





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi kumain ang pamilya ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dalawang kain sa isang araw malibang ang isa sa dalawang ito ay datiles.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang sambahayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi kumain ng dalawang pagkain sa iisang araw malibang ang isa sa dalawang pagkain ay ang datiles.
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi nabusog ang mag-anak ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) magmula ng dumating siya sa Madīnah ng pagkaing trigo nang tatlong gabi nang magkakasunud-sunod hanggang sa kinuha siya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang sambahayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nabusog magmula ng dumating sila sa Madīnah ng pagkaing trigo nang tatlong araw na magkasunuran hanggang sa pinapanaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang higaan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mula sa balat at ang ipinalaman dito ay mula sa himaymay.} Batay naman kay Imām: {Ang inuunanan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na sinasandalan niya, ay mula sa balat na ang ipinalaman dito ay himaymay.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang higaan na tinutulugan noon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay niyari mula sa katad na kinulti, na pinuno ng himaymay mula sa punong datiles at gayon din ang unan niya na sinasandigan niya.
Ayon kay `Amr bin Al-Ḥārith na bayaw ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapatid ng Ina ng mga Mananampalataya na si Juwayrīyah bin Al-Ḥārith (malugod si Allāh sa kanila) na nagsabi: {Hindi nag-iwan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandali ng pagkamatay niya ng isang dirham ni isang dinar ni isang lalaking alipin ni isang babaing alipin ni isang anuman maliban sa puting mola niya, sandata niya, at isang lupain, na gumawa siya sa mga ito bilang kawanggawa.}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyPinapanaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang hindi nag-iwan ng isang dirham na pilak ni isang dinar na ginto ni isang lalaking aliping minamay-ari ni isang babaing aliping minamay-ari ni isang tupa ni isang kamelyo ni isang anumang kabilang sa ari-arian maliban sa puting mola niya na sinasakyan niya, sandata niya na binibitbit niya, at isang lupaing isinakawanggawa noong kalusugan niya para sa kinapos sa daan.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi nagtalumpati sa amin ang Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) malibang nagsabi siya: "Walang pananampalataya para sa sinumang walang pagkamapagkakatiwalaan sa kanya at walang relihiyon para sa sinumang walang [pagtupad sa] kasunduan sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadNagpapabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na madalang na magtalumpati ang Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o mangaral malibang bumanggit siya ng dalawang bagay: Una. Walang kumpletong pananampalataya para sa sinumang sa sarili niya ay may kataksilan sa isang tao sa ari-arian nito o sarili nito o mag-anak nito; Ikalawa. Walang kumpletong relihiyon para sa sinumang nagtataksil sa mga kasunduan at mga tipan at sumisira sa mga ito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumindig sa mga taong nakaupo saka nagsabi: "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mabuti sa inyo kaysa sa higit na masama sa inyo?" Sinabi: Nanahimik sila kaya nagsabi siya niyon nang tatlong ulit, saka may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa amin hinggil sa higit na mabuti sa amin kaysa sa higit na masama sa amin." Nagsabi siya: "Ang higit na mabuti sa inyo ay sinumang naaasahan ang kabutihan niya at naliligtasan ang kasamaan niya. Ang higit na masama sa inyo ay sinumang hindi naaasahan ang kabutihan at hindi naliligtasan ang kasamaan niya."}
Nagsalaysay nito si Imām At-TirmidhīyTumindig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga taong nakaupo kabilang sa mga Kasamahan niya saka nagtanong siya sa kanila: "Hindi ba ako magtuturo sa inyo at babanggit para sa inyo kung sino ang higit na mabuti sa inyo at kung sino ang higit na masama sa inyo?" Hindi sila nakapagsalita at hindi sila nakasagot ng anuman dala ng pagkatakot sa pagkahayag sa higit na mabuti sa kanila at higit na masama sa kanila. Nangamba-ngamba sila sa pagkabunyag kaya nanahimik sila. Kaya inulit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kanila ang tanong nang tatlong ulit. May sumagot namang isang lalaking kabilang sa kanila: "Opo, O Sugo ni Allāh. Magpabatid ka sa amin hinggil sa higit na mabuti sa amin kaysa sa higit na masama sa amin." Naglinaw sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang higit na mabuti sa kanila ay ang sinumang nahihintay at naaasahan ang kabutihan niya, ang paggawa niya ng maganda, at ang pagsasamabuting-loob niya, at naliligtasan ang kasamaan niya kaya hindi napangangambahan ang paglabag niya, ang paggawa niya ng masagwa, at ang kawalang-katarungan niya; at na ang higit na masama sa kanila ay ang sinumang hindi naaasahan, hindi nahihintay, at hindi naghahangad ang kabutihan niya, ang paggawa niya ng mabuti, at ang pagsasamabuting-loob niya, at hindi naliligtasan ang kasamaan niya, bagkus napangangambahan ang paglabag niya, ang paggawa niya ng masagwa, at ang kawalang-katarungan niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi nagpapasalamat kay Allāh ang sinumang hindi nagpapasalamat sa mga tao."