





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Makipaglapitan kayo [sa mabuti], magtama kayo, at umalam kayo na walang maliligtas na isa man mula sa inyo dahil sa gawa niya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ikaw?" Nagsabi siya: "Ni ako, maliban na lumipos sa akin si Allāh ng isang awa mula sa Kanya at isang kabutihang-loob."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan na gumawa sila ng mabuti, na mangilag silang magkasala kay Allāh sa abot ng nakaya nila nang walang pagpapalabis at walang pagpapakulang, at na magpakay sila sa paggawa nila ng wasto sa pamamagitan ng pagpapakawagas kay Allāh at pagsunod sa Sunnah upang tanggapin ang gawa nila para ito ay maging isang kadahilanan ng pagbaba ng awa sa kanila. Pagkatapos nagpabatid siya sa kanila na hindi makapagliligtas sa isa sa inyo ang gawa niya lamang; bagkus hindi makaiiwas sa awa ni Allāh. Nagsabi sila: "Kahit po ba ikaw, O Sugo ni Allāh, ay hindi makapagliligtas sa iyo ang gawa mo sa kabila ng bigat ng sukat niyon?" Kaya nagsabi siya: "Kahit ako, maliban na magtakip sa akin si Allāh ng kagandahang-loob ng awa Niya."
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago ko malibang nagkaroon siya mula sa kalipunan niya ng mga disipulo at mga kasamahan na humahawak sa sunnah niya at tumutulad sa utos niya. Pagkatapos tunay na [ang kalipunang] ito ay hinahalilihan matapos na ng mga ito ng mga kahalili na nagsasabi ng hindi nila ginagawa at gumagawa ng hindi ipinag-uutos sa kanila. Kaya ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng kamay niya, siya ay isang mananampalataya; ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng dila niya, siya ay isang mananampalataya; at ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng puso niya, siya ay isang mananampalataya. Wala na bukod para riyan na anumang pananampalataya na [singlaki ng] isang buto ng mustasa."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago niya malibang nagkaroon ito mula sa kalipunan nito ng mga hinirang, mga tagaadya, at mga nakikibakang nagpapakawagas, na naaangkop sa paghalili matapos nito, na humahawak sa kalakaran nito at tumutulad sa utos nito. Pagkatapos may darating matapos ng mga hinalinhan na iyon na mga taong walang kabutihan sa kanila, na nagsasabi ng hindi nila ginagawa at gumagawa ng hindi ipinag-uutos sa kanila. Kaya ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng kamay niya, siya ay isang mananampalataya; ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng dila niya, siya ay isang mananampalataya; at ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng puso niya, siya ay isang mananampalataya. Wala na bukod para riyan na anumang pananampalataya na [singlaki ng] isang buto ng mustasa.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanila): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Binigyan ako ng limang hindi binigyan ng mga ito ang isa man bago ko: iniadya ako sa pamamagitan ng pagkasindak [ng mga kaaway] sa layo ng paglalakbay ng isang buwan, ginawa para sa akin ang lupa bilang mapagpapatirapaan at bilang pandalisay kaya ang alinmang lalaki kabilang sa Kalipunan ko na inabutan ng salah ay magdasal siya, ipinahintulot sa akin ang mga samsam samantalang hindi ito ipinahintulot sa isa man bago ko, binigyan ako ng Pamamagitan, at ang propeta ay ipinapadala sa kalipunan niya sa partikular samantalang ipinadala ako sa mga tao sa kalahatan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nagbigay sa kanya ng limang kakanyahan na hindi binigyan ng mga ito ang isa sa mga propeta bago niya [ayon sa pagkasabi niya]: 1. Iniadya ako sa pamamagitan ng pagkasindak na ipinupukol sa mga puso ng mga kaaway ko kahit pa man sa pagitan ko at nila ay may layo ng paglalakbay ng isang buwan. 2. Ginawa para sa atin ang lupa bilang mapagpapatirapaang mapagdadasalan natin naging saan man tayo at bilang pandalisay sa pamamagitan ng alikabok sa sandali ng kawalang-kakayahan sa pagkakaroon ng tubig. 3. Ipinahintulot sa atin ang mga samsam sa digmaan: ang nakukuha ng mga Muslim sa digmaan nila sa mga tagatangging sumampalataya. 4. Binigyan ako ng pinakadakilang Pamamagitan alang-alang sa pagbibigay-kapahingahan sa mga tao mula sa hilakbot sa Tindigan sa Araw ng Pagbangon. 5. Isinugo ako sa nilikha sa kabuuan: sa tao nila at jinn nila, na kasalungatan sa mga propeta bago ko sapagkat sila noon ay ipinapadala sa mga tao nila lamang.
