





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sampu." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Dalawampu." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya at ang mga pagpapala Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tatlumpu."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Aḥmad, at Imām Ad-DārimīyMay dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtala para sa kanya ng sampung magandang gawa." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Para sa kanya ay dalawampung magandang gawa." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya at ang mga pagpapala Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Para sa kanya ay tatlumpung magandang gawa." Ibig sabihin: Sa bawat pananalita ay may sampung mabuting gawa.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na noon ay nagsasabi: "Allāhumma, innī as'aluka -lhudā wat'tuqa wa-l`fāfa wa-lghinā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay, pangingilag magkasala, kalinisang-puri, at kawalang-pangangailangan.)"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimKabilang noon sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay," ang daang tuwid ng pag-alam sa totoo at paggawa ayon dito, "pangingilag magkasala," ang pagsunod sa mga ipinag-uutos at ang pag-iwas sa mga sinasaway, "kalinisang-puri," ang pagpipigil sa hindi pinahihintulutan at hindi nagiging marikit sa sinasabi o ginagawa, "at kawalang-pangangailangan" sa nilikha kung saan hindi mangangailangan sa isang iba pa sa Panginoon (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kasapatan sa iyo na si Ṣafīyah ay ganito at ganito."} – Nagsabi ang isa sa mga tagapagsalaysay: "Tinutukoy niya: pandak." – {Kaya nagsabi siya: "Talaga ngang nagsabi ka ng isang salitang kung sakaling ihinalo sa tubig ng dagat, talagang nahalo sana ito roon."} Nagsabi ito: {Nanggaya ako sa kanya ng isang tao kaya nagsabi siya: "Hindi ako nakaiibig na ako ay manggaya ng isang tao at kahit magkaroon sa akin ng ganito at ganito."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām AḥmadNagsabi si `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (s): "Sumasapat sa iyo na si Ṣafīyah." Tinutukoy ang ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na kabilang sa mga kapintasang pampisikal ni Ṣafīyah ay na ito ay pandak. Kaya nagsabi ang Propeta: "Talaga ngang nagsabi ka ng isang salitang kung sakaling inilahok sa tubig ng dagat, talaga sanang nanaig ito roon, nagpaiba ito niyon, nakasira ito roon." Nagsabi ito: "Gumawa ka ng ginawa ng isang tao," bilang pagmamata sa kanya. Kaya nagsabi ang Propeta (s): "Hindi nagpapagalak sa akin na magsalita ako hinggil sa kapintasan niya o na makipagkuwentuhan ako hinggil sa kanya at gumawa ako ng tulad sa gawa niya o magsabi ako ng tulad sa sabi niya sa paraan ng pagmamata, kahit pa man binigyan ako ng maraming bagay mula sa Mundo dahil doon."
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng: Subḥāna -llāhi -l`aḍ̆īm wa-bi-ḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan, at kalakip ng papuri sa Kanya), may itatanim para sa kanya na isang punong datiles sa Paraiso."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi ng: "Kaluwalhatian kay Allāh," at nagpapawalang-kapintasan ako sa Kanya, "ang Sukdulan," sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya, "at kalakip ng papuri sa Kanya," na nilalakipan ng pag-uugnay ng mga paglalarawan ng kalubusan sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya), may itutukod at itatanim para sa kanya na isang punong datiles sa lupain ng Paraiso sa bawat pagkakataong nagsasabi siya nito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mag-inggitan. