





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--Kapag kinuha niya ang higaan niya,hinihipan niya ang dalawang kamay niya,at nagbabasa siya ng mga Pagpapakupkop,at pinupunasan niya sa pamamagitan nito ang katawan niya.At sa isang salaysay: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay pumupunta sa higaan niya sa bawat gabi,pinagsasama niya ang dalawang palad ng kamay niya,pagkatapos ay hinihipan niya ito,at binabasa niya rito ang :(( {Ipagbadya [O Muhammad] Siya si Allah ang Nag-iisa},At {Ipagbadya.Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Bukang-Liwayway} at {Ipagbadya.Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Sang-katauhan})) Pagkatapos ay nagpunas siya sa pamamagitan nito sa abot ng makakaya niya sa katawan niya,sinisimulan niya ito sa ulo niya at mukha niya,at sa anumang malapit sa katawan niya,ginagawa niya ito ng tatlong beses
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIkinukwento sa atin ng Ina ng mananampalataya,Asawa ng Propeta natin-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Mundo at sa Kabilang-Buhay,ang Sunnah ng Marangal na Propeta na ito,Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa bawat gabi-kapag kinukuha niya ang higaan niya,pinagsasama niya ang dalawang palad ng kamay niya pagkatapos ay hinihipan niya ito ng malumanay na pag-ihip na walang [kasamang] laway,At binabasa niya rito ang:{Ipagbadya [O Muhammad] Siya si Allah ang Nag-iisa},At {Ipagbadya.Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Bukang-Laiwayway} at {Ipagbadya.Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng Sang-katauhan}" Ito man ay hinihipan niya sa una pagkatapos ay binabasahan niya,o binabasahahan niya pagkatapos ay hinihipan niya,ito ay hindi makakapinsala.Sapagkat ang Hadith ay hindi nagpapahiwatig sa pagkasunod-sunod,at Pagsusuri,Pagkatapos ay pupunasan niya sa pamamagitan nito ang abot ng makakayanan niya sa katawan niya,sinisimulan niya ito sa ulo niya at mukha niya at sa anumang pinakamalapit sa katawan niya,ginagawa niya ito ng tatlong beses, mula sa pagbabasa,pag-iihip-at pagpunas.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Alḥamdu lillāhi -lladhī aṭ`amanā wa saqānā wa kafānā wa āwānā, fakam mimman lā kāfiya lahu wa lā mu'wiya. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy.)"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag mahihiga na siya noon sa higaan niya, ay nagsasabi: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy." Pinupuri niya si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nagpakain sa kanya at nagpainom sa kanya dahil kung hindi nangyaring si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nagpadali para sa iyo ng pagkaing ito at inuming ito, hindi ka sana nakakain at hindi ka sana nakainom. Kaya purihin mo si Allāh na nagpakain sa iyo at nagpainom sa iyo. Ang "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin..." ay nangangahulugang: nagpadali para sa atin ng mga bagay-bagay, nagbigay sa atin ng mga panustos, at gumawa para sa atin ng isang matutuluyang tinutuluyan natin sapagkat kay rami ng taong nabibigayan ng kasapatan at walang tuluyan o walang nagpapatuloy. Kaya naman nararapat sa iyo, kapag pumunta ka sa higaan mo, na sabihin ang dhikr na ito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "May tatlong panalangin na tinututugon nang walang duda hinggil sa mga ito: ang panalangin ng inapi, ang panalangin ng naglalakbay, at ang panalangin ng tao sa anak niya."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadMay tatlong panalangin mula sa tatlong uri ng mga nananalanging walang duda na si Allah ay tutugon sa mga ito: ang panalangin ng naapi kahit pa man ang naapi ay di-Muslim, na inapi at pagkatapos ay dumalangin kay Allah sapagkat si Allah ay tumutugon sa panalangin sa Kanya; ang panalangin ng manlalakbay kapag dumalangin kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa panahon ng paglalakbay niya; at ang panalangin ng magulang, walang pagkakaiba kung ama man o ina, walang pagkakaiba kung dumalangin para sa anak niya o laban dito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Alalh sa kanya: "May tatlong hindi sila kakausapin ni Allah sa Araw ng Pagkabuhay, hindi Niya sila dadalisayin, hindi Siya titingin sa kanila, at magkakamit sila ng isang pagdurusang masakit: matandang nangangalunya, haring palasinungaling, at hikahos na mapagmalaki."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimMay tatlong uri ng mga tao na hindi sila kakausapin ni Allah sa Araw ng Pagkabuhay, hindi Siya titingin sa kanila, hindi Niya sila dadalisayin sa mga pagkakasala, at magkakamit sila ng pagdurusang masakit: lalaking matandang labis sa katandaan na nangangalunya, pinunong nagsisinungaling, at maralitang nagmamalaki at nanlalait sa iba.
