





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū `Amr – at sinabing Abū `Amrah – Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh, magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHumiling ang Kasamahang si Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magturo ito sa kanya ng isang masasabing tagatipon ng mga kahulugan ng Islām, na panghahawakan niya at hindi niya maitatanong sa iba pa sa kanya. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Sabihin mo: Naniniwala ako sa kaisahan ni Allāh at sumampalataya ako na Siya ay ang Panginoon ko, ang Diyos ko, ang Tagalikha ko, at ang totoong sinasamba ko – walang katambal sa Kanya. Pagkatapos magpapaakay siya sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagganap sa mga tungkulin kay Allāh at pagwaksi sa mga ipinagbabawal ni Allāh at magpapatuloy siya sa mga ito.
Ayon kay Abū `Abdillāh Jābir bin `Abdillāh Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi ito: "Nagtuturing ka ba – kapag nagdasal ako ng mga isinatungkulin, nag-ayuno ako sa Ramaḍān, nagsapahintulot ako ng ipinahihintulot at nagbawal ako ng bawal, at hindi ako nagdagdag doon ng anuman – na papasok ba ako sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Oo." ...}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagdasal ng limang ṣalāh na isinatungkulin at hindi nagdagdag sa mga ito ng anuman mula sa mga pangkusang-loob na ṣalāh, nag-ayuno sa Ramaḍān at hindi nagkusang-loob [ng ibang ayuno], naniwala sa pagkapahintulot ng ipinahihintulot at ginawa ito, at naniwala sa pagkabawal ng bawal at umiwas rito, papasok siya sa Paraiso.
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka po sa akin ng isang gawaing magpapasok sa akin sa Paraiso at maglalayo sa akin mula sa Impiyerno." Nagsabi siya: "Talaga ngang humiling ka tungkol sa isang dakilang gawain. Tunay na ito ay talagang madali sa sinumang nagpadali nito si Allāh sa kanya. Sasamba ka kay Allāh at hindi ka magtatambal sa Kanya ng anuman. Magpapanatili ka ng pagdarasal. Magbibigay ka ng zakāh. Mag-aayuno ka sa Ramaḍān. Magsasagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh]." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako gagabay sa iyo sa mga pinto ng kabutihan? Ang pag-aayuno ay kalasag. Ang kawanggawa ay umaapula sa kamalian kung paanong umaapula ang tubig sa apoy. Ang pagdarasal ng tao sa kailaliman ng gabi [ay gayon din]." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 32:16-17: {Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa mga hinihigaan,} hanggang sa umabot siya, {... dati nilang ginagawa.} Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa ulo ng usapin sa kabuuan nito, poste nito, at rurok ng tugatog nito?" Kaya nagsabi ako: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang ulo ng usapin ay ang Islām, ang poste nito ay ang pagdarasal, at ang rurok ng tugatog nito ay ang pakikibaka." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa pinakasaligan niyon sa kabuuan niyon?" Nagsabi ako: "Opo, O Propeta ni Allāh." Kaya humawak siya sa dila niya at nagsabi siya: "Pigilin mo sa iyo ito." Kaya nagsabi ako: "O Propeta ni Allāh, at tunay na kami po ay talagang mga pananagutin sa anumang sinasalita namin?" Kaya nagsabi siya: "Mangulila nawa sa iyo ang ina mo, O Mu`ādh! May magsusubsob kaya sa mga tao sa Impiyerno sa mga mukha nila o sa mga ilong nila kundi dahil sa mga ani ng mga dila nila?"}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagsabi si Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay, saka ako isang araw ay naging malapit sa kanya habang kami ay humahayo, kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka po sa akin hinggil sa isang gawaing magpapasok sa akin sa Paraiso at maglalayo sa akin mula sa Impiyerno. Nagsabi siya: "Talaga ngang humiling ka sa akin tungkol sa isang gawaing mabigat ang paggawa nito sa mga kaluluwa. Tunay na ito ay talagang magaang madali sa sinumang nagpadali nito si Allāh doon. Gampanan mo ang mga tungkulin sa Islām. 