





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Al-`Abbās bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magturo ka sa akin ng isang bagay na hihingin ko kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)." Nagsabi siya: "Hingin mo kay Allāh ang kagalingan." Kaya tumigil ako nang ilang araw, pagkatapos pumunta ako saka nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magturo ka sa akin ng isang bagay na hihilingin ko kay Allāh." Kaya nagsabi siya sa akin: "O `Abbās, O tiyuhin ng Sugo ni Allāh, hingin mo kay Allāh ang kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadHumiling si Al-`Abbās bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh dito) na tiyuhin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magturo siya rito ng isang panalanging hihiling ito kay Allāh niyon. Kaya nagturo rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hilingin nito kay Allāh ang kagalingan at ang kaligtasan mula sa mga salot at mga kapintasan sa buhay panrelihiyon, pangmundo at pangkabilang-buhay. Nagsabi si Al-`Abbās: "Matapos ng ilang araw, bumalik ako sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa muli, na humihiling sa kanya na magturo siya sa akin ng isang panalanging hihiling ako niyon mula kay Allāh." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) rito habang naglalambing dito: "O `Abbās, O tiyuhin ng Sugo ni Allāh, hilingin mo kay Allāh ang kagalingan para sa pagtulak sa bawat pinsala at paghatak sa bawat kabutihan at pakinabang sa Mundo at Kabilang-buhay."
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā: {Sila minsan ay nasa piling ni Ḥudhayfah saka humiling siya ng tubig. Kaya may nagbigay naman sa kanya na isang Mago; ngunit noong inilagay nito ang tasa sa kamay niya, itinapon niya iyon at nagsabi siya: "Kung hindi dahil na ako ay sumaway sa kanya nang hindi isang ulit ni dalawang ulit." Para bang siya ay nagsasabi: "hindi sana ako gumawa nito; subalit ako ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Huwag kayong magsuot ng manipis na sutla ni makapal na sutla. Huwag kayong uminom sa isang lalagyang yari sa ginto at pilak at huwag kayong kumain sa mga platong yari sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay para sa kanila sa Mundo at para sa atin sa Kabilang-buhay."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga lalaki laban sa pagsusuot ng seda sa iba't ibang uri nito. Sumaway siya sa mga lalaki at mga babae laban sa pagkain at pag-inom sa mga lalagyan at mga sisidlang yari sa ginto at pilak. Nagpabatid siya na ang mga ito ay natatangi sa mga mananampalataya sa Araw ng Pagbangon dahil sila ay umiwan sa mga ito sa Mundo dala ng pagtalima kay Allāh. Hinggil naman sa mga tagatangging sumampalataya, walang para sa kanila sa Kabilang-buhay dahil sila ay nagpakamadali sa mga kaaya-ayang bagay nila sa buhay nila sa Mundo dahil sa paggamit nila ng mga ito at pagsuway nila sa utos ni Allāh.
Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsuot ng sutla sa Mundo ay hindi magsusuot nito sa Kabilang-buhay."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsuot ng sutla kabilang sa mga lalaki sa Mundo ay hindi magsusuot nito sa Kabilang-buhay, kapag hindi siya nagbalik-loob, bilang parusa sa kanya.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy na nagsabi: {Pumunta si Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa kinaroroonan ng isang umpukan sa masjid saka nagsabi siya: "Ano ang nagpaupo sa inyo?" Nagsabi sila: "Umupo kami na nag-aalaala kay Allāh." Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa inyo kundi iyan?" Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa amin kundi iyan." Nagsabi siya: "Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Hindi nagkaroon ng isang nasa katayuan ko sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na higit na kaunti sa sanaysay tungkol sa kanya kaysa sa akin. Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumunta sa kinaroroonan ng isang umpukan ng mga Kasamahan saka nagsabi: 'Ano ang nagpaupo sa inyo?' Nagsabi sila: 'Umupo kami na nag-aalaala kay Allāh at nagpupuri sa Kanya dahil nagpatnubay Siya sa amin sa Islām at nagmagandang-loob Siya nito sa amin.' Nagsabi siya: 'Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa inyo kundi iyan?' Nagsabi sila: 'Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa amin kundi iyan.' Nagsabi siya: 'Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Subalit pumunta sa akin si Anghel Gabriel saka nagpabatid sa akin na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagmamapuri sa inyo sa mga anghel.'"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimPumunta si Mu`āwiyah bin Abī Sufyān (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa kinaroroonan ng isang umpukan sa masjid saka nagtanong siya sa kanila hinggil sa aling bagay nagtipon sila. Kaya nagsabi sila: "Nag-aalaala kami kay Allāh." Kaya nagpasumpa siya sa kanila (malugod si Allāh sa kanila) na sila ay hindi nagnais sa pag-upo nila at pagtitipon nila kundi ng pag-aalaala. Kaya sumumpa naman sila sa kanya. Pagkatapos nagsabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo at dala ng pagdududa sa katapatan ninyo." Pagkatapos nagpabatid siya tungkol sa katayuan niya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), na hindi nagkaroon ng isang nasa katayuan ng kalapitan niya rito dahil sa pagiging si Ummu Ḥabibah na kapatid niya ay maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at dahil sa pagiging siya ay kabilang sa mga tagasulat ng kasi. Gayon pa man, siya ay kaunti ang pagsasalaysay ng mga ḥadīth. Nagsanaysay siya sa kanila na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas ng bahay nito isang araw saka nakatagpo ito sa kanila na mga nakaupo sa masjid na nag-aalaala kay Allāh at nagpupuri sa Kanya dahil nagpatnubay Siya sa kanila sa Islām at nagmagandang-loob Siya nito sa kanila. Nagtanong ito (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa kanila at nagpasumpa sa kanila ng tulad sa ginawa ni Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa mga Kasamahan niya. Pagkatapos nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kadahilanan ng pagtatanong niya sa kanila at pagpapasumpa sa kanila: na pumunta sa kanya si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) saka nagpabatid sa kanya na: "Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nakikipagmapuri at nakikipagmalaki sa kanila sa mga anghel, naghahayag ng kainaman ninyo sa kanila, nagpakita sa kanila ng kagandahan ng gawain ninyo, at nagbubunyi sa inyo sa piling nila."