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sabihin mo: O Allah, magpatnubay Ka sa akin at magtama Ka sa akin. Alalahanin mo ang patnubay bilang kapatnubayan mo sa daan at ang pagkatama bilang pagkatama ng palaso."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNag-utos ang Propeta (s) kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na dumalangin siya kay Allah at humiling siya sa Kanya saka magsabi: "O Allah, magpatnubay Ka sa akin" at maggabay Ka sa akin at magturo Ka sa akin "at magtama Ka sa akin" at gumawa Ka sa akin bilang nagpapakatuwid sa lahat ng mga nauukol sa akin. Ang patnubay ay ang pagkaalaman ng katotohanan sa pagdedetalye at sa pagbubuod at ang pagkatuon sa pagsunod doon sa panlabas at sa panloob. Ang pagkatama ay ang pagkatuon at ang pagpapakatuwid sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng anumang nagiging tama sa katotohanan. Ito ay ang daang tuwid sa sinasabi, ginagawa, at pinaniniwalaan. Dahil ang utos na moral ay lumiliwanag sa pamamagitan ng pisikal, magsaalaala ka habang ikaw ay dumadalangin ng panalanging ito na: "Ang patnubay bilang kapatnubayan mo sa daan" kaya magpadalo ka sa puso mo habang ikaw ay humihingi ng kapatnubayang gaya ng kapatnubayan ng sinumang naglakbay sapagkat tunay na siya ay hindi lumilihis palayo sa daan pakanan o pakaliwa. Iyon ay upang maligtas siya mula sa pagkawala. Sa pamamagitan niyon, magkakamit siya ng kaligtasan at makaaabot siya sa layon niya nang mabilis. "Ang pagkatama bilang pagkatama ng palaso" sapagkat ikaw ay makapapansin sa sandali ng pagpapatamo ng palaso sa bilis ng pag-abot nito at pagtama nito sa layon sapagkat ang manunudla, kapag tumudla sa isang pakay, ay magpapatama ng palaso tungo sa pakay. Kaya gayon din, humingi ka kay Allah (t) ng nilalayon mo na pagpapatama ayon sa anyo ng palaso para ikaw, sa paghingi mo, ay maging isang tagahiling ng pagkaabot sa patnubay at pagwawakas sa pagkatama. Magpadalo ka ng kahulugang ito sa puso mo nang sa gayon mahingi mo kay Allah ang pagkatama upang ang nilalayon mo mula roon ay maging pakikipag-anyo sa ginagamit mo sa pagtudla.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsabi: "Pakinggan! Ibabalita ko ba sa inyo kung ano ang kabulaanan? Ito ay ang tsismis na pinagsasabi sa gitna ng mga tao."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNinais ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na bigyang-babala ang kalipunan niya laban sa pagkakalat sa gitna ng mga ng tao ng tsismis sa pamamagitan ng paghahatid ng pag-uusap ng ilan sa kanila hinggil sa iba sa layong manira sa kanila. Sinimulan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pananalita niya sa anyong pausisa at patanong upang maging higit na nanunuot sa mga kaluluwa at higit na nakatatawag ng pansin. Tinanong niya sila kung ano ang kabulaanan: ano ang kasinungalingan at ang gawa-gawang pananalita? Ipinakahulugan din ito na panggagaway. Pagkatapos ay sinagot niya ang tanong na ito na ang kabulaanan ay ang paghahatid ng hidwaan sa mga tao dahil iyon ay ginagawa ng ginagawa ng manggagaway na paninira at pamiminsala sa mga tao, paghahati-hati ng mga puso ng mga nagkakabukluran, pagpuputol ng ugnayan sa pagitan ng mga magkakamag-anakan, at ang pagpuno sa mga dibdib ng ngitngit at poot gaya ng nasasaksihan sa mga tao.
