





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {Si Fāṭimah (malugod si Allāh sa kanya) ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na dumadaing sa kanya ng natatagpuan nito sa kamay nito dahil sa gilingang bato. Umabot dito na may dumating sa kanya na alipin ngunit hindi ito nakasumpong sa kanya kaya bumanggit ito niyon kay `Ā'ishah. Kaya noong dumating siya, nagpabatid sa kanya si `Ā'ishah. Nagsabi naman si `Alīy: "Saka dumating siya sa amin noong nakahiga na kami sa mga higaan namin saka kumilos kami upang bumangon ngunit nagsabi siya: 'Manatili sa kinalalagyan ninyong dalawa.' Dumating siya saka umupo sa pagitan ko at nito hanggang sa nakaramdam ako ng lamig ng mga paa niya sa tiyan ko saka nagsabi siya: 'Hindi ba ako maggagabay sa inyong dalawa sa higit na mabuti kaysa sa hiniling ninyong dalawa? Kapag humiga kayong dalawa sa mga higaan ninyong dalawa o pumunta kayong dalawa sa kama ninyong dalawa, magluwalhati kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, magpuri kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, at magdakila kayong dalawa nang talumpu't apat sapagkat ito ay higit na mabuti para sa inyong dalawa kaysa sa isang utusan.'"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoDumaing si Fāṭimah (malugod si Allāh sa kanya), ang babaing anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ng natatagpuan nito sa kamay nito dahil sa epekto ng kasangkapan ng paggiling, na iginigiling nito. Noong may dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bihag, nagmadali ito sa kanya, na humihiling sa kanya ng isang utusan mula sa bihag na ito upang magsagawa sa halip nito ng mga gawain sa bahay subalit ito ay hindi nakatagpo sa kanya sa bahay niya at nakatagpo kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) kaya nagpabatid ito sa kanya hinggil doon. Kaya noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagpabatid sa kanya si `Ā'ishah hinggil sa pagdating ni Fāṭimah upang humiling ito sa kanya ng isang utusan. Dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kina Fāṭimah at `Alīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa bahay nilang dalawa habang silang dalawa ay nasa higaan, na naghahanda para sa pagtulog. Umupo siya sa pagitan nilang dalawa hanggang sa nakaramdam si `Alīy (malugod si Allāh dito) ng lamig ng mga paa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tiyan niya. Nagsabi siya: "Hindi ba ako magtuturo sa inyong dalawa ng higit na mabuti kaysa sa hiniling ninyong dalawa sa akin na pagbibigay sa inyong dalawa ng utusan?" Nagsabi silang dalawa: "Opo." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag humiga kayong dalawa sa mga higaan ninyo para matulog sa gabi, magdakila kayong dalawa nang tatlumpu't apat na ulit sa pamamagitan ng pagsabi ng: Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila), magluwalhati kayong dalawa nang tatlumpu't tatlong ulit sa pamamagitan ng pagsabi ng: Subḥāna –llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), at magpuri kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Alḥmdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)", sapagkat ang pagsambit na ito ay higit na mabuti para sa inyong dalawa kaysa sa isang utusan."
Ayon kay `Abdullāh bin Khubayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas kami sa isang gabing maulan at isang kadilimang matindi, habang naghahanap kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mamumuno sa amin sa ṣalāh. Nagsabi ito: Nakaabot ako sa kanya saka nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Pagkatapos nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Nagsabi siya: "Magsabi ka," kaya nagsabi ako: "Ano po ang sasabihin ko?" Nagsabi siya: "Ang Qul huwa -llāhu aḥad... (Qur'ān112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Qur'ān 113 at Qur'ān 114) kapag gumagabi at kapag nag-uumaga nang tatlong ulit. Sasapat ang mga ito sa iyo laban sa bawat bagay."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īyNagpapabatid ang kapita-pitagang Kasamahan na si `Abdullāh bin Khubayb (malugod si Allāh sa kanya) na sila ay lumabas sa isang gabing marami ang ulan, at ang dilim ay matindi, para maghanap sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang mamuno siya sa ṣalāh sa kanila. Nakatagpo naman sila sa kanya. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sabihin mo," na nangangahulugang: "Bumigkas ka," ngunit hindi siya bumigkas ng anuman. Umulit ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng sabi niya kaya nagsabi si `Abdullāh: "Ano po ang bibigkasin ko, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bigkasin mo ang Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112): {Qul huwa 0llāhu aḥad ...} at ang dalawang ipinampapakupkop: ang (Qur'ān 113): {Qul a`ūdhu bi-rabbi -lfalaq ...} at ang (Qur'ān 114): {Qul a`ūdhu bi-rabbi -nnās ...} sa oras ng gabi at sa oras ng umaga nang tatlong ulit, mag-iingat sa iyo ang mga ito laban sa bawat kasamaan at magsasanggalang sa iyo ang mga ito laban sa bawat kasagwaan."
