





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya tungkol sa Panginoon niya (napakamapagpala Siya at napakataas): "O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay naliligaw maliban sa sinumang pinatnubayan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng patnubay, papatnubayan Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay nagugutom maliban sa pinakain Ko; kaya humiling kayo sa akin ng makakain, pakakainin Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay hubad maliban sa pinadamitan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng maidadamit, dadamitan Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay nagkakamali sa gabi at maghapon at Ako ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan; kaya humingi kayo sa Akin ng tawad, patatawarin Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi makapagpapaabot ng pinsala sa Akin para mapinsala ninyo Ako at hindi makapagpapaabot ng pakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makadaragdag iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makababawas iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay tumayo sa iisang kapatagan at humingi sa Akin, at magbibigay Ako sa bawat isa ng hiningi niya, hindi makababawas iyon mula sa taglay Ko malibang gaya ng naibabawas ng karayom kapag ipinasok ito sa dagat. O mga lingkod Ko, ang mga ito ay mga gawa ninyo lamang na binibilang Ko para sa inyo. Pagkatapos tutumbasan Ko kayo sa mga ito." Kaya ang sinumang nakatagpo ng isang kabutihan ay magpuri siya kay Allāh at ang sinumang nakatagpo ng iba roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay nagsabi na Siya ay nagbawal sa sarili Niya ng pang-aapi at gumawa sa pang-aapi bilang ipinagbabawal sa pagitan ng mga nilikha Niya kaya huwag mang-api ang isa sa isa pa; na ang mga nilikha sa kalahatan nila ay mga naliligaw palayo sa daan ng katotohanan malibang may kapatnubayan ni Allāh at pagtutuon Niya, na ang sinumang humingi nito sa Kanya ay magtutuon Siya rito at magpapatnubay Siya rito; na ang mga nilikha ay mga maralita kay Allāh, na mga nangangailangan sa Kanya sa lahat ng mga pangangailangan nila, na ang sinumang humingi nito sa Kanya ay tutugon Siya sa pangangailangan nito at magbibigy-kasapatan Siya rito; na sila ay nagkakasala sa gabi at maghapon samantalang si Allāh (napakataas Siya) ay nagtatakip at nagpapalampas sa sandali ng paghiling ng tao ng kapatawaran; na sila ay hindi nakakakaya na maminsala kay Allāh o magpakinabang sa Kanya ng anuman; na kung sakaling sila ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang tao, hindi makadaragdag ang pangingilag magkasala nila sa paghahari ni Allāh; at kung sakaling sila ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang tao, hindi makababawas ng anuman ang kasamaang-loob nila mula sa paghahari Niya dahil sila ay mga mahinang maralita kay Allāh, na mga nangangailangan sa Kanya sa bawat kalagayan, panahon, at lugar samantalang Siya ay ang Walang-pangangailangan (kaluwalhatian sa Kanya); na sila, kung sakaling tumayo sila sa iisang tayuan: ang tao sa kanila at ang jinn sa kanila, ang una sa kanila at ang huli sa kanila, habang humihingi kay Allāh, magbibigay Siya sa bawat isa sa kanila ng hiningi nito, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa taglay ni Allāh, na gaya ng karayom kung ipinasok ito sa dagat pagkatapos inilabas ito ay hindi mababawasan ang dagat dahil doon ng anuman – at ito ay dahil sa kalubusan ng kawalang-pangangailangan Niya (kaluwalhatian sa Kanya); na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nag-iingat sa mga gawa ng mga tao at mag-iisa-isa ng mga ito sa kanila, pagkatapos magtutumbas Siya sa kanila sa mga ito sa Araw ng Pagbangon, kaya ang sinumang makatatagpo sa ganti sa gawa niya bilang mabuti ay magpuri siya kay Allāh sa pagtutuon sa kanya sa pagtalima kay Allāh at ang sinumang makatatagpo sa ganti sa gawa niya bilang anumang iba pa roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niyang palautos sa kasagwaan na umakay sa kanya tungo sa pagkalugi.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya: "O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkaisa ito na magpakinabang sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi magpapakinabang sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh para sa iyo; at kung sakaling nagkaisa sila na puminsala sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi pipinsala sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh laban sa iyo. Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga talaan."