





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa gumabi. Kung dinalaw niya ito sa gabi, dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa mag-umaga. Magkakaroon siya ng isang hardin sa Paraiso."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng ḥadīth na ito ay na ang tao, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang maysakit, siya ay nasa sandali ng pamimitas sa Paraiso. Ang kabutihang-loob ni Allah ay malawak. Ito ay nagpapahiwatig ng kalamangan ng pagdalaw sa maysakit, at na kapag ito ay sa umaga ay magkakamit siya ng kabayarang ito at kapag naman sa gabi ay magkakamit din siya ng kabayarang ito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpakatuto ng isang kaalamang kabilang sa hinahangad dito ang kaluguran ng mukha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) — na hindi pala nagpapakatuto nito kundi upang magkamit siya sa pamamagitan nito ng isang mahihita mula sa Mundo — hindi makaamoy ng samyo ng Paraiso sa Araw ng pagbangon." Tumutukoy siya sa halimuyak nito.}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpakatuto ng kaalamang pangkapahayagan na ang orihinal na pakay rito ay ang pagkalugod ni Allāh (napakataas Siya), na hindi nagpapakatuto nito upang magkamit at magtamo sa pamamagitan nito na isang parte at isang natatamasa mula sa Mundo na yaman o reputasyon, hindi siya makatatagpo ng amoy ng Paraiso sa Araw ng Pagkabangon.
Ayon kina Abū Sa`īd Al-Khudrīy at Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang sinumang magsabi ng Lā ilāha illa -llāhu wa -llāhu akbar (Walang Diyos kundi si Allah at si Allah ay Pinakadakila), patotohanan ito ng Panginoon nito at magsasabi naman Siya ng Lā ilāha illā anā wa anā akbar (Walang Diyos kundi Ako at Ako ay Pinakadakila). Kapag nagsabi ito ng Lā ilāha illa llāhu waḥdahu lā sharīka lah (Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya: walang katambal sa Kanya), magsasabi naman Siya: Nagsasabi ito ng Lā ilāha illā anā waḥdī lā sharīka lī (Walang Diyos kundi Ako — tanging Ako: walang katambal sa Akin). Kapag nagsabi ito ng Lā ilāha illa -llāh lahu -lmulku wa lahu -lḥamd (Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri.), magsasabi naman Siya ng Lā ilāha illā anā liya -lmulku wa liya -lḥamd (Walang Diyos kundi Ako — tanging Ako: walang katambal sa Akin; ukol sa Akin ang paghahari at ukol sa Akin ang papuri). Kapag nagsabi ito ng Lā ilāha illa -llāh lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah), magsasabi naman Siya ng Lā ilāha illā anā; lā ḥawla wa lā qūwata illā bī (Walang Diyos kundi Ako — tanging Ako: walang katambal sa Akin; walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan Ko). Siya noon ay nagsasabi: Ang sinumang magsabi nito sa pagkakasakit niya, pagkatapos ay namatay siya, hindi siya matitikman ng Apoy."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-TirmidhīyAyon kina Abū Sa`īd Al-Khudrīy at Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Si Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ay naniniwala sa tao kapag nagsabi ito ng Lā ilāha illa -llāhu wa -llāhu akbar (Walang Diyos kundi si Allah at si Allah ay Pinakadakila) at nagsasabi naman si Allah ng Lā ilāha illā anā wa anā akbar (Walang Diyos kundi Ako at Ako ay Pinakadakila). Kapag nagsabi ito ng Allāhu akbar wa lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Si Allah ay pinadakila at walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah), pinaniniwalaan din ito ni Allah. Ang sinumang magsabi nito: Lā ilāha illa -llāh wa lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah), pagkatapos ay namatay, ang taong ito ay hindi matitikman ng Apoy. Nangangahulugan ito na iyon ay kabilang sa mga dahilan ng pagkakait sa tao sa Impiyerno. Kaya nararapat sa tao na isaulo ang dhikr na ito at dalasan ang pagsambit nito sa panahon ng pagkakasakit niya upang pagwakasin siya sa kabutihan, kung niloob ni Allah, pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Suhayl na nagsabi: Si Abū Ṣāliḥ noon ay nag-uutos sa amin, kapag nagnais ang isa sa amin na matulog, na mahiga sa kanang tagiliran niya. Pagkatapos ay magsasabi: "Allāhumma rabba -ssamāwāti -ssab`i wa rabba -l’arḍi wa rabba -l`arshi -l`ađīm, rabbanā wa rabba kulli shay’, fāliqa -lḥabbi wa -nnawā, wa munzila -ttawrāti wa -l’injīli wa -lfurqān, a`ūdhu bika min sharri kulli shay’in anta ākhidhum bināṣiyatih; Allāhumma anta -l’awwalu falaysa qablaka shay’, wa anta -l’ākhiru falaysa ba`daka shay’, wa anta -đđāhir falaysa fawqaka shay’, wa anta -lbāṭinu falaysa dūnaka shay’, iqḍi `annā -ddayna wa aghninā mina -lfaqr (O Allāh, Panginoon ng pitong langit, Panginoon ng lupa, at Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, Panginoon namin at Panginoon ng bawat bagay, tagapagpabuka ng mga butil at mga buto, tapagpababa ng Torah, Ebanghelyo, at Furqān, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa bawat bagay na Ikaw ay dadaklot sa bumbunan nito. O Allāh, Ikaw ang Una kaya walang anuman bago Mo, Ikaw ang Huli kaya walang anuman matapos Mo, Ikaw ang Nangingibabaw kaya walang anuman sa ibabaw Mo, Ikaw ang Nakaaarok kaya walang anuman sa ilalim Mo. Wakasan Mo para sa amin ang pagkakautang at payamanin Mo kami laban sa karalitaan)." Isinaysay niya noon iyon ayon kay Abū Hurayrah, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-uutos noon sa mga lingkod niya, kapag ninais ng isa sa kanila na matulog, na ilapag ang kanang tagiliran niya sa higaan pagkatapos ay magsabi: "O Allāh, Panginoon ng pitong langit, Panginoon ng lupa, at Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, Panginoon namin at Panginoon ng bawat bagay..." Nangangahulugan ito: O Panginoon ng mga langit at lupa, Tagapaglikha ng mga ito, Tagapagmay-ari ng mga ito, Tagapag-alaga ng mga naninirahan sa mga ito, Panginoon ng Tronong dakila, Tagapaglikha nito, Tagapagmay-ari nito, Tagapaglikha ng lahat ng mga tao, Tagapagmay-ari nila, Tagapag-alaga nila, at Panginoon ng bawat bagay. Ang "tagapagpabuka ng mga butil at mga buto" ay nangangahulugang: O bumiyak sa mga ito, patubuin mo mula sa mga ito ang pananim at ang datiles. Ang pagtatangi sa pagbanggit ay dahil sa kalamangan ng mga ito o dahil sa dami ng mga ito sa mga lupain ng mga Arabe. Ang "tapagpababa ng Torah, Ebanghelyo, at Furqān" ay nangangahulugang: O nagpababa ng Torah kay Moises, ng Ebanghelyo kay Jesus, at ng Qur'ān kay Muḥammad, pagpalain sila ni Allāh at pangalagaan. Ang "nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa bawat bagay na Ikaw ay dadaklot sa bumbunan nito" ay nangangahulugang: Nagpapakanlong ako at nagpapakalinga ako sa Iyon laban sa kasamaan ng bawat bagay na kabilang sa mga nilikha dahil ang lahat ng mga ito ay nasa kapamahalaan Mo, paghawak Mo, at pangangasiwa Mo. Ang "O Allāh, Ikaw ang Una kaya walang anuman bago Mo, Ikaw ang Huli kaya walang anuman matapos Mo, Ikaw ang Nangingibabaw kaya walang anuman sa ibabaw Mo, Ikaw ang Kalaliman kaya walang anuman sa ilalim Mo." ay ipinaliwanag ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang apat na pangalang ito nang malinaw na pagpapaliwanag. Ang una ay nagpapatunay na ang bawat iba pa sa Kanya ay isang pangyayaring nagaganap matapos hindi naganap, at nag-oobliga sa tao na pansinin ang kainaman ng Panginoon niya sa bawat pagpapalang panrelihiyon at pangmundo dahil ang dahilan at ang epekto ay mula sa Kanya, pagkataas-taas Niya. Ang ikalawa ay nagpapatunay na Siya ay ang Mananatili at ang sinumang iba pa sa Kanya ay maglalaho, na Siya ay ang Dulugan, na tumutuon sa Kanya ang mga nilikha dahil sa pagkadiyos Niya sa mga ito, pagkaibig ng mga ito, pagkasindak ng mga ito, at lahat ng mga hiling ng mga ito. Ang nangingibabaw ay nagpapatunay sa kadakilaan ng mga katangian Niya at paglalaho ng bawat bagay sa harap ng kadakilaan Niya, na mga katawan at mga katangian; at nagpapatunay ito sa kataasan Niya sa lahat ng mga nilikha ayon sa kataasang tunay. Ang kalaliman ay nagpapatunay sa pagkakabatid Niya sa mga lihim, mga budhi, mga nakatago, mga nakakubli, at mga kaliit-liitang detalye ng mga bagay kung papaanong nagpapatunay ito sa kalubusan ng pagkamalapit Niya at kalapitan Niya. Hindi nagkakasalungatan ang nangingibabaw at ang kalaliman dahil si Allāh ay walang katulad na anuman sa lahat ng mga katangian. Siya ay ang Mataas kalapitan Niya, ang Malapit sa kataasan Niya. "Wakasan Mo para sa amin ang pagkakautang at payamanin Mo kami laban sa karalitaan." Pagkatapos ay humiling siya kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na wakasan para sa kanya ang pagkakautang niya at payamanin siya mula sa karalitaan.