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang hindi nagpapasalamat kay Allāh ay karaniwang hindi nagpapasalamat sa mga tao dahil sa nakabubuti at magandang ginawa nila sa kanya. Iyon ay dahil sa pagkakaugnay na unang pasasalamat sa ikalawang pasasalamat yayamang bahagi ng kalikasan niya at nakahiratian niya ang kawalang-pasasalamat sa biyaya ng mga tao at ang pagwaksi sa pasasalamat sa kanila, nagiging bahagi ng nakahiratian niya ang pagtanggi sa pagpapasalamat sa biyaya ni Allāh at ang pagkukulang sa pagpapasalamat niya rito.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya- siya ay nagsagawa ng Wudhu sa bahay niya,at sinabi niyang:Tunay na hahanapin ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at makakasama ako sa kanya sa araw kong ito,Dumating siya sa Masjid at ipinagtanong niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sinabi nilang;pumunta siya doon,Nagsabi siya:Lumabas ako upang hanappin siya,at ipinagtanong ko siya,Hanggang sa nakapasok ako sa Balon ng Aris.Umupo ako sa may pintuan nito hanggang sa pumunta ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa palikuran at nagsagawa ng Wudhu,Lumapit ako sa kanya,ngunit siya ay umupo sa balon ng Aris at gumitna siya sa gilid ng balon.at itinaas nito ang suot sa binti niya at isinandal niya ito sa balon,Bumati ako sa kanya,pagkatapos ay umalis din ako,umupo ako sa may pintuan,at sinabi kong:magiging tagapagbantay ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw na ito,Dumating si Abu Bakar-at itinulak niya ang pintuan,Sinabi ko: Sino iyan: Nagsabi siya: Si Abu Bakar,Sinabi kong: Maghintay ka,Pagkatapos ay pumunta ako [sa Propeta] sinabi ko:O Sugo ni Allah! Andito si Abu Bakar,nagpapaalam [na pumasok], Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso)) Lumapit ako hanggang sa sinabi ko kay Abu Bakar:Pumasok ka;At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinaparating sa iyo [ang magandang balita] na ikaw ay mananahanan sa Paraiso,Pumasok si Abu Bakar,at umupo siya sa bandang kanan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kasama niya sa may gilid ng balon,At isinandal niya ang mga paa niya sa balon tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at itinaas nito ang suot sa mga binti niya,Pagkatapos ay bumalik ako at umupo.at iniwan ko ang kapatid ko na nagsasagawa ng Wudhu at sasalubungin niya ako,Sinabi ko:Kapag ninais ni Allah kay pulano-tinutukoy nito ang kapatid niya-ang kabutihan,darating ito sa kanya.Kung-kaya`t isang tao ang nagpapagalaw sa pintuan,sinabi ko: Sino iyan?Nagsabi siya: Si `Umar bin Al-Khattab,Sinabi ko:Maghintay ka,Pagkatapos ay dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Bumati ako sa kanya at sinabi kong;Andito si `Umar bin Al-Khattab,nagpapa-alam [na pumasok],Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya[ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso)),Dumating ako kay `Umar,at sinabi kong:Pumayag siya at ipinaparating sa iyo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- [ang magandang balita] na ikaw ay mananahanan sa Paraiso,Pumasok siya at umupo siya kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa gilid ng balon,sa may bandang kaliwa,at isinandal niya ang mga binti niya sa balon,Pagkatapos ay bumalik ako at umupo,Sinabi kong:Kapag ninais ni Allah kay pulano-tinutukoy nito ang kapatid niya-ang kabutihan,darating ito sa kanya,Pagkatapos ay dumating ang isang tao at pinapagalaw ang pintuan,Sinabi kong: Sino iyan?Nagsabi siya: `Uthman bin `Affan;Sinabi kong: Maghintay ka,Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At sinabi ko ito sa kanya,Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya[ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso,kasama ang mga pagsubok na darating sa kanya)) Dumating ako [Kay `uthman bin `Affan] at sinabi kong: Pumasok ka,at ipinaparating sa iyo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- [ang magandang balita] na ikaw ay mananahanan sa Paraiso kasama ang mga pagsubok na darating sa iyo,Pumasok siya,at nakita niyang puno na ang gilid ng balon,umupo siya sa harapan nila sa ibang gilid,Nagsabi si Said bin Al-Musayyeb,Binigyan ko ito ng kahulugan sa [kalagayaan] ng libingan nila. At idinagdag niya sa salaysay:At ipinag-utos sa akin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na bantayan ang pintuan.At napapaloob rito:Na si `Uthman,nang iparating sa kanya ang magandang balita [ na siya ay mananahanan sa Paraiso],Pinuri niya si Allah-Pagkataas-yaas Niya,Pagkatapos ay sinabi niyang:Tanging si Allah ay nahihingian ng tulong.
