





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang anumang Muslim na dumadalangin ng isang panalanging wala ritong kasalanan at wala ritong pagputol ng ugnayang pangkaanak malibang magbibigay sa kanya si Allāh dahil dito ng isa sa tatlo: Maaari na madaliin para sa kanya ang panalangin niya, maaari na mag-imbak nito para sa kanya sa Kabilang-buhay, at maaari na magbaling palayo sa kanya ng kasagwaan tulad nito." Nagsabi sila: "Samakatuwid, magpaparami tayo [ng panalangin]." Nagsabi siya: "Si Allāh ay higit na marami [sa pagtugon]."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim, kapag dumalangin kay Allāh at humiling ng isang kahilingang hindi isang kasalanan na para bang dumadalangin sa Kanya ng isang pagpapadali ng pagsuway at kawalang-katarungan, at hindi dumalangin ng isang pagputol ng ugnayang pangkaanak na para bang dumadalangin siya laban sa mga anak niya at kaanak niya, magbibigay sa kanya si Allāh dahil dito ng isa sa tatlong bagay: Maaari na madaliin para sa kanya ang panalangin niya at ibigay sa kanya ang hiniling niya; Maaari na mag-imbak nito si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng isang pabuya para sa kanya sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng isang kataasan sa mga antas o isang awa at isang kapatawaran sa mga masagwang gawa; Maaari na magtulak palayo sa kanya sa Mundo ng kasagwaang tulad nito ayon sa sukat ng panalangin. Kaya nagsabi ang mga Kasamahan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Samakatuwid, magpaparami tayo ng panalangin upang magtamo tayo ng isa sa mga kainamang ito." Kaya nagsabi naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang nasa ganang kay Allāh ay higit na marami at higit na dakila [sa pagtugon] kaysa sa hiniling ninyo sapagkat ang bigay Niya ay hindi nauubos at hindi nagwawakas.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa sandali ng pighati: "Lā ilāha illā -llāhu -l`aḍ̆īmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa at ang Panginoon ng tronong marangal.)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa sandali ng pagtindi ng pighati at kapanglawan sa kanya: "Lā ilāha illā -llāhu (Walang Diyos kundi si Allāh)" Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. "[a]lḥalīm, (ang Sukdulan,)" sa kalagayan, ang Kapita-pitagan sa kahalagahan sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya. "[a]lḥalīm. (ang Matimpiin.)" na hindi nagmamadali sa tagasuway sa kaparusahan, bagkus nagpapaliban nito at maaaring magpaumanhin dito sa kabila ng kakayahan sa pagpaparusa sapagkat Siya ang Nakakakaya (kaluwalhatian sa Kanya) sa bawat bagay. "Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan.)" ang Tagalikha ng tronong dakila. "Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa")" ang Tagalikha ng mga langit at lupa, ang Tagalikha ng bawat bagay sa mga ito, ang Tagapagmay-ari nito, ang Tagapagsaayos nito, at ang Tagapatnugot dito kung papaanong niloob Niya. "rabbu -l`arshi -lkarīm. (ang Panginoon ng tronong marangal.)" ang Tagalikha ng tronong marangal.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag humikab ang isa sa inyo, magpigil siya sa pamamagitan ng kamay niya sa bibig niya sapagkat tunay na ang demonyo ay pumapasok."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimGumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang humikab sa pamamagitan ng pagbubukas ng bibig niya dahilan sa katamaran o kabusugan, na maglagay siya ng kamay niya sa bibig niya para ipantakip ito. Iyon ay dahil ang demonyo ay pumapasok sa bibig niya kapag hinayaan niya itong nakabukas, kaya naman ang paglalagay ng kamay ay magiging tagaharang sa pagpasok niyon.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumingin kayo sa sinumang nasa ibaba mula sa inyo at huwag kayong tumingin sa sinumang siya ay nasa itaas ninyo sapagkat iyon ay higit marapat na hindi kayo manlait sa biyaya ni Allāh sa inyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na tumingin siya hinggil sa mga bagay-bagay sa Mundo kaugnay sa tahanan, yaman, reputasyon, at iba pa sa mga ito sa sinumang ang kalagayan niyon ay nasa ibaba mula sa kanya at huwag siyang tumingin hinggil sa mga bagay-bagay sa Mundo niya sa sinumang iyon ay nasa itaas niya at higit na mainam kaysa sa kanya sapagkat tunay na ang pagtinging iyon sa sinumang iyon ay nasa ibaba ay higit na karapat-dapat at higit na marapat na hindi ka manghamak at mangmata sa biyaya ni Allāh sa iyo.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titingin si Allāh sa sinumang kumakaladkad ng kasuutan niya dala ng kapalaluan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paglalaylay ng kasuutan o tapis sa ibaba ng bukungbukong dala ng kapalaluan at dala ng pagmamalaki at na ang sinumang gumawa niyon ay naging karapat-dapat sa matinding banta na hindi titingin si Allāh sa kanya sa Araw ng Pagbangon nang isang pagtingin ng pagkaawa.