1. Sasamba ka kay Allāh – tanging sa Kanya – at huwag kang magtambal sa Kanya ng anuman. 2. Magpapanatili ka ng limang pagdarasal na isinatungkulin sa araw at gabi: sa madaling-araw, tanghali, hapon, paglubog ng araw, at gabi kalakip ng mga kundisyon sa mga ito, mga haligi ng mga ito, at mga kinakailangan sa mga ito. 3. Magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin. Ito ay isang pagsambang pampananalaping kinakailangan sa bawat yamang umabot sa isang kantidad na tinakdaan sa Batas ng Islām, na ibinibigay sa mga karapat-dapat dito. 4. Mag-aayuno ka sa Ramaḍān. Ito ay ang pagpigil sa pagkain, pag-inom, at iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga tagapagpatigil-ayuno, nang may layunin ng pagpapakamananamba, mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw. 5. Magsasagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] sa pamamagitan ng pagsasadya sa Makkah para magsagawa ng mga gawaing-pagsamba bilang pagpapakamananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapaalam sa iyo sa daang nagpaparating sa mga pinto ng kabutihan? Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapasunod sa mga gawaing tungkulin ng mga gawaing kusang-loob: A. Ang Ayuno ng Pagkukusang-loob. Ito ay tagapigil sa pagkasadlak sa mga pagsuway. Iyon ay sa pamamagitan ng pagbasag sa pagnanasa at pagpapahina ng lakas. B. Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob. Ito ay umaapula sa kasalanan matapos ng pagkagawa nito, nag-aalis nito, at pumapawi ng bakas nito. C. Ang Ṣalāh na Taḥajjud sa huling katlo ng gabi. Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sabi ni Allāh (Qur'ān 32:16-17: {Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa ...} Ibig sabihin: Naglayuan {sa mga hinihigaan} Ibig sabihin: mga higaan. {dumadalangin sila sa Panginoon nila} sa pamamagitan ng ṣalāh, dhikr, pagbigkas ng Qur'ān, at panalangin. {sa pangamba at sa paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila. Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata} Ibig sabihin: ang ikinagiginhawa ng mga mata nila sa Araw ng Pagbangon at sa Paraiso na kaginhawahan {bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa}. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa saligan ng Relihiyon, poste nito na sinasandalan nito, at rurok ng tugatog nito?" Nagsabi si Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ulo ng usapin ay ang Islām." Ito ay ang Dalawang Pagsaksi. Sa pamamagitan ng dalawang ito, magiging kasama ng tao ang saligan ng Relihiyong Islām. "ang poste nito ay ang pagdarasal," kaya walang Islām habang walang ṣalāh, kung paano na ang bahay ay hindi nagiging bahay habang walang poste. Kaya ang sinumang nagdarasal, lalakas ang pagrerelihiyon niya at aangat. "ang rurok ng tugatog nito" at ang pagkaangat nito ay sa pamamagitan ng pakikibaka at pagkakaloob ng pagsisikap sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng Relihiyong Islām para sa pagtataas sa Salita ni Allāh. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo" hinggil sa pagpapatibay at pagpapahusay sa nagdaan. Kaya humawak siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dila niya. Nagsabi siya: "Magpigil ka nito at huwag kang magsalita ng hindi nauukol sa iyo." Kaya nagsabi si Mu`ādh: "Magpapanagot kaya sa amin at magtutuos sa amin, ang Panginoon namin, at magpaparusa Siya sa amin dahil sa anumang sinasalita namin?" Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hanap-hanapin ka nawa ng ina mo! Ang tinutukoy rito ay hindi ang panalangin laban sa kanya subalit ito ay bahagi ng pananalita ng mga Arabe para sa pagtawag-pansin sa isang bagay na nararapat na makatawag-pansin sa kanya at magpaalam sa kanya. Pagkatapos nagsabi siya: "May magpupukol kaya sa mga tao at magpapabagsak sa kanila sa mga mukha nila sa Impiyerno kundi ang mga ani ng mga dila nila na kawalang-pananampalataya, maling paratang, pang-aalipusta, panlilibak, tsismis, paninirang-puri, at tulad nito?"