Ayon kay Abān bin `Uthmān na nagsabi: {Nakarinig ako kay `Uthmān bin `Affān (malugod si Allah sa kanya) na nagsasabi: Nakarinig ako sa Sugo ni Allah (s) na nagsasabi: Ang sinumang magsabi ng: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa-lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allah na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)" nang tatlong ulit, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa mag-umaga; at ang sinumang magsabi nito nang tatlong ulit kapag nag-umaga, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa gumabi." Nagsabi ito: Tumama kay Abān bin `Uthmān ang pagkaparalisa, saka nagsimula ang lalaki na nakarinig mula sa kanya ng hadith na tumingin sa kanya, kaya nagsabi siya rito: "Bakit ka tumitingin sa akin?" Sumpa man kay Allah, hindi ako nagsinungaing kay `Uthmān at hindi nagsinungaling si `Uthmān sa Propeta (basbasan ito ni Allah at pangalagaan) subalit ngayong araw na tumama sa akin dito ang tumama sa akin, nagalit ako saka nakalimot ako na magsabi nito.}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (s) na ang sinumang nagsabi nang tatlong ulit sa umaga ng bawat araw matapos ng pagsapit ng madaling-araw at sa hapon ng bawat maghapon bago ng paglubog ng araw ng: "Bismi -llāhi (Sa ngalan ni Allah)" – nagpapatulong ako at nagpapakaingat ako laban sa tagaperhuwisyo – "-lladhī lā yaḍurru ma`a (na walang nakapipinsala sa)" – pagkasabay sa pagbanggit sa – "-smihi (pangalan Niya)" – na alinmang – "shay'un (bagay)" – maging gaano man tumindi ito – "fi -l'arḍi (sa lupa)" – at lumalabas mula rito na pagsubok – "wa-lā fi -ssamā'i (ni sa langit)" – at bumababa mula roon na pagsubok – "wa huwa (at Siya ay ang Madinigin)" – sa mga sinasabi natin – "[a]l`alīm (ang Maalam)" – sa mga kalagayan natin. Ang sinumang nagsabi nito kapag gumagabi, hindi dadapo sa kanya ang pagsubok nang biglaan hanggang sa mag-umaga. Ang sinumang nagsabi nito kapag nag-uumaga, hindi dadapo sa kanya ang pagsubok nang biglaan hanggang sa gumabi. Dumapo sa tagapagsalaysay ng hadith na si Abān bin `Uthmān ang pagkaparalisa, na panlalambot ng kalahati ng katawan Nagsimula naman ang lalaki na nakarinig mula kay Abān ng hadith, na tumingin sa kanya habang nagtataka. Kaya nagsabi siya sa lalaki: "Bakit ka tumitingin sa akin? Sumpa man kay Allah, hindi ako nagsinungaling hinggil kay `Uthmān at hindi nagsinungaling si `Uthmān hinggil sa Propeta (basbasan ito ni Allah at pangalagaan). Subalit nang araw na dumapo ito sa akin, hindi nagtakda si Allah sa akin na magsabi ako nito; dinapuan ako ng galit saka nakalimot ako na magsabi ng mga nabanggit na pangungusap na ito."
Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi:Sinabi ng isang lalaki sa amin: O Sugo ni Allah, ang lalaki sa amin ay nakikipagtagpo sa kapatid niya o kaibigan niya, yuyuko ba siya roon?Sinabi niya:((Hindi)) Nagsabi siya:Yayakapin ba niya at hahalikan niya? Sinabi niya:((Hindi)) Nagsabi siya:Kunin niya ang kamay niya at kakamayan niya?,Sinabi niya:((Oo)),
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadTinanong ang propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-patungkol sa Pagyuko kapag nakatagpo ng tao ang kapatid niya,Sinabi niya:Hindi siya yuyuko roon,Nagsabi ang nagtanong:Yayakapin ba niya at hahalikan niya at hindi na siya yuyuko roon?Sinabi niya:Hindi,Nagsabi ang nagtanong: Kakamayan ba niya? Sinabi niya: Oo.