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakanNaisalaysay sa Hadith ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-na sa isang araw ay nagsagawa siya ng Wudhu sa bahay niya,at lumabas siya upang hanapin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinasabing:Hindi ko hihiwalayan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw kong ito.Ibig sabihin:Sasamahan ko siya sa pagpunta at pagbalik.Lumabas siya-malugod si Allah sa kanya-na hinahanap ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dumating siya sa Masjid.Dahil ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung hindi siya sa Masjid ay nasa bahay niya,sa pag-aasikaso ng pamilya niya,at kung hindi naman ay nasa mga kasamahan niya para sa ikabubuti nila-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-Hindi niya ito natagpuan sa Masjid,ipinagtanong niya ito,Sinabi nilang:Pumunta siya sa doon.At itinuro nila ang sa dulo ng Aris,ito ay ang balon sa Qubah.Lumabas si Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-sa paghahanap sa kanya hanggang sa umabot siya sa balon.Natagpuan niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-doon,nanatili siya sa pintuan ng Harden,kung saan nandoon ang balon-malugod si Allah sa kanya.Pumunta ng palikuran ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsagawa ng Wudhu,pagkatapos ay umupo siya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sa gitna-ibig sabihin ay sa gilid ng balon,at isinandal nito ang mga paa niya,at itinaas ang suot sa binti niya,Habang si Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-ay nasa pintuan,binabantayan niya ang pintuan ng balon,tulad ng tagabantay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Nagpaalam si Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-ngunit hindi siya pinayagan ni Abu Musa hanggat hindi niya ito nasabi sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinabi niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Andito si Abu Bakar-nagpapaalam [na pumasok],Nagsabi siya:" Pahintulutan mo siya,at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso" Pinayagan niya ito, at sinabi sa kanya:Ipinaparating sa iyo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[ang magandang balita,na ikaw ay mananahanan sa Paraiso. At ito ay isang dakilang magandang balita,Ipinarating niya sa kanya [ang maganadang balita na siya ay mananahanan sa Paraiso,pagkatapos ay pinayagan siya na pumasok para makasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-.Pumasok siya at natagpuan niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa gitna ng balon at umupo siya sa bandang kanan niya;Dahil ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay iniibig niya ang bandang kanan sa lahat ng bagay,Umupo si Abu Bakar sa bandang kanan niya,at ginawa nito ang tulad ng ginagawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Isinandal niya ang paa niya sa balon,at itinaas nito ang suot niya sa dalawang binti niya,bilang pagkasuklam na masalungat niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pag-upong ito.Sinabi ni Abe Musa-at iniwan niya ang kapatid nitong nagsasagawa ng Wudhu at sasalabungin siya-Kapag ninais ni Allah sa kanya ang kabutihan,darating siya sa kanya,at kapag dumating siya at nagpaalam,mangyayari na ihahatid sa kanya ang magandang balita na siya ay mananahanan sa Paraiso,Ngunit nagpaalam ang ikalawang lalaki,Dumating si Abu Musa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niyang;Andito si `Umar,Nagsabi siyang::" Pahintulutan mo siya,at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso" Pinayagan niya ito, at sinabi sa kanya:Ipinaparating sa iyo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[ang magandang balita,na ikaw ay mananahanan sa Paraiso.Pumasok siya