





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay naglalagay ng kamay niya - o ng isang tela - sa bibig niya at nagpapahina - o nagbababa - sa pamamagitan nito ng tunog niyon.}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām AḥmadAng Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay: A. Naglalagay ng kamay niya o ng isang tela sa bibig niya upang walang lumabas mula sa bibig niya o ilong niya na anumang makapeperhuwisyo sa kauupuan niya. B. Nagpapahina ng tunog nito at hindi nagpapalakas nito.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo ng higit na pinangangambahan para sa inyo sa ganang akin kaysa sa Bulaang Kristo?" Nagsabi sila: "Opo, o Sugo ni Allah." Nagsabi siya: "Ang tagong shirk: Tumitindig ang tao at saka nagdarasal at pinagaganda ang dasal niya dahil sa nakikita niyang pagtingin ng isang tao."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu MājahAng mga Kasamahan noon ay nagbabanggitan ng tukso ng Bulaang Kristo at nangangamba roon kaya nagpabatid sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mayroong isang pag-iingatang pinangangambahan niya para sa kanila na higit na matindi kaysa sa pangamba sa tukso ng Bulaang Kristo. Ito ay ang shirk sa layunin at pakay, na hindi nahahayag sa mga tao. Pagkatapos ay ipinaliwanag niyang ito ay sa pamamagitan ng pagpapaganda sa gawaing hinahangad dapat dito ang ikalulugod ng Mukha ni Allah [ngunit ginagawa] dahil nakikita ng mga tao.
Ayon kay Usāmah bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sinabi sa kanya: "Hindi ka ba papasok sa kinaroroonan ni `Uthmān para makipag-usap ka sa kanya?" Kaya nagsabi siya: "Nakakikita ba kayo na ako ay hindi nakikipag-usap sa kanya malibang nagpaparinig sa inyo? Sumpa man kay Allāh, talaga ngang kumausap ako sa kanya hinggil sa pagitan ko at niya, habang hindi ako nagbubukas ng isang usaping hindi ako nakaiibig na ako ay maging ang una sa nagbukas niyon. Hindi ako nagsasabi sa isa na siya sa akin ay magiging isang pinuno: "Tunay na siya ay pinakamabuti sa mga tao," matapos na nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Maghahatid sa isang lalaki sa Araw ng Pagbangon saka itatapon ito sa Impiyerno saka makalalabas ang mga bituka ng tiyan niya saka iikot siya kasabay ng mga ito kung paanong umiikot ang asno sa giikan. Kaya magtitipon sa kanya ang mga maninirahan sa Impiyerno saka magsasabi sila: "O Polano, ano ang nangyari sa iyo? Hindi ba ikaw noon ay nag-uutos ng nakabubuti at sumasaway ng nakasasama?" Kaya magsasabi siya: "Oo; ako nga noon ay nag-uutos ng nakabubuti at hindi nagsasagawa nito at nagsasaway ng nakasasama at nagsasagawa nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSinabi kay Usāmah bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya): "Hindi ka ba papasok sa kinaroroonan ni `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) para makipag-usap ka sa kanya hinggil sa naganap na sigalot sa gitna ng mga tao at pagpupunyagi sa pag-apula nito sa kabuuan nito saka magpapaabot ako sa kanila na siya ay kumausap dito nang palihim sa paghahangad ng kaayusan hindi bilang pagpukaw sa sigalot?" Ang layon niya ay na siya ay hindi nagnanais ng paglalantad ng pagmamasama sa mga pinuno sa madla para ito ay maging isang kadahilanan ng pagpapakapalalo sa Khalīfah. "Ito ay isang pinto ng isang sigalot at isang kasamaan na ako ay hindi ang una sa sinumang magbubukas nito," sabi niya. Pagkatapos nagsabi si Usāmah bin Zayd (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na siya ay nagpapayo sa mga pinuno nang palihim; hindi naglalangis sa isa man, kahit pa man siya ay isang pinuno; at hindi nagsisipsip sa kanila para magpuri sa mga ito sa mga harap nila ng kabulaanan. Iyon ay matapos na nakarinig siya mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may ihahatid sa Araw ng Pagbangon na isang lalaki para itapon ito sa Impiyerno saka lalabas ang mga bituka nito mula sa tiyan nito sa isang mabilisang paglabas dahil sa tindi ng init at tindi ng pagdurusa. Mag-iikot ito ng mga bituka nito gaya ng pag-ikot ng asno sa paligid ng giikan, na bato ng gilingan. Magtitipon sa paligid niya ang mga maninirahan sa Impiyerno sa isang anyong pabilog na papaligid sa kanya saka magtatanong sila sa kanya: "O Polano, hindi ba ikaw noon ay nag-uutos ng nakabubuti at sumasaway sa nakasasama?" Kaya magsasabi siya: "Tunay na ako noon ay nag-uutos ng nakabubuti at hindi gumagawa nito at sumasaway sa nakasasama at gumagawa ako nito."