Ayon kay Usāmah bin Yazīd, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ihinarap sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang lalaking anak ng babaing anak niya samantalang ito ay naghihingalo. Lumuha ang mga mata ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi sa kanya si Sa`d: Ano ito, o Sugo ni Allah? Nagsabi siya: Ito ay isang awa na inilagay ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa mga puso ng mga lingkod Niya. Naaawa lamang si Allah sa mga lingkod Niyang maaawain."
Napagkaisahan ang katumpakanNagpabatid si Usāmah bin Zayd na tinatagurian noon na mahal ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Binanggit nito na ang isa sa mga babaing anak ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpadala sa kanya ng isang taong magsasabi sa kanya na ang lalaking anak ng babaing anak ay naghihingalo na at na iyon ay humihiling sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na pumunta. Dumating ang ipinadala sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, rito na sabihin doon na magtiis at umasa sa gantimpala ni Allah sapagkat kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ibinigay Niya. Ang bawat bagay sa Kanya ay may takdang taning. Inutusan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang ipinadala ng babaing anak niya na sabihin sa babaing anak niya, ang ina ng batang ito, ang mga salitang ito: Tunay na kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ibinigay Niya. Ang pangungusap na ito ay dakila. Kapag ang lahat ng bagay ay kay Allah, kung kumuha Siya mula sa iyo ng anuman, iyon ay pag-aari Niya; at kung binigyan ka Niya ng anuman, iyon ay pag-aari niya. Kaya papaano kang magngingitngit kapag kinuha Niya mula sa iyo ang minamay-ari Niya mismo? Dahil dito itinuturing na sunnah para sa tao, kapag dinapuan siya ng isang kasawian, na magsabi: Innā lillāhi wa innā ilayhi rāji`ūn (Tunay na tayo ay kay Allah at tunay na tayo ay sa Kanya magsisibalik). Ibig sabihin: Tayo ay pag-aari ni Allah; ginagawa Niya sa atin ang anumang niloloob Niya. Gayon din, ang minamahal natin, kapag kinuha Niya sa harapan natin, ito ay Kanya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Kanya ang kinuha Niya at Kanya ang ibinigay Niya, pati na ang ibinigay sa iyo mismo ay hindi mo minamay-ari iyon; iyon ay kay Allah. Dahil dito, hindi maaaring tratuhin ang ibinigay sa iyo ni Allah malibang sa paraang ipinahintulot sa iyo iyon. Ito ay patunay na ang pag-aari natin ay dahil sa ibinigay sa atin ni Allah. Ang sabi niya na "may takdang taning" ay nangangahulugang "may tiniyak na taning." Kapag nagkaroon ka ng katiyakan dito na tunay na kay Allah ang kinuha Niya at sa Kanya ang ibinigay Niya at bawat bagay sa Kanya ay may takdang taning, makukumbinsi ka. Ang huling pangungusap na ito ay nangangahulugang ang tao ay hindi maaaring magpabago sa naitakdang tinaningan: hindi maipapauna at hindi maipahuhuli, gaya ng sinabi ni Allah: "Bawat kalipunan ay may taning; kapag dumating na ang taning nila, hindi sila makapagpapahuli ng isang saglit at hindi sila makapagpapauna." (Qur'an 10:49) Kaya walang pakinabang sa pagkabahala at pagngingitngit dahil kung nabahala ka man o nagngitngit ka, walang mababagong anuman mula sa itinakda. Pagkatapos, tunay na ang Sugo ay nagparating sa babaing anak niya ng ipinag-utos niyang iparating doon, ngunit nagpasugo iyon sa kanya dahil hinihiling niyon na pumunta siya. Tumindig ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, siya at isang pangkat ng mga kasamahan niya. Dumating siya sa anak niya at inangat niyon sa kanya ang bata habang ang hininga nito ay gumagaralgal, tumataas at bumababa. Naiyak ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at lumuha ang mga mata niya kaya nagsabi si Sa`d bin `Ubādah, kasama niya ito, at ito ay pinuno ng liping Khazraj: Ano ito? Inakala niya na ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay umiiyak dahil sa pagkabahala kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ito ay awa. Ibig sabihin: Umiyak ako dahil sa awa sa bata hindi dahil sa pagkabahala sa itinakda. Pagkatapos ay nagsabi siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Naaawa lamang si Allah sa mga lingkod Niyang maaawain." Dito ay may patunay sa pagpapahintulot sa pag-iyak dahil sa awa sa nasawi.