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag kayong magmuhian. Huwag kayong magtalikuran. Huwag magtinda ang ilan sa inyo bilang panunulot sa pagtitinda ng iba pa. Maging mga lingkod kayo ni Allāh bilang magkakapatid. Ang Muslim ay kapatid ng Muslim. Hindi siya nang-aapi nito. Hindi siya nagkakanulo nito. Hindi siya nanghahamak nito. Ang pangingilag magkasala ay narito." Tumuturo siya sa dibdib niya nang tatlong ulit. "Nasa kasapatan sa isang tao bilang kasamaan na manghamak siya ng kapatid niyang Muslim. Ang lahat sa Muslim sa kapwa Muslim ay bawal labagin: ang dugo niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagtagubilin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim ng kapatid niyang Muslim ng kabutihan at naglinaw siya ng ilan sa kinakailangan dito na mga tungkulin at mga etiketa tungo sa kanila. Kabilang doon: Ang Unang Tagubilin: Huwag kayong mag-inggitan sa pamamagitan ng pagmimithi ng iba sa inyo ng paglaho ng biyaya sa iba. Ang Ikalawa: Huwag kayong magpataasan sa tawad sa pamamagitan ng pagdaragdag sa kabayaran ng paninda samantalang hindi naman siya nagnanais bumili nito at nagnanais lamang siya ng pagpapakinabang sa tagapagtinda o ng pagpinsala sa mamimili. Ang Ikatlo: Huwag kayong magmuhian. Ito ay ang pagnanais ng kapinsalaan at ito ay kontra sa pag-ibig, malibang kapag ang pagkamuhi ay alang-alang kay Allāh (napakataas Siya) sapagkat tunay na ito ay kinakailangan. Ang Ikaapat: Huwag kayong magtalikuran sa pamamagitan ng pagtutuon ng bawat isa sa inyo sa kapatid niya ng likod niya at batok niya para umayaw rito at mang-iwan dito. Ang Ikalima: Huwag magtinda ang ilan sa inyo bilang panunulot sa pagtitinda ng iba pa sa pamamagitan ng pagsasabi sa sinumang bumili ng isang paninda: "Mayroon akong tulad niyan kapalit ng higit na mababa kaysa riyan o higit na mahusay kaysa riyan sa presyo niyan." Pagkatapos nagtagubilin siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ng isang tagubiling tagasaklaw sapagkat nagsabi siya: "Maging gaya kayo ng magkakapatid sa pamamagitan ng pagwaksi ng nabanggit na mga sinasaway sa pamamagitan ng pag-uukol ng pagmamahal, kabanayaran, pakikiramay, pagmamabait, at pagtutulungan sa kabutihan kasama ng kadalisayan ng mga puso at pagpapayo sa bawat kalagayan." Kabilang sa mga hinihiling ng kapatirang ito: Na hindi siya mang-api sa kapatid niyang Muslim at mangaway rito. Na hindi siya mag-iwan sa kapatid niyang Muslim habang inaapi ito saka magkanulo rito sa isang katayuang makakakaya siya na mag-adya rito at magpawi rito ng pang-aapi. Na hindi siya manghamak dito, magmaliit dito, at tumingin dito nang may mata ng pagmamababa at pangmamata, na resulta ng isang pagmamalaki sa puso. Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tatlong ulit na ang pangingilag magkasala ay nasa puso at ang sinumang nasa puso niya ang pangingilag magkasala na humihiling ng kagandahan ng kaasalan, takot kay Allāh, at pagsasaalang-alang kay Allāh, tunay na siya ay hindi nanghahamak ng isang Muslim. Nakasasapat sa kanya mula sa mga katangian ng kasamaan at mga kabuktutan ng mga kaasalan ang panghahamak sa kapatid niyang Muslim at iyon ay dahil sa pagmamalaki sa puso niya. Pagkatapos nagbigay-diin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nabanggit na ang lahat sa Muslim sa kapwa Muslim ay bawal labagin: ang dugo niya sa pamamagitan ng paglabag sa kanya sa pagpatay o mababa pa rito gaya ng pagsugat, paghagupit, at tulad nito; gayundin ang ari-arian niya sa pamamagitan ng pagkuha mula sa kanya nang walang karapatan; at gayundin ang dangal niya sa pamamagitan ng pagpula sa kanya sa sarili niya o reputasyon niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, magpapaginhawa si Allāh sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nasa pagtulong sa tao hanggat ang tao ay naging nasa pagtulong sa kapwa niya. Ang sinumang tumahak sa isang daan habang naghahanap dahil doon ng isang kaalaman, magpapadali si Allāh para sa kanya dahil doon sa isang daan patungo sa Paraiso. Walang nagtitipong mga tao sa isang bahay kabilang sa mga bahay ni Allāh, na bumibigkas ng Aklat ni Allāh at nag-aaralan nito sa gitna nila, malibang bababa sa kanila ang kapanatagan, babalot sa kanila ang awa, magpapaligid sa kanila ang mga anghel, at babanggit sa kanila si Allāh sa sinumang nasa piling Niya. Ang sinumang nagpabagal sa kanya ang gawa niya, hindi magpapabilis sa kanya ang kaangkanan niya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang ganti sa Muslim sa ganang kay Allāh ay kabilang sa uri ng ginagawa ng Muslim sa mga Muslim. Kaya ang sinumang nagpawi, nagtaboy, nag-alis, at humawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati at kasawian mula sa mga pighati sa Mundo, makikipaggantihan sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng pagpawi buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, nagpadali rito, at nag-alis ng kagipitan nito, magpapaginhawa si Allāh sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, na para bang nakabatid siya mula rito ng hindi nararapat sa kanya ang paglantad niyon gaya ng mga pagkakamali at mga pagkatisod, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay magiging tagatulong sa lingkod Niya hanggat ang lingkod ay tagatahak sa pagtulong sa kapwa niya sa mga kapakanan nitong panrelihiyon at pangmundo. Ang pagtulong ay sa pamamagitan ng panalangin, paggawa, salapi, at iba pa roon. Ang sinumang naglakad patungo sa pagkamit ng kaalamang pangkapahayagan, habang nagpapakay rito ng kaluguran ng mukha ni Allāh (napakataas Siya), magpapadali si Allāh para sa kanya dahil doon sa isang daan patungo sa Paraiso. Walang nagtitipong mga tao sa isang bahay kabilang sa mga bahay ni Allāh, na bumibigkas ng Aklat ni Allāh at nag-aaralan nito sa gitna nila, malibang bababa sa kanila ang kapanatagan at ang kahinahunan, babalot sa kanila at pupuspos sa kanila ang awa ni Allāh, magpapaligid sa kanila ang mga anghel, at magpapapuri sa kanila si Allāh sa mga inilapit sa piling Niya. Nakasapat bilang karangalan ang pagbanggit ni Allāh sa tao sa konsehong pinakamataas. Ang sinumang ang gawa niya ay naging kulang, hindi siya makaaabot nito sa antas ng mga may mga ginawa. Kaya nararapat na hindi siya umaasa sa kamaharlikaan ng kaangkanan at kalamangan ng mga magulang samantalang nagkukulang siya sa gawain.
Ayon kay Agharr (malugod si Allāh sa kanya), na kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Kanya nang isandaang ulit sa isang araw."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao ng pagpaparami ng pagbabalik-loob at paghingi ng tawad. Nagpapabatid siya tungkol sa sarili niya na siya ay nagbabalik-loob kay Allāh (napakataas Siya) at humihingi ng tawad sa Kanya nang higit sa isandaang ulit sa isang araw samantalang pinatawad na siya sa anumang nauna sa pagkakasala niya at anumang nahuli. Sa gayon ay may kalubusan ng pagkaaba at pagpapakamananamba kay Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan).
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pang-ibabang kasuutan ng Muslim ay hanggang sa kalahati ng binti. Walang pagkaasiwa" – o "Walang maisisisi" – "sa pagitan nito at ng mga bukungbukong. Ang anumang higit na mababa kaysa sa mga bukungbukong, ito ay sa Impiyerno. Ang sinumang kumaladkad ng tapis niya dala ng kapalaluan, hindi titingin si Allāh sa kanya."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lalaking Muslim sa pang-ibabang kasuutan niya – ang bawat anumang isinusuot sa kalahating pang-ibaba ng mga lalaki – ay may tatlong kalagayan: Una. Ang isinakaibig-ibig dahil sa pagiging hanggang sa kalahati ng binti. Ikalawa. Ang pinapayagan nang walang pagkasuklam: ang nasa ilalim niyon hanggang sa mga bukungbukong. Ikatlo. Ang ipinagbabawal dahil sa pagiging higit na mababa kaysa sa mga bukungbukong at kinatatakutan para sa kanya na humantong sa kanya ang Impiyerno. Kung ito ay naging pagpapakamalaki, pagkatuwa, at pagmamalabis, hindi titingin si Allāh sa kanya.
Ayon kay Ma`qil bin Yasār (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pagsamba sa panahon ng ligalig ay gaya ng paglikas patungo sa akin."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimGumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panahon ng ligalig, sigalot, patayan, at pagkalito ng mga lagay ng mga tao tungo sa pagsamba at pangungunyapit dito at na ang pabuya rito ay gaya ng paglikas patungo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Iyon ay dahil ang mga tao ay nalilingat dito, nagpapakaabala palayo rito, at walang naglalaan ng sarili para rito kundi iilan.