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagtaguyod ng dalawang batang babae hanggang sa nahustong gulang silang dalawa, darating sa Araw ng Pagbangon ako at siya." Nagdikit siya ng mga daliri niya.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nabiyayaan ng dalawang babaing anak o dalawang babaing kapatid saka nag-aruga siya sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng pagtustos, pag-aalaga, pagpapanuto sa kabutihan, pagbibigay-babala laban sa kasamaan, at tulad niyon hanggang sa lumaki silang dalawa at nagdalaga, darating sa Araw ng Pagbangon siya at ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng dalawang ito. Ipinagdikit niya ang mga daliri niya: ang hintuturo at ang hinlalato.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kayo papasok sa Paraiso hanggang sa sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa mag-ibigan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay mag-iibigan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] salām sa pagitan ninyo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang papasok sa Paraiso kundi ang mga mananampalataya at hindi nakukumpleto ang pananampalataya at hindi umaayos ang kalagayan ng lipunang Muslim hanggang sa umibig ang isa't isa sa kanila. Pagkatapos gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pinakamainam sa mga bagay-bagay na sa pamamagitan ng mga ito iiral sa lahat ang pag-ibig. Ito ay ang pagpapalaganap ng pagbati ng salām sa pagitan ng mga Muslim, na ginawa ni Allāh bilang pagbati ng mga lingkod Niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nakarinig siya ng isang lagapak. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakaaalam ba kayo kung ano ito?" Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi siya: "Ito ay isang batong itinapon sa Impiyerno magmula ng pitumpung taon. Ito ay lumalagpak sa Impiyerno ngayon hanggang sa nagwakas ito sa kalaliman niyon."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang tunog na nakaliligalig gaya ng pagbagsak ng isang katawan. Nagtanong siya sa kapiling niya kabilang sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) tungkol sa tunog na iyon, kaya nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang tunog na ito na narinig ninyo ay talagang isang batong itinapon mula sa gilid ng Impiyerno magmula ng pitumpung taon saka ito ay lumalagapak at bumabagsak doon, hanggang sa nagwakas ito sa kailaliman niyon ngayon nang narinig ninyo ang tunog."
Ayon kay Salamah bin Al-Akwa` (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking kumain sa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito kaya nagsabi siya: "Kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo." Nagsabi ito: "Hindi ko po nakakaya." Nagsabi siya: "Hindi ka nawa makakaya!" Walang pumigil sa kanya kundi ang pagmamalaki. Kaya naman hindi ito nakaangat niyon papunta sa bibig nito.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNakakita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking kumakain sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito kaya nag-utos siya rito na kumain ito sa pamamagitan ng kanang kamay nito. Ngunit sumagot ang lalaki dala ng pagpapakamalaki at pagsisinungaling na ito ay hindi nakakakaya? Kaya dumalangin laban dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pagkaitan ito ng pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay. Tumugon si Allāh sa dalangin ng Propeta Niya sa pamamagitan ng pagkaparalisa ng kamay ng lalaki kaya hindi ito nakapag-angat ng kamay nito ng pagkain o inumin patungo sa bibig nito matapos niyon.
Ayon kay Jundub bin Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May nagsabing lalaki: Sumpa man kay Allāh, hindi magpapatawad si Allāh kay Polano. Kaya nagsabi si Allāh: Sino itong nanunumpa sa Akin na hindi Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako ay nagpatawad na sa kanya at nagpabagsak sa gawa mo." Sa isang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah: Ang nagsasabi ay isang lalaking mananamba. Nagsabi si Abū Hurayrah: "Nagsalita siya ng isang pangungusap na nagpahamak sa Mundo niya at Kabilang-buhay niya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa anyo ng pagbibigay-babala laban sa panganib ng dila, na may isang lalaking sumumpa na si Allāh ay hindi magpapatawad sa isa pang lalaking nagkasala. Para bang ito ay humatol kay Allāh at nagmarunong sa Kanya dahil sa hindi ito naniwala sa sarili nito sa taglay ni Allāh na katangiang mapagbigay, mapagkaloob, at mataas na kalagayan, at dahil sa pag-ukol sa nagkasala ng panghahamak. Ito ay isang pagyayabang kay Allāh at isang kasamaang asal sa Kanya. Ipinataw Niya sa lalaking iyon ang kasawian at kalugihan sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-(( Walang buhay na nakikitil nang walang katarungan maliban sa ang unang anak ni Adan ay magtatamasa ng bahagi sa pagpatay sa kanya,Dahil siya ang unang gumawa ng pagkitil ng buhay))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag sa Hadith na ito ang dahilan ng pananagot [sa kasalanan] ng isa sa mga anak ni Adan,ay ang pagdanak ng dugo na nasayang pagkatapos ng ginawa niya,Sapagkat si Qabil ay pinatay niya ang kapatid nitong si Habil,dahil sa pagka-inggit sa kanya,Silang dalawa ang unang nakapatay at napatay mula sa mga anak ni Adan,Kaya mananagot si Qabil sa pagtamasa ng bahagi ng kasalanan sa mga dugong dumanak pagkatapos ng ginawa niya,Dahil siya ang unang gumawa ng pagkitil ng buhay;At dahil ang lahat ng gumagawa nito pagkatapos niya,ay sumusunod sa kanya,kahit na ito ay [sa pamamagitan ng] paggamit ng isa o maraming instrumento.