Ayon kay Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumuntang isang Arabeng Disyerto sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Magturo ka sa akin ng isang pananalitang sasabihin ko." Nagsabi siya: "Sabihin mo: Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Allāhu akbar kabīrā. Alḥamdu lillāhi kathīrā. Subḥāna -llāhi rabbi -l`ālamīn. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi l`azīzi lḥakīm. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Si Allāh ay pinakadakila sa pagkadaki-dakila. Ang papuri ay ukol kay Allāh sa pagkarami-rami. Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong). Nagsabi ito: "Ang mga ito ay para sa Panginoon ko at ano naman ang para sa akin?" Nagsabi siya: "Sabihin mo: Allāhumma -ghfir lī, wa-hdinī, wa-rḥamnī, wa-rzuqnī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, maawa Ka sa akin, at magtustos Ka sa akin.)"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimMay humiling na isang lalaking kabilang sa mga nakatira sa ilang sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magturo siya rito ng isang pagsambit na sasabihin niya. Kaya nagsabi rito ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Sabihin mo: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya." Nagsimula siya sa pagsaksi sa Tawḥīd. Ang kahulugan nito ay walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. "Allāhu akbar kabīrā. (Si Allāh ay pinakadakila sa pagkadaki-dakila." Ibig sabihin: Si Allāh ay pinakadakila kaysa sa bawat bagay at pinakasukdulan. "Alḥamdu lillāhi kathīrā. (Ang papuri ay ukol kay Allāh sa pagkarami-rami.)" Ibig sabihin: Papuri kay Allāh sa pagkarami-rami sa mga katangian Niya, mga gawain Niya, at mga biyaya Niya na hindi maiisa-isa. "Subḥāna -llāhi rabbi -l`ālamīn. (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.)" Ibig sabihin: Nagpakawalang-kaugnayan Siya at nagpakabanal Siya laban sa kakulangan. "Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi -l`azīzi -lḥakīm. (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.)" Ibig sabihin: Walang pagkapalit mula sa isang kalagayan patungo sa isang kalagayan kundi sa pamamagitan ni Allāh, ng pagtulong Niya, pagtutuon Niya. Nagsabi naman ang lalaki: "Ang mga pangungusap na ito ay para sa Panginoon ko para sa pag-alaala sa Kanya at pagdakila sa Kanya. Kaya ano naman po ang para sa akin na panalangin para sa sarili ko?" Kaya nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) rito: Sabihin mo: "Allāhumma -ghfir lī, (O Allāh, magpatawad Ka sa akin,)" Sa pamamagitan ng pagpawi sa mga masagwang gawa at pagtatakip sa mga ito. "wa-rḥamnī, (maawa Ka sa akin,)" Sa pamamagitan ng pagpapaabot ng mga kapakinabangan at mga kapakanang panrelihiyon at pangmundo sa akin. "wa-hdinī, (magpatnubay Ka sa akin,)" para sa pinakamaganda sa mga kalagayan at tungo sa landasing tuwid. "wa-rzuqnī. (at magtustos Ka sa akin.)" Ang yamang pinahihintulutan, ang kalusugan, at ang bawat kabutihan at kagalingan.
Ayon kay Shakal bin Ḥumayd, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ako: O Sugo ni Allāh, turuan mo po ako ng isang panalangin. Nagsabi siya: Sabihin mo: "Allāhumma, innī a`dhu bika min sharri sam`ī wa min sharri baṣarī wa min sharri lisānī wa min sharri qalbī wa min sharri manīyī. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng pandinig ko, laban sa kasamaan ng paningin ko, laban sa kasamaan ng dila ko, laban sa kasamaan ng puso ko, at laban sa kasamaan ng maselang bahagi ko.)"