Ayon kay Ḥārithah bin Wahb Al-Khuzā`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Paraiso? Ang bawat mahinang nagpapakaaba, kung sakaling sumumpa ito kay Allāh, talagang magpapaunlak Siya rito. Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Impiyerno? Ang bawat mapang-alitan, na pagkahambug-hambog, na mapagmalaki."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa ilan sa mga katangian ng mga maninirahan sa Paraiso at mga maninirahan sa Impiyerno. Ang karamihan sa mga maninirahan sa Paraiso ay "ang bawat mahinang nagpapakahamak" – ibig sabihin: nagpapakumbaba na nagpapasailalim kay Allāh (napakataas Siya) – na nag-aaba ng sarili niya para kay Allāh hanggang sa tunay na ang ilan sa mga tao ay nagmamahina sa kanya at nagmamaliit sa kanya. Ang nagpapakaabang ito kay Allāh (napakataas Siya), kung sakaling sumumpa ito kay Allāh ng isang pagsumpa dala ng paghahangad sa kagalantehan ni Allāh (napakataas Siya), talagang magpapaunlak dito si Allāh, magsasakatotohanan Siya para rito ng sinumpaan nito, at tutugon Siya sa hiling nito at panalangin nito. Ang karamihan sa mga maninirahan sa Impiyerno ay ang bawat "mapang-alitan" – ang mabagsik na magaspang, na matindi ang pakikipag-alitan o ang mahalay na hindi naaakay sa isang kabutihan – na "pagkahambug-hambog" – ang nagpapakamalaking palakain na may dambuhalang katawan, na mayabang sa paglalakad niya, na masagwa ang kaasalan – na "mapagmalaki" dahil sa pagtanggi niya sa katotohanan at pagmamaliit niya sa iba pa sa kanya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na sa Paraiso ay may isandaang antas na inihanda ni Allah para sa mga nakikibaka sa landas Niya, na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagpapabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa ḥadīth na ito ng tungkol sa kalamangan ng mga nakikibaka sa landas ni Allah at na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay naghanda na para sa kanila sa Paraiso ng isandaang antas na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko at Ako ay kasama niya nang umaalaala siya sa Akin. Kaya kung umalaala siya sa Akin sa sarili niya, aalaala Ako sa kanya sa sarili Ko; at kung umalaala siya sa Akin sa isang konseho, aalaala Ako sa kanya sa isang konseho na higit na mabuti kaysa roon. Kung lumapit siya sa Akin nang isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya nang isang bisig; at kung lumapit siya sa Akin nang isang bisig, lalapit Ako sa kanya nang isang dipa. Kung pumunta siya sa Akin nang naglalakad, pupunta Ako sa kanya nang payagyag."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsasabi: "Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko sa Akin. Kaya naman nakikitungo Ako sa lingkod Ko alinsunod sa palagay niya sa Akin. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-asa at pagbibigay-pag-asa sa kapaumanhinan. Gumagawa Ako sa kanya ng inaasahan niya mula sa Akin na kabutihan o iba pa roon. Ako ay kasama niya sa pamamagitan ng awa, pagtutuon sa tama, kapatnubayan, pag-aaruga, at pag-aayuda kapag umalaala siya sa Akin." Kaya kung umalaala siya sa Akin sa sarili niya habang nakabukod na nagsasarili sa pamamagitan ng tasbīḥ (pagsambit ng subḥāna –llāh) o tahlīl (pagsambit ng lā ilāha illa –llāh) at iba pa rito, aalaala Ako sa kanya sa sarili Ko. Kung umalaala siya sa isang pangkat, aalaala Ako sa kanya sa isang pangkat na higit na marami kaysa sa kanila at higit na kaaya-aya. Ang sinumang nagpakalapit kay Allāh nang isang layo ng isang dangkal, hihigit sa kanya si Allāh sapagkat magpapakalapit Siya sa kanya nang isang bisig. Kung nagpakalapit siya kay Allāh nang isang layo ng isang bisig, magpapakalapit Siya sa kanya nang isang layo ng isang dipa. Kung dumating siya kay Allāh nang naglalakad, darating Siya sa kanya nang payagyag. Kaya ang lingkod, kapag nagpakalapit sa Panginoon niya sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya at dedikasyon sa kanya, tunay na ang Panginoon (napakataas Siya) ay hihigit sa kanya sa kalapitan sa kanya bilang ganti sa uri ng gawain niya. Kaya sa tuwing nalulubos ang pagkamananamba ng mananampalataya sa Panginoon niya, lumalapit siya sa Kanya (napakataas Siya). Ang bigay at ang gantimpala ni Allāh ay higit na marami kaysa sa gawa ng tao at pagpapagal niya. Ang resulta ay na ang gantimpala ni Allāh ay matimbang sa gawain sa pamamagitan kalidad at kantidad. Ang mananampalataya ay nagpapaganda ng palagay, gumagawa, nakikipagmabilisan, at nadaragdagan hanggang sa makipagtagpo siya kay Allāh.