Abū Sa`īd at Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Kapag lumisan ang tatlo sa isang paglalakbay ay pamunuin nila ang isa sa kanila."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinag-uutos ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mga naglalakbay na pamunuin nila sa kanila ang isa sa kanila, na pinakamainam sa kanila at pinakamahusay sa kanila sa ideya upang magampanan niya ang pangangasiwa sa kapakanan nila dahil kapag hindi nila pinamuno ang isa, ang kalagayan nila ay maging magulo.
Ayon kay abdullah bin Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Katotohanan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa isang arabo na binisita niya,at kapag pumasok siya sa sinumang binibisita niya ay nagsasabi siya ;" Walang dapat ipangamba,Kalinisan sa kapahintulutan ni Allah"
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAyon kay Ibnu Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa- Katotohanan ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa isang arabo,binisita niya ito sa pagkasakit niya,at kapg siya ay pumapasok sa bisita niyang may sakit ay nagsasabi; " Walang dapat ipangamba,Kalinisan sa kapahintulutan ni Allah" na ang kahulugan ay:Naway hindi na lumala sa iyo,at mawala na ang sakit,at naway ang sakit mo na ito`y maging dahilan sa paglinis ng iyong kasalanan,at pagbura ng iyong kapintasan,at gayundin, magiging dahilan sa pagtaas ng iyong antas sa kabilang buhay.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi noon: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min -lbaraṣi wa -ljunūni wa -ljudhāmi wa sayyi'i -l'asqām (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa an-an, kabaliwan, ketong, at masamang mga karamdaman)."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNasaad sa ḥadīth na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpapakupkop noon laban sa ilang takdang sakit. Kapag nagpakupkop ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa mga iyon, ito ay nagpapatunay sa panganib ng mga iyon at malaking epekto ng mga iyon. Nagpakupkop nga ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa isang bilang ng mga sakit sa partikular na paraan. Pagkatapos ay humiling siya ng kaligtasan at kagalingan laban sa masagwang mga sakit sa kabuuan. Kaya naman naglaman ang panalanging ito ng pagpapartikular at paglalahat bilang paghahadlang sa humihingi ng detalye at bilang paghahadlang sa mga masaklaw na pananalita. Ang paglilinaw nito: Nagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa an-an." Ito ay pamumuting lumilitaw sa katawan. Nagdudulot ito ng pag-iwas ng mga nilikha sa tao. Nagbubunga ito sa tao ng pagsosolo na maaaring mauwi sa paghihinakit. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh. Ang "kabaliwan" ay ang paglaho ng isip. Ito ay ang kinasasalalayan ng pagkakaroon ng tungkulin. Sa pamamagitan nito sumasamba ang tao sa Panginoon niya. Sa pamamagitan nito nagbubulay-bulay siya at nag-iisip-isip sa mga nilikha ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Nasaad sa pananalita Niyang dakila: Ang paglaho ng isip ay isang paglaho sa tao. Dahil dito, nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Inangat ang panulat sa tatlo...sa baliw hanggang sa magkaisip ito." Ang "ketong" ay isang sakit na kumakain sa mga bahagi ng katawan hanggang sa magbagsakan ang mga ito. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh. Ito ay isang sakit na nakahahawa. Dahil dito, nasaad sa ḥadīth: "Tumakas ka sa ketongin gaya ng pagtakas mo sa leyon." Ang "masamang mga karamdaman" ay tumutukoy sa masagwang mga sakit. Ang mga ito ay ang mga kapinsalaang nagsasanhi sa tao na maging hinahamak sa mga tao at inaayawan ng kalikasan ng tao gaya ng pagkalumpo, pagkabulag, kanser, at tulad niyon dahil ang mga ito ay mga malubhang sakit na nangangailangan ng panggastos at malakas na pagtitiis na hindi makakaya maliban ng pinagtiis ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at pinatatag ang puso.