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSa ḥadīth na ito, pumupunta si Shakal bin Ḥumayd, malugod si Allāh sa kanya, sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na naghahanap ng mga kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na siya ay hindi humihiling sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang makamundong bagay na maglalaho, ni isang dakot na yaman, ni isang takal na pagkain, subalit siya ay pumunta na humihiling ng panalangin. Ninanais niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na turuan siya ng panalanging pakikinabangan niya sa relihiyon niya at makamundong buhay niya. Ito ang reyalidad ng mga Kasamahan: naghahangad sila ng kabutihang-loob mula kay Allāh at kaluguran. Kaya naman ginabayan siya ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungo sa dakilang kapita-pitagang panalanging ito at nagsabi sa kanya: Sabihin mo: "O Allāh, tunay na ako..." Dito ay dumalangin siya kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at bumaling sa Kanya sa pamamagitan ng pangalan Niyang sumasaklaw sa lahat ng napakagagandang mga pangalan ni Allāh: "Allāh." Ang "nagpapakupkop" sa "nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng pandinig ko..." ay nangangahulugang nagpapakalinga ako kay Allāh, pagkataas-taas Niya, laban sa kasamaan ng pandinig. Ito ay ang nakararating sa pandinig ng tao na mga ipinagbabawal gaya ng pagsaksi sa kabulaanan, salita ng kawalang-pananampalataya at kasinungalingan, pangmamaliit sa Islām, at lahat ng nakaabot sa pandinig ng tao na mga ipinagbabawal. Ang "laban sa kasamaan ng paningin ko..." ay ang paggamit nito sa pagtingin sa mga ipinagbabawal gaya ng mga mahalay na film at mga masagwang panoorin. Ang "laban sa kasamaan ng dila ko..." ay nangangahulugang laban sa bawat ipinagbabawal na maaaring lumabas mula sa dila gaya ng pagsaksi sa kabulaanan, panlalait, pagsumpa, at pangmamaliit sa Islām at mga alagad nito, o pagsasalita ng hindi nauukol sa tao, o pagtigil sa pagsasalita ng nauukol doon, at iba pa. Ang "laban sa kasamaan ng puso ko..." ay ang pagpuno sa puso ng hindi pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, o pagbaling sa iba pa kay Allāh, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng mga pagsambang pampuso gaya ng pag-asa, pangamba, pagkasindak, at pagdakila, o pag-iwan ng kinakailangan sa kanya na pagtutuon ng mga pagsambang pampuso sa Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas. Ang "at laban sa kasamaan ng maselang bahagi ko" ay nangangahulugang laban sa kasamaan ng maselang bahagi na masadlak sa anumang ipinagbawal ni Allāh o masadlak ako sa mga panimula ng pangangalunya gaya ng pagtingin, paghipo, paglalakad tungo roon, pagpapasya, at mga tulad niyon. Ang pinagpalang panalanging ito ay naglalaman ng pangangalaga sa mga bahagi ng katawan, na bahagi ng mga pagpapala ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-utos lamang dito na magpakupkop kay Allāh laban sa kasamaan ng mga pagpapalang ito at hindi nag-utos na magpakupkop laban sa mga pagpapalang ito gaya ng pagsabi ng: "Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa pandinig ko" dahil ang mga ito ay mga pagpapala at sa pamamagitan ng mga ito sinasamba si Allāh, pagkataas-taas Niya. Ang mga ito ay hindi lantay na kasamaan para magpakupkop laban sa mga ito bagkus magpapakupkop laban sa kasamaang maaaring mamutawi sa mga ito. Ang pangangalaga sa mga ito ay sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa layon ng pagkakalikha sa mga ito para sa tao at na hindi magsagawa sa pamamagitan ng mga ito ng pagsuway ni magpalaganap sa pamamagitan ng mga ito ng bisyo sapagkat siya ay pananagutin sa Araw ng Pagkabuhay hinggil sa mga pagpapalang ito bilang patotoo sa sabi ni Allāh (Qur'ān 17:36): '"Huwag mong sundan ang anumang wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na ang pandinig, ang paningin, at ang puso, ang bawat isa sa mga iyon ay pananagutin."
