." Sinabi niya: "Walang personang higit na kaibig-ibig sa kanya ang papurihan kaysa kay Allāh. Alang-alang doon, ipinangako ni Allāh ang Paraiso." Gayon dahil sa ganap na kalubusan Niya sapagkat Siya, pagkataas-taas Niya, ay umiibig sa mga lingkod Niya na ipagbunyi Siya at papurihan sa kabutihang-loob Niya at kagalantehan Niya. Alang-alang doon, nagdulot Siya sa kanila ng bawat pagpapalang tinatamasa nila. Nalulugod Siya sa kanila kapag pinuri nila Siya dahil doon. Gaano man sila magbunyi sa Kanya at magpapuri sa Kanya, hindi maaaring maabot nila ang karapat-dapat sa Kanya na papuri at pagbubunyi. Dahil dito, pinapurihan Niya ang sarili Niya at ipinangako ang Paraiso upang dumalas ang paghingi sa Kanya, ang pagbubunyi, at ang papuri sa Kanya mula sa mga lingkod Niya, at upang magsikap sila roon sa abot ng makakaya nila dahil ang Paraiso ay ang kalubus-lubusan ng pagpapala.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "Walang isa o walang anumang higit na matiisin sa nakasasakit na narinig kaysa kay Allāh. Tunay na sila ay talagang nag-aangkin para sa kanya ng isang anak ngunit tunay na Siya ay talagang nagpapalusog sa kanila at tumutustos sa kanila."
Napagkaisahan ang katumpakanAng sabi niya: "Walang isa o walang anumang higit na matiisin" ay nangangahulugang: Si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay higit na matindi sa pagtitiis kaysa sa sinuman. Kabilang sa mga pangalan Niyang napakagaganda ay Aṣ-Ṣabūr (Ang Matiisin). Ang kahulugan nito ay ang hindi nagmamadali sa pagpaparusa sa mga sumusuway. Ito ay malapit sa kahulugan ng Al-Ḥalīm (Ang Matimpiin). Ang Al-Ḥalīm ay higit na masidhi sa pag-iwas sa pagpaparusa. Sinabi niya: "sa nakasasakit na narinig kaysa kay Allāh..." Ang nakasasakit (adhā) sa literal na kahulugan ay ang anumang gumaan ang kalagayan at humina ang bakas ng kasamaan at kinasusuklaman. Ipinabatid nga Niya, napakamaluwalhati Niya, na ang mga tao ay hindi nakapipinsala sa Kanya gaya ng sinabi Niya (Qur'ān 3:176): "Huwag mong ikalungkot ang mga nakikipag-unahan sa pagtangging sumampalataya. Tunay na sila ay hindi makapipinsala kay Allāh ng anuman." Nagsabi naman Siya sa Ḥadīth Qudsīy: "O mga alipin Ko, tunay na kayo ay hindi aabot sa pamiminsala sa Akin para pinsalain ninyo Ako at hindi aabot sa pagpapakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako." Nilinaw Niya na ang nilikha ay hindi nakapipinsala sa Kanya ngunit nakasasakit sa Kanya. Ang sabi niya: "Tunay na sila ay talagang nag-aangkin para sa kanya ng isang anak" ay nangangahulugang: Ang anak ni Adan ay nakasasakit kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at nanlalait sa Kanya, karagdagan sa anumang minamataas nito at pinakababanal nito tulad ng pag-uugnay ng anak sa Kanya, pagkataas-taas Niya, ng kapara, at katambal sa pagsambang kinakailangan nakalaan para sa Kanya lamang. Ang sabi niya: "ngunit tunay na Siya ay talagang nagpapalusog sa kanila at tumutustos sa kanila" ay nangangahulugang: Siya, pagkataas-taas Niya, ay nagtutumbas sa pagmaltrato nila ng pagmamagandang-loob. Sila ay nagmamaltrato sa Kanya, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng pamimintas, panlalait, pag-aangkin ng minamataas at pinakababanal, pagpapasinungaling sa mga sugo Niya, pagsalungat sa utos Niya, at paggawa ng ipinagbawal Niyang gawin nila habang Siya naman ay nagmamagandang-loob sa kanila ng kalusugan ng mga katawan nila, pagpapagaling sa kanila mula sa mga karamdaman nila, pangangalaga sa kanila sa gabi at maghapon sa anumang dumarating sa kanila, at tumutustos sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakinabang sa anumang nasa mga langit at lupa para sa kanila. Ito ay ang kasukdulan ng pagtitiis, pagtitimpi, at pagmamagandang-loob. Si Allāh ay higit na nakaaalam.
'Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Nagsabi kami: "O Sugo ni Allah, makikita ba namin ang Panginoon namin sa Araw ng Pagkabuhay?" Nagsabi siya: "Napipinsala ba kayo sa pagkakita ng araw at buwan kapag maaliwalas?" Nagsabi kami: "Hindi po." Nagsabi siya: "Kaya tunay na kayo ay hindi mapipinsala sa pagkakita sa Panginoon ninyo sa Araw na iyon malibang gaya pagkakita ninyo sa dalawang iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "May mananawagang isang tagapanawagan: 'Pumunta ang bawat [pangkat ng] mga tao sa sinasamba nila noon.' Kaya pupunta ang mga alagad ng krus kasama ng krus nila, ang mga alagad ng mga anito kasama ng mga anito nila, at ang mga alagad ng lahat ng mga diyos kasama ng mga diyos nila hanggang sa maiwan ang sinumang sumasamba noon kay Allah na mabuting-loob o masamang-loob, at mga tira-tira mula sa mga May Kasulatan. Pagkatapos ay dadalhin ang Impiyerno, na itinatambad na para bang ito ay malikmata at sasabihin sa mga Hudyo: 'Ano ang sinasamba ninyo noon?' Magsasabi sila: 'Kami noon ay sumasamba kay `Uzayr na anak ni Allah.' Kaya sasabihin: 'Nagsinungaling kayo; hindi nangyaring nagkaroon si Allah ng isang asawa ni anak kaya ano ang nanaisin ninyo?' Magsasabi sila: 'Ninanais naming painumin Mo kami.' Kaya sasabihin: 'Uminom kayo,' at magbabagsakan sila sa Impiyerno. Pagkatapos ay sasabihin sa mga Kristiyano: 'Ano ang sinasamba ninyo noon?' Magsasabi sila: 'Kami noon ay sumasamba sa Kristo na anak ni Allah.' Kaya sasabihin: 'Nagsinungaling kayo; hindi nangyaring nagkaroon si Allah ng isang asawa ni anak kaya ano ang nanaisin ninyo?' Magsasabi sila: 'Ninanais naming painumin Mo kami.' Kaya sasabihin: 'Uminom kayo,' at magbabagsakan sila sa Impiyerno, hanggang sa maiwan ang sinumang sumasamba noon kay Allah na mabuting-loob o masamang-loob. Sasabihin sa kanila: 'Ano ang pumipigil sa inyo samantalang umalis na ang mga tao?' Kaya magsasabi sila: 'Nakipaghiwalay kami sa kanila noong kami ay higit na nangangailangan kaysa sa ngayon. Tunay na kami ay nakarinig ng isang tagapanawagang nananawagan: Sumama ang bawat [pangkat ng] mga tao sa sinasamba nila noon. Naghihintay lamang kami sa Panginoon namin.'" Magsasabi siya: "Kaya pupuntahan sila ng [Panginoong] Palasiil sa isang anyong hindi ang anyo Niya, na nakita nila Siya sa unang pagkakataon, at magsasabi Siya: 'Ako ay Panginoon ninyo.' Kaya magsasabi sila: 'Ikaw ay Panginoon namin.' Walang kakausap sa Kanya maliban sa mga propeta at magsasabi Siya: 'Sa pagitan ba ninyo at Niya ay may isang tandang makikilala ninyo Siya?' Kaya magsasabi sila: 'Ang lulod.' Maglalantad ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat Mananampalataya at maiiwan ang sinumang nagpapatirapa noon kay Allah bilang pakita at parinig kaya magtatangkang magpatirapa ngunit ang likod ay magiging iisang buto. Pagkatapos ay dadalhin ang tulay at ilalagay sa pagitan ng dalawang gilid ng Impiyerno." Kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allah, ano