Ayon kay Ṭalḥah bin `Ubaydillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa mga naninirahan sa Najd, na magulo ang ulo. Naririnig namin ang alingawngaw ng tinig nito at hindi namin nauunawaan ang sinasabi nito hanggang sa nalapit ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka biglang ito ay nagtatanong tungkol sa Islām. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Limang pagdarasal sa araw at gabi." Nagsabi naman ito: "Kailangan kaya sa akin ang iba pa sa mga ito?" Nagsabi siya: "Hindi, maliban na magkusang-loob ka; at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān." Nagsabi naman ito: "Kailangan kaya sa akin ang iba pa rito?" Nagsabi naman siya: "Hindi, maliban na magkusang-loob ka." Binanggit sa kanya ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang zakāh. Nagsabi naman ito: "Kailangan kaya sa akin ang iba pa rito?" Nagsabi naman siya: "Hindi, maliban na magkusang-loob ka." Kaya lumisan ang lalaki habang ito ay nagsasabi: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako magdaragdag dito at hindi ako magbabawas mula rito." Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtagumpay siya kung nagtotoo siya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay dumating na isang lalaki mula sa mga naninirahan sa Najd sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang buhok nito ay nagulu-gulo. Ang tinig nito ay mataas. Hindi nauunawaan ang sinasabi nito. Hanggang sa nakalapit ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka naman nagtanong ito tungkol sa mga tungkulin sa Islām. Kaya nagsimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagdarasal at nagpabatid siya na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanya ng limang pagdarasal sa bawat araw at gabi. Nagsabi ito: "May inoobliga kaya sa akin na anumang kabilang sa mga pagdarasal na iba pa sa limang ito?" Nagsabi naman siya: "Wala, malibang kapag nagkusang-loob ka ng mga pagdarasal na pangkusang-loob." Pagkatapos nagsabi pa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kabilang sa isinatungkulin ni Allāh sa iyo ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān." Nagsabi ang lalaki: "May inoobliga kaya sa akin na anumang kabilang sa pag-aayuno na iba pa sa pag-aayuno sa Ramaḍān?" Nagsabi naman siya: "Wala, maliban na magkusang-loob ka ng isang pag-aayuno." Pagkatapos binaggit dito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang zakāh. Nagsabi ang lalaki: "May inoobliga kaya sa akin na anumang kabilang sa mga kawanggawa matapos ng zakāh na tungkulin?" Nagsabi naman siya: "Wala, maliban na magkusang-loob ka." Matapos na nakarinig ang lalaki mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga tungkuling ito, tumalikod siya palisan at sumumpa kay Allāh (napakataas Siya) na siya ay susunod sa mga ito nang walang pagdaragdag at walang pagbabawas. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaagad niyon: "Kapag nagtotoo ang lalaki sa sinumpaan niya, tunay na siya ay magiging kabilang sa mga magtatagumpay."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon. Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa araw ng Biyernes."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Kabilang sa mga kakanyahan nito na si Allāh ay lumikha dito kay Adan (sumakanya ang pangangalaga). Dito nagpapasok si Allāh sa kanya sa Paraiso at dito nagpalabas si Allāh sa kanya mula roon at nagpalapag sa kanya sa lupa. Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa araw ng Biyernes.
Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya-buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:((Katotohanang darating ang isang lalaking napakataba at napakalaki sa Araw ng Pagkabuhay,na wala siyang bigat para kay Allah na tulad ng pakpak ng lamok.))
Napagkaisahan ang katumpakanKatotohanang ang isang lalaki napakadakila,nagmamay-ari ng maayos pangangatawan at napakalaki,at mapag-mataas sa mga nilikha ni Allah sa Mundo,napakalupit at napakayabang sa gawain niya at pananalita niya,Katotohanan sa Araw ng Pagka-buhay ay,wala siyang bigat para kay Allah na tulad ng pakpak ng lamok,at wala sa kanya ang halaga at wala ang antas.