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Samantalang may isang lalaking naglalakad sa isang daan, na nakatagpo ng isang sanga ng mga tinik sa daan saka nagpatabi siya nito kaya nagpasalamat si Allāh sa kanya saka nagpatawad sa kanya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na samantalang may isang lalaking naglalakad, na naparaan sa daan sa isang sanga ng punong-kahoy na may mga tinik sa daan, na nakapeperhuwisyo sa mga MUslim, nagpatabi siya nito at naglayo sa daan kaya nagpasalamat si Allāh sa kanya saka nagpatawad sa kanya.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Huwag ninyong kunin ang propyedad para magpakaibig kayo sa Mundo."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagkuha ng propyedad, pataniman, at sakahan dahil ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpapakaibig ng Mundo at pagsalig dito sa halip ng Kabilang-buhay.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Gumuhit ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga guhit at nagsabi: 'Ito ang tao at ito ang taning niya at habang siya ay ganoon, dumating na pala ang guhit na pinakamalapit.'" Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Gumuhit ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang guhit na parisukat. Gumuhit siya ng isang guhit sa gitna palabas mula rito. Gumuhit siya ng mga guhit na maliliit papunta sa [guhit] na ito sa gitna sa gilid nito na nasa gitna. Nagsabi siya: 'Ito ang tao at ito ang taning niyang pumapaligid sa kanya o nakapaligid na sa kanya. Itong palabas ay ang pag-asa niya. Itong mga guhit na maliliit ay ang mga kasawian. Kung nagmintis sa kanya ang isang ito, tutuklawin siya ng isang iyan. Kung nagmintis sa kanya ang isang ito, tutuklawin siya ng isang iyan."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySa ḥadīth ay may nasaad na halimbawa ng pag-asa ng tao, taning niya, mga kasawiang kakaharapin niya, at kamatayan niya sa pagsapit ng isa sa mga kasawian. Kapag naligtas siya sa isa sa mga ito, pupuntahan naman siya ng kamatayan sa pagwawakas ng taning niya. Ang mga guhit na ito ay ang mga kapahamakang humaharap sa kanya. Kung nakaligtas siya sa isang ito, hindi siya makaliligtas sa isang iyan. Kung nakaligtas siya sa lahat at hindi siya dinapuan ng kapahamakang gaya ng sakit o pagkawala ng ari-arian o iba pa, gugulatin naman siya ng taning. Ang buod: Tunay na ang sinumang hindi namatay dahil sa kadahilanan, mamatay dahil sa taning. Kaya habang ang tao ay gayon sa mga kapahamakang ito, "dumating na pala ang guhit na pinakamalapit." Ito ang taning. Mayroon itong pahiwatig sa paghimok sa paglilimita sa pag-asa at paghahanda sa pambibigla ng taning. Nagpahayag siya gamit ang "tuklaw," ang kagat ng may kamandag, bilang pagpapalabis sa pagdapo ng kapahamakan at sa pagpapasawi.
Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allah sa kanya: "Ang pinakabulaan sa mga kabulaanan ay na magkunwari ang lalaki na nakita ng mga mata niya ang hindi naman nakita ng mga ito."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNililinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kabilang sa pinakasinungaling na kasinungalingan ay na mag-angkin ang tao na siya ay nakakita ng isang bagay habang tulog siya o gising siya samantalang siya sa totoo ay nagsisinungaling sa pag-aangkin niyang ito dahil siya ay hindi nakakita ng anuman. Ang pagsisinungaling kaugnay sa nakita sa panaginip ay higit na mabigat kaysa sa pagsisinungaling kaugnay sa nakita habang gising dahil ang nakikita ng tao sa panaginip niya ay mula kay Allah kaya ang pagsisinungaling sa kalagayang ito ay isang pagsisinungaling laban kay Allah, pagkataas-taas Niya.