ang tulay?" Nagsabi siya: "Madulas, nakatitisod, na sa ibabaw nito ay may mga pangawit, mga panungkit, at pantinik na malapad na may baluktot na tinik na nasa Najd, na tinatawag na As-Sa`dān. Ang Mananampalataya [ay tatawid] sa ibabaw gaya ng kisap-mata, gaya ng kidlat, gaya ng hangin, at gaya ng mabibilis na mga kabayo at mga sasakyang kamelyo. Kaya may nakaliligtas na napangalagaan, nakaliligtas na nagasgasan, at nabuwal sa apoy ng Impiyerno, hanggang sa dumaan ang pinakahuli sa kanila na kinakaladkad. Kayo ay hindi higit na matindi para sa akin sa paghiling sa karapatan, na luminaw nga para sa inyo kaysa sa Mananampalataya, sa [Panginoong] Palasiil, kapag nakita nila na sila ay nakaligtas nga, para sa mga kapatid nila." Magsasabi sila: "Panginoon namin, [iligtas] ang mga kapatid namin. Sila noon ay nagdarasal kasama namin, nag-aayuno kasama namin, at gumagawa kasama namin." Kaya magsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya: "Pumunta kayo, at ang sinumang matagpuan ninyong sa puso niya ay may simbigat ng dinar na pananampalataya ay palabasin ninyo siya." Ipagkakait ni Allah ang mga mukha nila sa apoy. Pupuntahan nila ang mga iyon habang ang ilan sa mga iyon ay lumubog na sa apoy hanggang sa paa at hanggang sa mga kalahati ng mga lulod. Palalabasin nila ang sinumang nakilala nila. Pagkatapos ay babalik sila at magsasabi Siya: "Pumunta kayo, at ang sinumang matagpuan ninyong sa puso niya ay may singbigat ng dinar na pananampalataya ay palabasin ninyo siya." Palalabasin nila ang sinumang nakilala nila. Nagsabi si Abū Sa`īd Al-Khudrīy: "Kaya kung hindi kayo naniwala sa akin ay bigkasin ninyo (Qur'ān 4:40): Tunay na si Allah ay hindi lumalabag sa katarungan ng kahit kasimbigat ng maliit na langgam man. Kung may isang magandang nagawa, pag-iibayuhin niya [ang gantimpala]..." Mamamagitan ang mga propeta, ang mga anghel, at ang mga Mananampalataya kaya magsasabi ang [Panginoong] Palasiil: "Naiwan ang Pamamagitan ko." Kaya dadakot Siya ng isang dakot mula sa Impiyerno at magpapalabas Siya ng [mga pangkat ng] mga taong nasunog na. Itatapon sila sa isang ilog sa mga bukana ng Paraiso, na tinatawag na Tubig ng Buhay. Tutubo sila sa dalawang pangpang nito gaya ng pagtubo ng buto sa inanod ng baha. Nakita na ninyo ito sa tabi ng bato at sa tabi ng punong-kahoy. Ang nasa dakong araw mula rito ay luntian at ang nasa dakong lilim mula rito ay puti. Lalabas silang para bang sila ay mga perlas. Lalagyan sila sa mga leeg nila ng mga kuwintas. Papasok sila sa Paraiso. Magsasabi ang mga naninirahan sa Paraiso: "Ang mga ito ay mga pinalaya ng [Panginoong] Napakamaawain. Pinapasok Niya sila sa Paraiso nang walang gawang ginawa nila at walang kabutihang ipinauna nila." Sasabihin sa kanila: "Ukol sa inyo ang nakita ninyo at tulad niyon kasama niyon."
Napagkaisahan ang katumpakanTinanong ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng ilan sa mga Kasamahan niya: "Makikita po ba namin ang Panginoon namin sa Araw ng Pagkabuhay?" Nagsabi sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Oo; makikita ninyo ang Panginoon ninyo sa Araw ng Pagkabuhay gaya ng pagkakita ninyo sa araw sa katanghaliang-tapat at sa buwan sa gabi ng kabilugan nang walang siksikan at walang pakikipag-agawan." Ang pagwawangis ay naganap lamang sa kalinawan at paglaho ng duda, hirap, at