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya tungkol sa Panginoon niya (napakamapagpala Siya at napakataas), na nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw Siya niyon. Ang sinumang nagbalak ng isang magandang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magtatala niyon si Allāh sa ganang Kanya bilang isang kumpletong magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magtatala niyon si Allāh sa ganang Kanya bilang sampung magandang gawa hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Kung nagbalak ito ng isang masagwang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magtatala niyon si Allāh sa ganang Kanya bilang isang kumpletong magandang gawa; ngunit kung nagbalak ito niyon saka nakagawa ito niyon, magtatala niyon si Allāh bilang iisang masagwang gawa."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim sa mga Ṣaḥīḥ Nila sa mga titik na itoNaglilinaw ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw sa dalawang anghel kung papaano silang dalawa magsusulat nito. Kaya ang sinumang nagnais, nagpakay, at nagpasya sa paggawa ng magandang gawa, isusulat iyon para kanya bilang iisang magandang gawa, kahit pa hindi siya nakagawa nito; ngunit kung nagawa niya ito, tunay na ito ay pag-iibayuhin [sa gantimpala] sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang karagdagan ay alinsunod sa nasa puso na pagpapakawagas, pagsalin ng pakinabang, at tulad niyon. Ang sinumang nagnais, nagpakay, at nagpasya sa paggawa ng masagwang gawa pagkatapos nagwaksi siya nito alang-alang kay Allāh, isusulat iyon para sa kanya bilang iisang magandang gawa. Kung nakawaksi siya nito dala ng pagkalingat dito kasabay ng hindi paggawa ng mga kadahilanan nito, hindi magsusulat para sa kanya ng anuman. Kung nakawaksi siya nito dala ng kawalang-kakayahan dito, itatala sa kanya ang layunin niya. Kung nakagawa siya nito, magsusulat para sa kanya ng iisang masagwang gawa.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsabi: {Ang sinumang nakipag-away sa isang katangkilik para sa Akin, nagpahayag nga Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpakalapit-loob sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi tumitigil ang lingkod Ko na nagpapakalapit-loob sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa umibig Ako sa kanya. Kaya kapag umibig Ako sa kanya, Ako ay naging ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinantitingin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya, at ang paa niya na ipinanlalakad niya. Kung humingi siya sa Akin, talagang magbibigay nga Ako sa kanya. Talagang kung humiling siya sa Akin ng pagkupkop, talagang magkukupkop nga Ako sa kanya. ...}"}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa banal na ḥadīth na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagsabi: "Ang sinumang namerhuwisyo sa isang katangkilik kabilang sa mga katangkilik Ko, gumalit rito, at namuhi rito, magpapaalam nga Ako sa kanya at magpapahayag nga Ako sa kanya ng away." Ang katangkilik ay ang mananampalatayang mapangilag magkasala. Magiging ayon sa sukat ng taglay ng tao na pananampalataya at pangingilag magkasala ang bahagi niya mula sa pagtangkilik ni Allāh. Hindi nagpakalapit-loob ang Muslim sa Panginoon nito sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Kanya kaysa sa isinatungkulin Niya rito at inobliga Niya rito na paggawa ng mga pagtalima at pagwaksi ng mga ipinagbabawal. Hindi tumitigil ang Muslim na nagpapakalapit-loob sa Panginoon nito sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba kasama ng mga tungkuling pagsamba hanggang sa magtamo ito ng pag-ibig ni Allāh. Kaya kapag umibig dito si Allāh, si Allāh ay magiging tagapagtama rito sa apat na bahaging ito ng katawan: Magtatama si Allāh dito sa pandinig nito kaya hindi ito didinig kundi ng nagpapalugod sa Kanya. Magtatama si Allāh dito sa paningin nito kaya hindi ito titingin kundi sa iniibig Niya ang pagtingin doon at kinalulugdan Niya. Magtatama si Allāh dito sa kamay nito kaya hindi ito gagawa sa pamamagitan ng kamay nito kundi ng nagpapalugod sa Kanya. Magtatama si Allāh sa paa nito kaya hindi ito maglalakad kundi tungo sa nagpapalugod sa Kanya at hindi ito magpupunyagi kundi sa anumang naroon ang kabutihan. Sa kabila nito, kung humiling siya kay Allāh ng isang bagay, tunay na si Allāh ay magbibigay sa kanya ng hiniling niya kaya siya ay magiging tinutugon ang panalangin. Talagang kung humiling siya kay Allāh ng pagkupkop at dumulog siya kay Allāh dala ng paghahanap ng pagsasanggalang, tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay magkukupkop sa kanya at magsasanggalang sa kanya laban sa pinangangambahan niya.