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-tunay na si `Umar bin Al-Khattab ay nagsabi:((O Sugo ni Allah,maaari bang matulog ang iisa sa amin kapag siya ay sa kalagayang Junub? Nagsabi siya: Oo,Kapag nakapagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo ay maaari siyang matulog))
Napagkaisahan ang katumpakanNagtanong si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-kay Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag ang sa kanila ay naging Junub sa unang gabi,tulad nang nakipagtalik sa asawa nito,kahit na hindi ito nilabasan o di kaya ay nanaginip,Maaari ba siyang matulog habang siya ay sa kalagayang Junub? Nagpahintulot siya sa kanila nito-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,sa kondisyon na magiging magaan ang malaking Hadath na ito, sa pamamaagitan ng pagsasagawa ng Wudhu na ipinag-utos sa Islam,At sa pagkakataong ito ay ipinapahintulot ang pagtulog sa kalagayang Junub.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.' Kapag naman pumasok siya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan.' Kapag hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ito: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan at ang hapunan.'"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagbanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok sa bahay at bago kumain. Kapag bumanggit siya kay Allāh sa pagsabi niya ng: "Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)" sa sandali ng pagpasok niya sa bahay niya at sa sandali ng pagsisimula ng pagkain niya, magsasabi ang demonyo sa mga katulong nito: "Walang parte para sa inyo sa pagmamagdamagan ni hapunan sa bahay na ito na sumangga ang nakatira rito laban sa inyo sa pagbanggit kay Allāh (napakataas Siya)." Kapag naman pumasok ang lalaki sa bahay niya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya ni sa sandali ng pagkain niya, magpapabatid ang demonyo sa mga katulong niya na sila ay nagkamit ng pagmamagdamagan at hapunan sa bahay na ito.
Ayon kay Abe Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:Igalang ninyo si [Propeta] Muhammaad pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa [sa pamamagitan ng paggalang] sa mga nanannahanan sa bahay niya
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySa salaysay ni Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ay pagpapatunay sa kaalaman ng mga kasamahan ng Propeta malugod si Allah sa kanila-sa karapatan ng mga Nananahanan sa bahay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pagdangal sa kanila at paggalang sa kanila,Sinuman ang kabilang sa nananahanan sa bahay [ng Propeta],matuwid sa Relihiyon at sumusunod sa Sunnah ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-para sa kanya ay may dalawang karapatan: Karapatan sa Islam at Karapatan sa [pagiging] Kamag-anak ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At napapaloob dito na si Abu Bakar at ang mga kasamhan ng Propeta,ay iniibig nila ang mga nananahanan sa bahay at pinaparangalan sila sa mga kabutihan.
Ayon kay `Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu- (( Ang pagiging mahiyain ay walang magiging bunga maliban sa kabutihan)) At sa ibang salaysay :(( Ang pagiging mahiyain ay mabuti sa lahat ng bagay)) o Nagsabi siya: ((Ang pagiging mahiyain ,lahat nito ay mabuti))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanAng pagiging mahiyain ay isang katangian sa sarili,dinadala ng tao sa pagpapaganda sa gawain at pagpapalamuti,at pag-iwan sa pagkawala-galang at pagdudungis.kung kaya ito ay hindi magbubunga maliban sa kabutihan
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang paghahalintulad lamang sa kapisang maayos at kapisan ng kasagwaan ay gaya ng tagalako ng pabangong musk at tagaihip ng bubulusan. Ang tagalako ng musk ay maaari na mag-aginaldo sa iyo, maaari na bumili ka mula sa kanya, at maaari na makaamoy ka mula sa kanya ng isang kaaya-ayang halimuyak samantalang ang tagaihip ng bubulusan ay maaari na makasunog ng mga damit mo at maaari na makaamoy ka ng isang karima-rimarim na halimuyak."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglahad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paghahalintulad ng dalawang uri ng mga tao: Ang Unang Uri: Ang kapisan at kaibigang maayos na gumagabay tungo kay Allāh at sa anumang naroon ang pagkalugod Niya at tumutulong sa pagtalima. Kaya ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng tagapagtinda ng musk: maaari na magbigay sa iyo, maaari na makabili ka mula sa kanya, at maaari na makaamoy ka at makasamyo ka mula sa kanya ng isang kaaya-ayang halimuyak. Ang Ikalawang Uri: Ang kapisan at kaibigan sa kasagwaan na bumabalakid sa landas ni Allāh at tumutulong sa paggawa ng mga pagsuway. Makakikita ka mula sa kanya ng pangit na gawain at papatungkol sa iyo ang pagpula dahil sa pakikisama at pakikipisan sa tulad niya. Kaya ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng panday na umiihip ng apoy niya: maaari na masunog ang mga damit mo mula sa nagliliparang tilamsik nito o makaamoy ka mula sa malapit sa kanya ng isang karimarimarim na halimuyak.