pagtatalo. Ito ay isang pagwawangis ng pagkakita sa pagkakita hindi ng nakita sa nakita. Ang pagkakitang ito ay hindi pagkakitang gantimpala sa mga tinangkilik [ni Allah] ni pagpaparangal sa kanila sa Paraiso yayamang ito ay para sa pagtatangi sa pagitan ng sumamba kay Allah at sumamba sa iba pa sa Kanya. Pagkatapos ay ipinabatid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na may mananawagang isang tagapanawagan sa Araw ng Pagkabuhay: "Ang sinumang sumasamba noon sa anuman bukod pa kay Allah ay sumunod siya roon." Nasaad sa isang tumpak na sanaysay na si Allah ang manawagan, napakamaluwalhati Niya. Titipunin ang sinumang sumasamba noon sa mga anito bukod pa kay Allah at ihahagis sila sa apoy ng Impiyerno. Walang matitira kundi ang sinumang sumasamba noon kay Allah, tumatalima man o sumusuway, at ilan sa kaunting natirang Hudyo at Kristiyano. Ang karamihan sa kanila at ang nakahihigit sa kanila ay ihahatid nga kasama ng mga diyus-diyusan nila patungo sa Impiyerno. Dadalhin ang Impiyerno at itatambad sa mga tao sa tindigang iyon. Para bang ito ay malikmata. Idudulog ang mga Hudyo at sasabihin sa kanila: "Sino ang sinasamba ninyo noon?" Magsasabi sila: "Kami noon ay sumasamba kay `Uzayr na anak ni Allah." Kaya sasabihin sa kanila: "Nagsinungaling kayo sa sabi ninyong si `Uzayr ay anak ni Allah sapagkat tunay na si Allah ay hindi nagkaroon ng asawa ni anak." Pagkatapos ay sasabihin sa kanila: "Kaya ano ang ninanais ninyo?" Magsasabi sila: "Ninanais naming uminom." Ang unang kahilingan nila ay tubig dahil sa tindigang iyon ay titindi ang uhaw dahil sa pagkakasunud-sunod ng mga pighati at pagkakapatung-patong ng mga kasawiang nakapangingilabot. Inihalintulad sa kanila ang Impiyerno na para bang ito ay tubig at sasabihin sa kanila: "Pumunta kayo sa nakikita ninyo at inaakala ninyong tubig at uminom kayo." Pupunta naman sila at matatagpuan nila ang Impiyerno na binabasag ng ilang bahagi nito ang ibang bahagi dahil sa tindi ng pagkaningas nito at paghahampasan ng mga alon ng liyab nito. Magsisilaglagan sila roon. Ang tulad niyon ay sasabihin sa mga Kristiyano matapos nila. Hanggang sa kapag wala nang natira maliban sa sumasamba noon kay Allah, na tumatalima at sumusuway, sasabihin sa kanila: "Ano ang nagpapatigil sa inyo sa tindigang ito gayong umalis na ang mga tao?" Magsasabi sila: "Nakipaghiwalay kami sa mga tao sa Mundo noong kami ay higit na nangangailangan sa kanila kaysa sa sarili namin. Iyon ay dahil sa sila ay sumuway kay Allah at sumalungat sa utos Niya kaya inaway namin sila dahil doon bilang pagkasuklam sa kanila alang-alang kay Allah at bilang pagtatangi sa pagtalima sa Panginoon namin habang kami ay naghihintay sa Panginoon naming sinasamba namin sa Mundo." Pupuntahan sila ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa anyong hindi ang anyong nakita nila sa unang pagkakataon. Dito ay may tahasang paglilinaw na sila ay nakakita na sa Kanya sa isang anyong nakilala nila Siya bago Siya pumunta sa kanila sa pagkakataong ito. Hindi tutumpak na bigyang-pakahulugan ang anyo, bagkus kinakailangan ang pananampalataya rito nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan ni pagtutulad, at nang walang paglilihis sa kahulugan ni pag-aalis sa kahulugan. Kapag pinuntahan sila ni Allah, pagkataas-taas Niya, magsasabi Siya sa kanila: "Ako ay Panginoon ninyo." Magsasabi