





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Kaya naman ang pagkaawa ng tao sa nilikha ay kabilang sa pinakamalaki sa mga kadahilanan na ikinatatamo ng awa ni Allāh (napakataas Siya).
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang pinakakasuklam-suklam sa mga lalaki para kay Allāh ay ang pinakapalaban sa mga kaalitan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nasusuklam sa mga tao na matindi at madalas ang pakikipag-alitan, na hindi tumatanggap ng pagpapaakay sa katotohanan at nagtatangkang magtulak nito sa pamamagitan ng pakikipagtalo, o nakikipag-alitan sa katotohanan subalit nagpapalabis-labis siya sa pakikipag-alitan, lumalabas sa hangganan ng pagkamakatarungan, at nakikipagtalo nang walang kaalaman.
Ayon kay Samurah bin Jundub (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh ay apat: Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Hindi makapipinsala sa iyo kung sa alin man sa mga ito nagsimula ka."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh (napakataas Siya) ay apat: Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh). Nangangahulugan ito ng pagpapawalang-kinalaman kay Allāh (napakataas Siya) sa bawat kakulangan. Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh). Ito ay paglalarawan kay Allāh ng kalubusang ganap kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya. Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh). Ibig sabihin: Walang sinasambang totoo kundi si Allāh. Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Ibig sabihin: pinakakapita-pitagan, pinakasukdulan, at pinakamakapangyarihan kaysa sa bawat bagay. Ang kainaman ng mga ito at ang pagtamo sa gantimpala sa mga ito ay hindi humihiling ng pagkasunud-sunod ng mga ito sa sandali ng pagbigkas sa mga ito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakasukdulan sa mga kadahilanan na magpapapasok sa Paraiso ay dalawang kadahilanan: Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan. Ang pangingilag magkasala kay Allāh ay na maglagay ka sa pagitan mo at ng parusa ni Allāh ng isang pananggalang. Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang kagandahan ng kaasalan ay sa pamamagitan ng pagpapasaya ng mukha, pagkakaloob ng nakabubuti, at pagpipigil ng perhuwisyo. Ang pinakasukdulan sa mga kadahilanan na magpapapasok sa Impiyerno ay dalawang kadahilanan: Ang dila at ang ari. Ang dila. Kabilang sa mga pagsuway nito ang pagsisinungaling, ang panlilibak, ang pagtsitsismis, at ang iba pa sa mga ito. Ang ari. Kabilang sa mga pagsuway nito ang pangangalunya, ang sodomiya, at ang iba pa sa mga ito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nangangaral sa kapatid nito kaugnay sa pagkahiya, kaya naman nagsabi siya: "Ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nagpapayo sa kapatid nito na iwaksi niya ang kadalasan ng pagkahiya kaya naglinaw siya rito na ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya at na ito ay walang inihahatid kundi kabutihan. Ang pagkahiya ay isang kaasalang nagdadala sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pagdalangin ay ang pagsamba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 40:60): {Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagdalangin ay ang pagsamba. Kaya naman ang kinakailangan ay na ang kabuuan nito ay maging wagas ukol kay Allāh. Maging ito man ay pagdalangin ng paghingi at paghiling sa pamamagitan ng paghingi kay Allāh ng anumang ipakikinabang at pagtulak ng anumang ikapipinsala sa Mundo at Kabilang-buhay; o ito man ay pagdalangin ng pagsamba, na bawat anumang iniibig ni Allāh at kinalulugdan Niya na mga sinasabi at mga ginagawang lantaran o pakubli, na mga pagsambang pampuso o pangkatawan o pampananalapi. Pagkatapos humango ng patunay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para roon yayamang nagsabi siya: "Nagsabi si Allāh (Qur'ān 40:60): {“Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}."
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso. Hindi natitigil ang tao na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang napakatapat. Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay tungo sa pagsasamasamang-loob at tunay na ang pagsasamasamang-loob ay pumapatnubay tungo sa Impiyerno. Hindi natitigil ang tao na nagsisinungaling at naghahangad ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang palasinungaling."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapakatapat. Nagpabatid siya na ang pananatili rito ay nagpaparating sa maayos na permanenteng gawa at ang nagtitiyaga sa paggawa ng kabutihan ay nagpaparating sa tagagawa nito sa Paraiso. Hindi natitigil na nauulit-ulit sa kanya ang pagpapakatapat nang palihim at hayagan. Nagiging karapat-dapat siya sa katawagang napakatapat, na pagpapalabis sa pagpapakatapat. Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa kasinungalingan at pagsasabi ng kabulaanan dahil ito ay pumupukaw sa pagkiling palayo sa pagpapakatuwid at tungo sa paggawa ng kasamaan, katiwalian, at mga pagsuway, pagkatapos magpaparating sa kanya sa Impiyerno. Hindi siya tumigil na nagpaparami ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh na kabilang sa mga sinungaling.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May dalawang pangungusap na magaan sa dila, na mabigat sa timbangan [ang gantimpala], na kaibig-ibig sa Napakamaawain: Subḥana –llāhi –l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan) at Subḥana –llāhi wa-biḥamdih (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya)."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang pangungusap na mabibigkas ng tao nang walang hirap at sa bawat kalagayan, na ang dalawang ito ay sukdulan sa pabuya sa timbangan [ng mga gawa] at na ang Panginoon natin, ang Napakamaawain (napakamapagpala Siya at napakataas), ay nakaiibig sa dalawang ito: Subḥana –llāhi –l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan) at Subḥana –llāhi wa-biḥamdih (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya). Dahil naglalaman ang dalawang ito ng paglalarawan kay Allāh ng kasukdulan at kalubusan at ng pagpapawalang-kinalaman sa Kanya ng mga kakulangan (napakamapagpala Siya at napakataas).
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang anumang higit na marangal kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anuman sa mga pagsamba ang higit na mainam sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin dahil taglay nito ang pagkilala sa kawalang-pangangailangan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at ang pagkilala sa kawalang-kakayahan ng tao at pangangailangan sa Kanya.