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May dalawang biyaya na nagulangan sa dalawang ito ang marami sa mga tao: ang kalusugan at ang kawalang-gawain."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang dakilang biyaya kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa tao, na nalulugi sa dalawang ito ang marami sa mga tao yayamang gumagamit sila nito sa hindi lugar nito. Tunay na ang tao, kapag natipon sa kanya ang biyaya ng kalusugan kasama ng kawalang-gawain, ay nananaig sa kanya ang katamaran sa pagtalima kaya siya ang nalulugi. Ito ay ang kalagayan ng higit na marami sa mga tao. Kung gumamit siya ng kawalang-gawain niya at kalusugan niya sa pagtalima kay Allāh, siya ang tutubo yayamang ang Mundo ay taniman ng Kabilang-buhay. Nasa Mundo ang espirituwal na pangangalakal na lilitaw ang tubo nito sa Kabilang-buhay. Ang kawalang-gawain ay susundan ng pagkaabala at ang kalusugan ay susundan ng karamdaman. Kung sakaling hindi nagkaroon kundi ng katandaan, talagang nakasapat na sana ito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkapatirapa niya: "Allāhumma -ghfir lī dhambī kullahu: diqqahu wa-jillahu, wa-awwalahu wa-ākhirahu, wa-`alāniyatahu wa-sirrahu. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko sa lahat ng ito: kaliit-liitan nito at kalaki-lakihan nito, una nito at huli nito, at hayagan nito at lihim nito.)"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin sa pagkakapatirapa niya saka nagsasabi: "Allāhumma -ghfir lī dhambī (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko)" sa pamamagitan ng pagtatakip nito at magsanggalang Ka sa akin sa kahihinatnan nito kaya magpaumanhin Ka, magpalampas Ka, at magpasensiya Ka. "kullahu: (sa lahat ng ito:) Tumutukoy ako sa "diqqahu (kaliit-liitan nito)" maliit nito at kaunti nito. "jillahu (kalaki-lakihan nito) malaki nito at marami nito. "awwalahu (una nito)" unang pagkakasala. "ākhirahu (huli nito)" at anumang nasa pagitan ng dalawang ito. "`alāniyatahu wa-sirrahu. (hayagan nito at lihim nito.)" kabilang sa walang nakaaalam dito kundi Ikaw (kaluwalhatian sa Iyo).
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga palasumpa ay hindi magiging mga saksi ni mga tagapamagitan sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpaparami ng pagsumpa sa sinumang hindi nagiging karapat-dapat, siya ay karapat-dapat sa dalawang kaparusahan: Una. Hindi siya magiging isang saksi sa Araw ng Pagbangon sa mga kalipunang may pagpapaabot ang mga sugo nila sa kanila ng mga mensahe. Hindi tatanggapin ang pagsaksi niya sa Mundo dahil sa kasuwailan niya at hindi siya pagkakalooban ng pagkamartir, ang pagkapatay sa landas ni Allah. Ikalawa. Hindi siya mamamagitan sa Araw ng Pagbangon kapag mamamagitan ang mga mananampalataya sa mga kapatid nila na naobliga sa Impiyerno.
Ayon kay Salmān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang Panginoon ninyo ay mahiyain, mapagbigay, na nahihiya sa lingkod Niya, kapag nag-angat ito ng dalawang kamay nito sa Kanya, na magbigay sa dalawang ito ng wala."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Ibnu MājahHumihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-angat ng mga kamay sa sandali ng pagdalangin. Nagpabatid siya na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay "mahiyain" na madalas ang pagkahiya. Hindi nagwawaksi si Allāh ng pagbibigay. Gumagawa Siya sa tao ng nagpapagalak dito at nagwawaksi Siya ng nakapipinsala rito. Siya ay "mapagbigay" na nagbibigay nang walang paghingi, kaya papaano na matapos manghingi? Nahihiya Siya sa lingkod Niyang mananampalataya na matapos mag-angat sa panalangin ng dalawang kamay nito na magbalik ng dalawang ito na bakante, walang-laman, bigo sa pagkatugon dito.