Ayon kay Abū Muḥammad `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ang pithaya niya ay maging sunod sa inihatid ko."}
Nagsalaysay kami nito sa Kitāb Al-Ḥujjah nang may isnād na tumpakNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tao ay hindi nagiging isang mananampalatayang kumpleto ang pananampalatayang kinakailangan hanggang sa ang pag-ibig niya ay maging tagasunod ng inihatid ng Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na mga ipinag-uutos at mga sinasaway at iba pa sa mga ito. Kaya naman iniibig niya ang ipinag-utos ni Allāh at kinasusuklaman niya ang sinaway Nito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging mapagpaimbabaw. Kung naging may isang katangian mula sa mga ito sa kanya, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagmamasamang-loob siya; at kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraidor siya."
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām MuslimNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa apat na kakanyahan; na kapag natipon ang mga ito sa isang Muslim, siya ay naging matindi ang pagkakawangis sa mga mapagpaimbabaw dahilan sa mga kakanyahang ito. Ito ay sa sinumang ang mga kakanyahang ito ay nananaig sa kanya. Hinggil naman sa sinumang madalang ito, siya ay hindi napaloloob dito. Ang mga ito ay: A. Kapag nagsalita siya, sinasadya niya ang pagsisinungaling at ang kawalan ng katapatan sa pananalita niya. B. Kapag nakipagkasunduan siya ng isang kasunduan, hindi siya tumutupad dito at nagtatraydor siya sa kasamahan niya. C. Kapag nangako siya ng isang pangako, hindi siya tumutupad dito at sumisira siya rito; D. Kapag nakipag-alitan siya at nakipagtaluhan siya sa isang tao, ang pakikipag-alitan niya ay matindi. Kumikiling siya palayo sa katotohanan, nanlalalang siya sa pagtugon niya at pagpapabula niya, at nagsasabi siya ng kabulaanan at kasinungalingan. Tunay na ang pagpapaimbabaw ay ang pagpapakita ng nagkukubli ng kasalungatan nito. Ang kahulugang ito ay natatagpuan sa tagapagtaglay ng mga kakanyahang ito. Ang pagpapaimbabaw niya ay nagiging pumapatungkol sa sinumang kumausap sa kanya, nangako sa kanya, nagtiwala sa kanya, nakipag-alitan sa kanya, at nakipagkasunduan sa kanya mula sa mga tao. Hindi dahil siya ay isang mapagpaimbabaw sa Islām kaya nagpapakita siya nito habang siya ay nagkukubli naman ng kawalang-pananampalataya. Ang sinumang naging nasa kanya ang isa sa mga kakanyahang ito, naging nasa kanya ang isang katangian ng pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSumusumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Allāh na walang nakaririnig hinggil sa kanya na isa mula sa kalipunang ito, na isang Hudyo o isang Kristiyano o iba pa sa dalawang ito na umaabot sa kanya ang paanyaya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa kanya, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno bilang mamalagi roon magpakailanman.
Ayon kina `Ā'ishah at `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsasabi: {Noong bumaba ang paghihingalo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsimula siyang nagtatakip ng isang tela niya sa mukha niya. Kapag naghabol siya ng hininga dahil dito, nag-aalis siya nito sa mukha niya; saka nagsabi siya habang siya ay ganoon: "Ang sumpa ni Allāh ay sa mga Hudyo at mga Kristiyano. Gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan." Nagbibigay-babala siya sa ginawa nila.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid sa atin sina `Ā'ishah at `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nang dumalo sa Propeta (malugod si Allāh sa kanya) ang pagpanaw, nagsimula siyang naglalagay ng isang piraso ng tela sa mukha niya. Kapag humirap sa kanya ang paghinga dahilan sa hapdi ng paghihingalo, nag-aalis siya nito sa mukha niya. Nagsabi siya sa gayong matinding kalagayan: "Sumpain ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano at itaboy Niya sila mula sa awa Niya." Iyon ay dahil sila ay nagpatayo ng mga sambahan sa ibabaw ng mga libingan ng mga propeta nila. Kung sakaling hindi dahil sa pagkapanganib ng usapin, hindi sana Siya bumanggit nito sa tulad ng katayuang ito. Dahil dito, sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya laban sa pakikiwangis sa gawaing iyon dahil iyon ay kabilang sa gawain ng mga Hudyo at mga Kristiyano at dahil iyon ay isang pagsasadahilang umaabot sa pagtatambal kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).