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may kasimbigat ng butil ng alikabok na pagmamalaki." Nagsabi ang isang lalaki: "Tunay na ang tao ay ibig na ang damit niya ay maganda at ang sapatos niya ay maganda." Nagsabi siya: "Tunay na si Allah ay maganda na naiibigan ang kagandahan. Ang pagmamalaki ay ang pagwawalang-bahala sa katotohanan at ang pag-aalipusta sa mga tao."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAyon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may kasimbigat ng butil ng alikabok na pagmamalaki." Ang ḥadīth na ito ay bahagi ng mga ḥadīth ng pagbabanta at nangangailangan ng pagdedetalye ayon sa mga patunay na isinabatas. Ang taong sa puso niya ay may pagmamalaki ay may isa sa dalawang kalagayan: na may pagmamalaki sa katotohanan at pagkasuklam dito, ito ay isang Kāfir na mamamalagi sa Impiyerno at hindi papasok sa Paraiso dahil ang sabi ni Allah, pagkataas-taas Niya: "Iyan ay dahil sa sila ay nasuklam sa ibinaba ni Allah kaya naman pinawalang-saysay Niya ang mga gawa nila." (Qur'an 47:9); o kapag may pagmamalaki sa nilikha at pagmamataas sa nilikha ngunit siya ay hindi naman nagmamalaki sa pagsamba kay Allah, ito ay napatungkulan ng bantang ito kaya naman hindi siya papasok sa Paraiso kasama ng unang pangkat. Noong isinalaysay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang ḥadīth na ito, may nagsabing isang lalaki: O Sugo ni Alalh, ang tao ay ibig na ang kasuutan niya ay maganda, ang sapatos niya ay maganda; nangangahulugan bang ito ay bahagi ng pagmamalaki? Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na si Allah ay maganda; naiibigan Niya ang kagandahan." Si Allah ay maganda sa sarili Niya, maganda sa mga gawa Niya, maganda sa mga katangian Niya. Ang bawat namumutawi kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sapagkat tunay na Siya ay maganda at hindi pangit. Ang sabi niya na "iniibig niya ang kagandahan" ay nangangahulugang naiibigan Niya ang pagpapakaganda, na ang kahulugan ay naiibigan Niya ang pagpapakaganda ng tao sa kasuutan nito, sa sapatos nito, sa katawan nito, at sa lahat ng mga nauukol rito dahil ang pagpapakaganda ay humahalina sa mga puso sa tao at gumagawa rito na kaibig-ibig sa mga tao. Ito ay salungat sa pagpapakarusing na dahil dito ang tao ay nagiging pangit sa buhok nito o sa kasuutan nito o sa damit nito.
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.-Buhat sa Propeta ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi:((Walang pinapakinggan si Allah tulad ng pakikinig Niya(sa pagbasa)ng Propeta sa napakaganda nitong boses,pinapaganda niya(ang pagbabasa ng) Qur-an at linalakasan ito))
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito, Ang pagtutuon sa pagpapaganda ng boses sa pagbabasa ng Qur-an sa pagdarasal at sa iba pa,na dapat ay pinapaganda ang boses nito na may pagpapalakas,Hinihinaan sa paraan na parang nalulungkot,Walang pangangailangan sa iba mula sa mga balita,Paghihiling sa kanya nang pagiging kontento sa sarili,Pakiki-usap sa kanya nang sapat na kakayahan,At ang layunin sa Pag-awit sa Hadith ay Pagpaganda ng boses,at hindi ang gawin ito nang tulad ng mga ritmo ng mga awit sa musika.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang sinumang sumumpa saka nagsabi sa panunumpa niya: "Sumpa man kina Allāt at Al`uzzā" ay magsabi siya ng: "Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)." Ang sinumang nagsabi sa kasamahan niya: "Halika, makikipagsugal ako sa iyo" ay magkawanggawa siya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa sa iba pa kay Allāh yayamang ang mananampalataya ay hindi sumusumpa kundi kay Allāh. Nagpapabatid siya na ang sinumang sumumpa sa iba pa kay Allāh, gaya ng sinumang sumumpa, halimbawa, kina Allāt at Al`uzzā – na dalawang anito na sinasamba noon sa Panahon ng Kamangmangan bago ng Islām – ay kinakailangan sa kanya na magsabi, habang nagwawasto sa sarili niya, ng: "Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)" bilang pagpapawalang-kaugnayan sa Shirk at bilang panakip-sala sa pagsumpa niyang iyan. Pagkatapos nagpabatid pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi sa kasamahan niya: "Halika, maglaro tayo ng pustahan" ay isinakaibig-ibig na magkawanggawa siya ng isang bagay bilang pagtatakip-sala sa pag-aanyaya niya. Ang pustahan ay ang magdaigan ang dalawa o ang higit pa, sa kundisyon na sa kanila ay may pusta na kukunin ng mananaig. Hindi nawawala sa bawat isa sa kanila rito na manalo o matalo.