naman sila: "Ikaw ay Panginoon namin," bilang pagkatuwa at pagkagalak. Sa sandaling iyon, walang kakausap kay Allah, napakamaluwalhati Niya, kundi ang mga propeta. Magsasabi Siya sa kanila: "Sa pagitan ba ninyo at Niya ay may isang tandang makikilala ninyo Siya sa pamamagitan niyon?" Kaya magsasabi naman sila: "Ang lulod." Kaya maglalantad Siya, napakamaluwalhati Niya, ng lulod Niya kaya makikilala Siya ng mga Mananampalataya dahil doon at magpapatirapa sila sa Kanya. Ang mga nagkukunwaring sumampalataya naman, na mga nagpapakita sa mga tao ng pagsamba nila, ay pipigilan sa pagpapatirapa. Ang mga likod nila ay gagawing iisang buto. Hindi nila makakayang yumukod ni magpatirapa dahil sila noon sa katotohanan ay hindi nagpapatirapa kay Allah sa Mundo. Sila noon ay nagpapatirapa lamang dahil sa mga makamundong layunin. Nasaad doon ang pagpapatibay sa pagkakaroon ng lulod bilang isang katangian para kay Allah, pagkataas-taas Niya. Ang ḥadīth na ito at ang tulad nito ay nagiging pagpapakahulugan sa sabi ni Allah (Qur'ān 68:42): "Sa Araw na magtatambad ng isang lulod [ni Allah] at tatawagin sila para sa pagpapatirapa ngunit hindi nila makakaya..." Ang pagpapakahulugan sa "lulod" sa talatang ito bilang kasawian o kapighatian ay hindi matimbang. Kinakailangan kalakip doon ang pagpapatibay sa katangian ng pagkakaroon ng lulod para kay Allah, pagkataas-taas Niya, mula sa Sunnah. Ang pagpapatunay ng talata [ng Qur'ān] sa katangian ay ang matimbang at ang pinakatumpak. Iyon ay sa pamamagitan nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan ni pagtutulad, at nang walang paglilihis sa kahulugan ni pag-aalis sa kahulugan. Pagkatapos ay dadalhin ang landasin (ṣirāṭ) at ilalagay sa gitna ng Impiyerno. Ang landasing ito ay hindi nakakakapit dito ang mga paa at hindi tumatatag ang tayo. Sa ibabaw nito ay may mga pangawit, bakal na binaluktot at pinatalas, upang mahawakan ang sinumang ninais hablutin gamit nito. Ito ay malapit sa panungkit. Sa ibabaw ng landasin din ay may mga tinik na malapad. Daraan ang mga tao sa landasing ito ayon sa sukat ng pananampalataya nila at mga gawa nila. Ang sinumang ang pananampalataya ay buo at ang gawa niya ay matuwid na inilalaan kay Allah, tunay na siya ay daraan sa ibabaw ng Impiyerno gaya ng isang kislap ng paningin. Ang sinumang mababa pa roon, ang pagdaan niya ay magiging ayon sa pananampalataya niya at gawa niya, gaya ng pagdedetalye niyon sa ḥadīth at paghahalintulad sa kidlat, hangin, at iba pa. Ang mga daraan sa landasin ay apat na uri. A. Ang maliligtas na mapangangalagaan sa pananakit. Ang mga ito ay magkakaiba-iba sa bilis ng pagdaan roon gaya ng naunang nabanggit. B. Ang maliligtas na magagasgasan. Ang gasgas ay ang magaang sugat. Nangangahulugan ito na siya ay masasagi ng paso ng Impiyerno o masasagi siya nang may gasgas ng mga pangawit at mga panungkit na nasa ibabaw ng landasin. C. Ang nabuwal sa Impiyerno, ang itinapon nang malakas doon. D. Ang kakaladkarin sa ibabaw ng landasin dahil nanghina ang mga gawa niya sa pagdala sa kanya. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kayo ay hindi higit na matindi para sa akin sa paghiling sa karapatan, na luminaw nga para sa inyo kaysa sa Mananampalataya, sa [Panginoong] Palasiil..." Ito ay bahagi ng pagkamapagbigay ni Allah at awa Niya yayamang nagpahintulot Siya sa mga lingkod Niyang mga Mananampalataya sa paghiling sa Kanya at paghingi ng paumanhin Niya para sa mga kapatid nilang itinapon sa Impiyerno dahilan sa mga krimen nilang ihinaharap nila noon sa Panginoon nila. Sa kabila niyon, inudyukan Niya ang mga Mananampalatayang nakaligtas sa kaparusahan ng Impiyerno at hilakbot sa landasin, iniudyok Niya sa kanila ang paghiling sa Kanya at ang Pamamagitan alang-alang sa mga iyon. Ipinahintulot Niya sa kanila iyon bilang awa mula sa Kanya para sa mga iyon, mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya. Magsasabi sila: "Panginoon namin, [iligtas] ang mga kapatid namin. Sila noon ay nagdarasal kasama namin, nag-aayuno kasama namin, at gumagawa kasama namin." Ang mauunawaan dito ay na ang mga nagdarasal kasama ng mga Muslim ngunit hindi nag-aayuno kasama nila ay hindi sila mamagitan alang-alang sa mga iyon at hindi sila hihiling sa Panginoon nila alang-alang sa mga iyon. Ito ay nagpapatunay na ang yaong mga pinatutungkulan ng paghiling ng mga Mananampalataya sa Panginoon nila alang-alang sa mga iyon ay mga Mananampalataya, mga naniniwala sa kaisahan [ni Allah] batay sa sabi nila: "ang mga kapatid namin. Sila noon ay nagdarasal kasama namin, nag-aayuno kasama namin..." subalit nakagawa ang mga iyon ng ilan sa mga kasalanan na nag-obliga sa kanila sa pagpasok sa Impiyerno. Mayroon ditong tugon sa dalawang pangkating naligaw, ang Mu`tazilah at ang Khawārij, sa sabi nila: "Tunay na ang sinumang pumasok sa Impiyerno ay hindi makalalabas mula roon at tunay na ang nagtaglay ng malaking kasalanan ay [mananatili] sa Impiyerno." Magsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya, sa kanila: "Pumunta kayo, at ang sinumang matagpuan ninyong sa puso niya ay may simbigat ng dinar na pananampalataya ay palabasin ninyo siya." Ipagkakait ni Allah sa apoy na makain nito ang mga mukha nila. Pupuntahan nila ang mga iyon at matatagpuan nilang ang ilan sa mga iyon ay inabot na ng apoy hanggang sa paa at ang iba naman sa mga iyon ay hanggang sa mga kalahati ng mga lulod. Palalabasin nila ang sinumang nakilala nila sa mga iyon. Pagkatapos ay babalik sila at magsasabi si Allah sa kanila: "Pumunta kayo, at ang sinumang matagpuan ninyong sa puso niya ay may singbigat ng kalahating dinar na pananampalataya ay palabasin ninyo siya." Palalabasin nila ang sinumang nakilala nila sa mga iyon. Sa sandaling iyon ay nagsabi si Abū Sa`īd Al-Khudrīy: "Kaya kung hindi kayo naniwala sa akin ay bigkasin ninyo (Qur'ān 4:40): Tunay na si Allah ay hindi lumalabag sa katarungan na kahit kasimbigat ng maliit na langgam man. Kung may isang magandang nagawa, pag-iibayuhin Niya [ang gantimpala] rito..." Ang paggamit ni Abū Sa`īd Al-Khudrīy sa talata [ng Qur'ān] bilang patunay ay nagpapakitang ang tao, kapag siya ay nagkaroong kasimbigat ng maliit na langgam na pananampalataya, tunay na si Allah ay mag-iibayo nito para sa kanya at ililigtas siya dahilan dito. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Mamamagitan ang mga propeta, ang mga anghel, at ang mga Mananampalataya..." Ito ay tahasang pahayag na ang tatlong pangkat na ito ay mamamagitan subalit kinakailangang malamang ang Pamamagitan ng alinmang tagapamagitan ay hindi tatalab malibang matapos na nagpahintulot si Allah doon, gaya nang naunang nabanggit sa paghiling nila sa Panginoon nila at paghingi nila sa Kanya, pagkatapos ay nagpahintulot Siya sa kanila at nagsabi Siya: "Pumunta kayo, at ang sinumang matagpuan ninyong..." Ang sabi niya: "kaya magsasabi ang [Panginoong] Palasiil: 'Naiwan ang Pamamagitan ko.' Kaya dadakot Siya ng isang dakot mula sa Impiyerno at magpapalabas Siya ng [mga pangkat ng] mga taong nasunog na." Ang tinutukoy ng Pamamagitan Niya, pagkataas-taas Niya, ay ang awa Niya sa mga pinagdurusang iyon, kaya ilalabas Niya sila mula sa Impiyerno. Ang sabi niya: "Kaya dadakot Siya ng isang dakot..." ay nagsasaad ng pagpapatibay sa pagdakot para kay Allah, pagkataas-taas Niya. Kay rami sa Aklat ni Allah, pagkataas-taas Niya, at Sunnah ng Sugo Niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tekstong nagpapatibay sa [pagkakaroon Niya ng] kamay at pagdakot subalit ang mga kampon ng pagbibigay-pakahulugang tiwali, ang mga naglilihis sa kahulugan, ay tumatanggi sa pagtanggap niyon at sa pananampalataya roon. Malalaman nilang ang katotohanan ay ang sinabi ni Allah at sinabi ng Sugo Niya, at na sila ay naligaw nga ng landas sa paksang ito. Kaya dadakot si Allah, napakamaluwalhati Niya, ng isang dakot mula sa Impiyerno at magpapalabas Siya [ng mga pangkat] ng mga taong nasunog na at mga naging uling. Ang sabi niya: "Itatapon sila sa isang ilog sa mga bukana ng Paraiso..." Nangangahulugan ito: "Ihahagis sila sa ilog sa mga gilid ng Paraiso na kilala bilang Tubig ng Buhay: ang tubig na mabubuhay ang sinumang nalublob doon. Sa sandaling iyon, tutubo ang mga laman nila, ang mga paningin nila, at ang mga buto nila, na nasunog sa Impiyerno, sa tabi ng ilog na ito. Ang sabi niya: "gaya ng pagtubo ng buto sa inanod ng baha. Nakita na ninyo ito sa tabi ng bato at sa tabi ng punong-kahoy. Ang nasa dakong araw mula rito ay luntian at ang nasa dakong lilim mula rito ay puti..." ay ipinakakahulugan niyon ang bilis ng paglabas ng mga laman nila dahil ang pagtubo sa inanod ng baha - gaya ng nabanggit - ay lumalabas nang mabilis. Dahil dito, ang nasa dakong lilim ay puti at ang nasa dakong araw ay luntian. Iyon ay dahil sa kahinaan nito at kalambutan nito. Hindi naoobligang ang pagtubo nila ay gayon gaya ng sinabi ng iba sa kanila na ang nasa tabi ng Paraiso ay puti at ang nasa tabi ng Impiyerno ay magiging luntian, bagkus ang tinutukoy ay ang pagwawangis sa kanila sa pagtubong nabanggit sa bilis ng paglabas nito at kalambutan nito. Dahil doon, nagsabi siya: "Lalabas silang para bang sila ay mga perlas." Nangangahulugan ito: "Sa kadalisayan ng kutis nila at kagandahan nito." Ang sabi niya: "Lalagyan sila sa mga leeg nila ng mga kuwintas." Ang mga kuwintas na ito ay susulatan ng ganito: "Ang mga ito ay mga pinalaya ng Napakamaawain mula sa Impiyerno," gaya na nabanggit sa ibang sanaysay. Ang sabi niya: "Papasok sila sa Paraiso. Magsasabi ang mga naninirahan sa Paraiso: 'Ang mga ito ay mga pinalaya ng [Panginoong] Napakamaawain. Pinapasok Niya sila sa Paraiso nang walang gawang ginawa nila at walang kabutihang ipinauna nila." Nangangahulugan itong: "Sila ay hindi gumawa ng matuwid sa Mundo at taglay nila lamang ang ugat ng pananampalataya, ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allah, at ang pananampalataya sa Sugo nila." Ang sabi niya: "Sasabihin sa kanila: 'Ukol sa inyo ang nakita ninyo at tulad niyon kasama niyon.'" Lumilitaw na sila ay papasok sa mga pook na walang laman sa Paraiso at dahil dito ay sinabi sa kanila iyon.