at natagpuan niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at si Abu Bakar sa gilid ng balon,umupo siya sa bandang kaliwa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang balon ay naging mahigpit [para sa kanila],hindi na ito maluwag,silang tatlo ay [naka-upo] sa isang tabi.Pagkatapos ay nagpaalam si `Uthman,at ginawa ni Abu Musa ang tulad ng ginawa niyang pagpapaalam,Sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Pahintulutan mo siya,at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso kasama ang mga pagsubok na darating sa kanya"Pinayagan niya ito, at sinabi sa kanya:Ipinaparating sa iyo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[ang magandang balita,na ikaw ay mananahanan sa Paraiso kasama ang pagsubok na darating sa iyo".Nabuo sa karapatan niya ang biyaya at ang mga pagsubok,Sinabi niya-malugod si Allah sa kanya-Ang lahat ng Papuri ay sa Allah,at Tanging si Allah ay nahihingian ng tulong, sa mga pagsubok na ito,At ang lahat ng Papuri ay sa Allah dahil sa magandang balita na ito,Pumasok siya,at natagpuan niyang ang gilid ng balon at puno na;sapagkat ito ay hindi masyadong malawak,kaya pumunta siya sa bang gilid sa harapan nila,at umupo siya rito,isinandal niya ang dalawang paa niya at itinaas nito ang suot niya sa dalawang binti niya.Binigyang kahulugan ito ni Said bin Al-Musayyeb-isa sa malakinTabiin-na ito ang libingan nila,Dahil ang nilang tatlo ay sa iisang lugar lamang,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Si Abu Bakar at `Umar,silang lahat ay sa iisang kuwarto lamang,inilibing silang lahat sa iisang lugar,at sa Mundo ay umaalis ng sabay-sabay at bumabalik ng sabay-sabay,At laging sinasabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Pumunta ko,kasama sina Abu Bakar at `Umar,At dumating ako kasama sina Abu Bakar at `Umar,Silang dalawa ay kasa-kasama niya at ministro niya,At sa Araw ng Pagkabuhay-ay lalabas sila mula sa mga libingan nilang magkakasama.Silang lahat ay magkakasama,sa Mundo hanggang sa Kabilang buhay.Umupo si `Uthman-malugod si Allah sa kanya-sa harapan nila,at ibinalita nito sa kanya-[pagpalain siya ni Allah at pangalagaan] ang magandang balita na siya ay mananahanan sa Paraiso kasama ang mga pagsubok na darating sa kanya,At ang mga pagsubok na ito ay ang mga nangyari sa kanya-malugod si Allah sa kanya-mula sa pagkakasalungat ng mga tao sa kanya,at paglabas nila sa kanya,at pagpatay nila sa kanya sa bahay niya-malugod si Allah sa kanya-Dahil pumasok sila sa kanya sa bahay niya sa Madinah,at pinatay nila ito habang nagbabasa siya ng Qur-an,at ang Aklat ni Allah ay na sa pagitan ng dalawang kamay niya.
Ayon kay Abe Idris Alkhulani-Kaawaan siya ni Allah-Siya ay nagsabi:Pumasok ako sa Masjid sa Damasco,At mayroong binatang kumikislap ang ngipin at ang mga tao ay kasama niya,At kapag nagkasalungat sila sa anumang bagay,Sumasangguni sila sa kanya,at pinanghahawakan nila ang opinyon niya,Itinanong ko siya,at sinabi nila: Siya si Muadh bin Jabal-malugod si Allah sa kanya-At ng damating ang kina-umagahan,naging maaga ako,[ngunit] natagpuan ko siyang nauna sa pagiging maaga sa akin,At nakita ko siyang nagdadasal,Hinintay ko siya hanggang sa matapos siya sa kanyang pagdadasal,pagkatapos ay pumunta ako sa harapan niya,at bumati ako sa kanya,Pagkatapos ay sinabi ko sa kanya: Sumpa kay Allah,Tunay na ikaw ay mahal ko para kay Allah,Nagsabi siya:Isinusumpa mo kay Allah? Sinabi ko:Isinusumpa ko kay Allah,Nagsabi siya:Isinusumpa mo kay Allah? Sinabi ko:Isinusumpa ko kay Allah,Kinuha niya ang dulo ng sarong ko,At hinila niya ako sa kanya,Nagsabi siya: Maging masaya ka! Sapagkat narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya-: Nararapat ang pagmamahal ko para sa mga [taong] nagmamahalan para sa akin,at para sa mga [taong] nagsisi-upuan para sa akin,at para sa mga [taong] nagbibisatahan para sa akin,at para sa mga [taong] nagpapakahirap para sa akin,))
Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām MālikSa Hadith na ito [ipinapahayag] ang kainaman ng pagmamahalan para kay Allah,At ang ipinapahiwatig nito ay sinuman ang gumawa ng mga bagay na ito mula sa dalawang kabilaan,tulad ng napatunayan rito ng may pananalitang pag-uugnayan,kung ito ay para sa kaluguran ni Allah-Pagkataas-taas Niya-at hindi sa mga bagay na naglalaho,At hindi dahil sa [sariling] layunin,Tunay na nararapat sa kanya ang pagmamahal ng Kanyang Panginoon,At ito ang pinakadakilang gantimpala na nagpapatunay sa karangalan nito,At tunay na naisalaysay:(( Sinuman ang magmahal at magalit,magkawang-gawa at humadlang,tunay na naging ganap ang kanyang paniniwala)) At sa kanyang pagsabi: "Sinabi ko: Isinusumpa ko kay Allah,Tunay na ikaw ay mahal ko para kay Allah,Nagsabi siya:Isinusumpa mo kay Allah? Sinabi ko:Isinusumpa ko kay Allah" Ito ay Pagpapatunay na ang pananampalataya ay dumadaloy sa kanilang mga dila,na nangangahulugang pagpapatunay sa [kanyang] sinabi,at pinagtitibay niya ito sa pag-uulit niya at pakiki-usap niya [sa kanya] na siguraduhin niya ito. At sa sinabi niya: "Kinuha niya ang dulo ng sarong ko," Gustong ipahiwatig nito ang nasa gilid ng sarong ,ito ang dulo nito.At sa sinabi niya: "At hinila niya ako sa sarili niya" Nangangahulugang paglapit sa kanya,at pagpapalapit sa saloobon niya,at pagpapakita ng pagtanggap sa mga bagay na sinabi niya sa kanya at pagpapasaya nito sa kanya ,dahil sa sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sinumang gumawa nito.Sinabi niya sa kanya: "Magpakasaya ka" Gusto niyang ipahiwatig,na dahil sa kalagayan niyang ito: Tunay na narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-;Batay sa kahulugan nang iba pang bagay na makapagbibigay ng magandang balita sa kanya sa sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siyang pinakatapat -mula sa Kanyang Panginoon-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas,; Upang maging mapanatag si Abu Idris at maging ganap sa kanya ang kasiyahan sa balitang ito,Sapagkat ito ay mula sa salita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Kanyang Panginoon,At hindi mula sa sariling opinyon ni Muadh-malugod si Allah sa kanya- At ang Sinabi Niya-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan: "Nararapat ang pagmamahal ko" Gusto niyang ipahiwatig na ; Napagtibay ang pagmamahal ko sa kanila." Para sa mga taong nagmamahalan para sa akin at Nagsisi-upuan para sa akin" Gusto niyang ipahiwatig;Na ang pag-upo nila sa kalooban ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-ay mula sa pagtutulungan nila sa pag-aalaala kay Allah-Pagkataas -taas Niya,Pagtatatag ng mga hangganan Niya,At Pagtupad sa Kasunduan Niya,Pagsasagawa sa mga ipinag-utos Niya,Pangangalaga sa mga Batas Niya,Pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya,at Pag-iwas sa mga ipinagbabawal Niya.At sa sa pagsabi Niya-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas: " At para sa mga [taong] nagbibisitahan para sa akin" Gustong ipahiwatig nito-Si Allah ang higit na nakaka-alam- Na ang pagbibisita nila sa bawat isa ay para sa Kanya at para sa Kalooban Niya,at paghahangad sa Kasiyahan Niya-mula sa pagmamahalan para sa Kanya o pagtutulungan para sa paniniwala sa Kanya.At sa pagsabi Niya-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas:" At para sa mga [taong] nagpapakahirap para sa Akin" Gusto nitong ipahiwatig ang mga [taong] nagpapakahirap sa mga sarili nila para sa Kasiyahan Niya mula sa sinang-ayunang pakikibaka sa kalaban Niya,at sa iba pang mga bagay mula sa mga ipinag-utos Niya-At ipinagkakawang-gawa niya ang kayamanan niya kung ito ay kinakailangan.