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpapabatid ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) na siya noon ay isang bata pa na nakasakay kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga usapin at mga bagay na magpapakinabang sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng mga ito: Ingatan mo si Allāh sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kung saan nakatatagpo Siya sa iyo sa mga pagtalima at mga pagpapakalapit-loob at hindi Siya nakatatagpo sa iyo sa mga pagsuway at mga kasalanan. Kung ginawa mo iyon, ang ganti sa iyo ay na mangalaga sa iyo si Allāh laban sa mga kinasusuklaman sa Mundo at Kabilang-buhay at mag-adya Siya sa iyo sa mga gawain mo saan ka man tumuon. Kapag nagnais ka na humingi ng isang bagay, huwag kang humingi kundi kay Allāh sapagkat tunay na Siya – tanging Siya – ang tumutugon sa mga humihingi. Kapag ninais mo ang tulong, huwag kang magpatulong kundi kay Allāh. Magkaroon sa iyo ng isang katiyakan na walang mangyayari para sa iyo na isang kapakinabangan kahit pa man nagkaisa sa pagpapakinabang sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitala ni Allāh para sa iyo at walang mangyayari laban sa iyo na isang kapinsalaan kahit pa man nagkaisa sa pagpinsala sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitakda ni Allāh laban sa iyo. Ang bagay na ito ay naitala na ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at naitakda na Niya alinsunod sa hiniling ng karunungan Niya at kaalaman Niya. Walang pagpapalit sa naitala ni Allāh.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at sino po ang tatanggi?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay tumanggi nga."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang buong Kalipunan niya ay papasok sa Paraiso maliban sa tumanggi. Kaya nagsabi ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila): "At sino po ang aayaw, O Sugo ni Allāh?" Sumagot naman siya sa kanila (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang sinumang nagpaakay, sumusunod, at tumalima sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay papasok sa Paraiso. Hinggil naman sa sinumang sumuway at hindi nagpaakay sa Batas ng Islām, umayaw nga siya sa pagpasok sa Paraiso dahil sa mga masagwang gawa niya.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpakawangis sa mga [ibang] tao, siya ay kabilang sa kanila."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām AḥmadNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpakawangis sa mga taong kabilang sa mga tagatangging sumampalataya o mga suwail o mga maayos – at iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng anuman kabilang sa mga kakanyahan nila gaya ng mga pinaniniwalaan o mga pagsamba o mga kaugalian – siya ay kabilang sa kanila dahil ang pagpapakawangis sa kanila sa panlabas ay nauuwi sa pagpapakawangis sa kanila sa panloob. Walang duda na ang pagpapakawangis sa mga ibang tao ay isang resulta ng paghanga. Maaaring mauwi ito sa pag-ibig sa kanila, pagdakila sa kanila, at pagsalig sa kanila. Ito ay maaaring humila sa tao sa pagpapakawangis sa kanila hanggang sa panloob at pagsamba. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh!
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling pagkakasala ang pinakamabigat sa ganang kay Allāh. Nagsabi siya: "Na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo." Nagsabi ako: "Tunay na iyon ay talagang mabigat." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na pumatay ka ng anak mo; nangangamba ka na kakain siya kasama mo." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na makipangalunya ka sa ginang ng kapit-bahay mo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoTinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamabigat sa mga pagkakasala kaya nagsabi siya: Ang pinakamabigat sa mga ito ay ang Malaking Shirk. Ito ay ang paggawa para kay Allāh ng isang katulad o isang katapat sa pagkadiyos Niya o pagkapanginoon Niya o mga pangalan Niya at mga katangian Niya. Ang pagkakasalang ito ay hindi patatawarin ni Allāh malibang sa pamamagitan ng pagbabalik-loob. Kung namatay ang tagagawa nito rito, siya ay pamamalagiin sa Impiyerno. Pagkatapos ang pagpatay ng tao ng anak niya dala ng takot na kumain ito kasama niya. Ang pagpatay ng tao ay bawal subalit bibigat ang kasalanan nito kapag ang pinatay ay may ugnayang pangkaanak sa pumatay at bibigat din ang kasalanan nito kapag ang pinakay ng pumatay ay ang pagkatakot na makilahok sa kanya ang pinatay sa panustos ni Allāh. Pagkatapos makipangalunya ang lalaki sa maybahay ng kapit-bahay niya sa pamamagitan ng pagtatangka ng pag-akit ng maybahay ng kapit-bahay niya nang sa gayon mangalunya siya rito at maakay ito sa kanya. Ang pangangalunya ay bawal subalit bibigat ang kasalanan nito kapag ang kinakalunya ay maybahay ng kapit-bahay, na nagtagubilin ang Kapahayagan ng paggawa ng maganda sa kanya, pagsasamabuting-loob sa kanya, at kagandahan ng pakikisama sa kanya.
Ayon kay Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-iwas ng Muslim sa kapatid niyang Muslim nang higit sa tatlong araw: nagsasalubong ang bawat isa sa kanila sa isa pa at hindi bumabati rito at hindi kumakausap dito. Ang pinakamainam sa dalawang nag-aalitang ito ay ang sinumang nagtatangka ng pag-aalis ng pag-iiwasan at nagpapasimula ng pagbati. Ang ibig sabihin ng pag-iwas dito ay ang pag-iwas alang-alang sa kabutihan ng sarili. Hinggil naman sa pag-iwas alang-alang sa karapatan ni Allāh gaya ng pag-iwas sa mga suwail, mga tagagawa ng bid`ah, at mga kapisan ng kasagwaan, ito ay hindi natatakdaan ng oras. Ito ay sumasalalay lamang sa kapakanan sa pag-iwas at napapawi sa pagkapawi nito.
Ayon kay Abū Ṣirmah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nakipagpinsalaan, makikipagpinsalaan si Allāh sa kanya; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapasok ng kapinsalaan sa Muslim o paglapat ng pahirap sa kanya sa alinmang nauukol kabilang sa mga nauukol sa kanya: sa sarili niya o ari-arian niya o mag-anak niya. Ang sinumang gumawa niyon, tunay na si Allāh ay gaganti sa kanya at magpaparusa sa kanya ng kauri ng gawain niya.
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka tumingin siya sa buwan sa gabi – tumutukoy siya – ng kabilugan saka nagsabi siya: "Tunay na kayo ay makakikita sa Panginoon ninyo gaya ng pagkakita ninyo sa buwan na ito; hindi kayo mahihirapan sa pagkakita sa Kanya. Kaya kung makakaya ninyo na hindi kayo mapanaigan sa isang dasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito ay gawin ninyo." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 20:130): {at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito;}}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng mga Kasamahan ay minsang kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang gabi saka tumingin siya sa buwan ng gabi ng ikalabing-apat saka nagsabi siya: Tunay na ang mga mananampalataya ay makakikita sa Panginoon nila nang totohanan sa pamamagitan ng mata nang walang paghihinala, at na sila ay hindi magsisiksikan at hindi sila dadapuan ng pagkapagod ni ng hirap sa sandali ng pagkakita sa Kanya (napakataas Siya). Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Kaya kung makakaya ninyo na makaputol ng mga kadahilanan na nagpapabaling sa inyo palayo sa ṣalāh sa madaling-araw at ṣalāh sa hapon, gawin ninyo. Magsagawa kayo ng dalawang ito nang lubos sa oras ng dalawang ito sa isang konggregasyon sapagkat tunay na iyon ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtingin sa mukha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Pagkatapos binigkas niya ang āyah (Qur'ān 20:130): {at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito;}
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay talagang nagpapalugit sa tagalabag ng katarungan; hanggang sa nang dumaklot Siya rito, hindi Siya magpapalusot dito." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapatuloy sa kawalang-katarungan sa pamamagitan ng mga pagsuway, Shirk, at kawalang-katarungan sa mga tao sa mga karapatan nila. Tunay na si Allāh ay nagpapalugit sa tagalabag sa katarungan, nagpapaliban sa kanya, nagpapahaba sa kanya ng buhay niya, at nagpaparami ng yaman niya kaya hindi nagmamadali sa kanya sa kaparusahan. Kung hindi naman siya nagbalik-loob, dadaklot si Allāh sa kanya, hindi magpapawala sa kanya, at hindi mag-iiwan sa kanya dahil sa dami ng kawalang-katarungan niya. Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}