





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking binanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking pumasok sa kanya ang Ramaḍān pagkatapos lumipas ito bago mapatawad siya. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila nagpapasok sa kanya sa Paraiso."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadDumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa tatlong klase ng tao ng pagpapadikit ng mga ilong nila sa alikabok bilang pagkaaba, pagkahamak, at pagkalugi. Ang unang uri ay ang sinumang binanggit sa piling niya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa kanya sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam. (Basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.)" Ang ikalawang klase ay ang sinumang nakaabot sa buwan ng Ramaḍān pagkatapos natapos ang buwan bago mapatawad siya dahil sa pagkukulang niya sa paggawa ng pagtalima. Ang ikatlong klase ay isang taong nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila naging isang kadahilanan sa pagpasok niya sa Paraiso dahil sa kasutilan niya at pagkukulang niya sa karapatan nila.
Ayon kay Al-Barā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang dalawang Muslim na nagkasalubong saka nagkamayan malibang patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang dalawang Muslim na nagkasalubungan sa daan at tulad nito saka bumati ang isa sa dalawa sa kanila sa isa pa sa pakikipagkamayan malibang patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay nang pisikal o sa pamamagitan ng pagtatapos ng pakikipagkamayan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na nagbabaling-baling Siya nito saan man Niya loloobin." Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Allāhumma muṣarrifa -lqulūbi ṣarrif qulūbanā `alā ṭā`atik. (O Allāh, ang Tagapagpatnugot ng mga puso, magpatnugot sa ng mga puso namin sa pagtalima sa Iyo)."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na nagpapatnugot Siya nito saan man Niya loloobin. Kung loloobin Niya, magpapanatili Siya rito sa totoo; at kung loloobin Niya, magpapaliko Siya rito palayo sa totoo. Ang pagpapakapatnugot Niya sa lahat ng mga puso ay gaya ng pagpapakapatnugot sa iisa, na walang umaabala sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na isang bagay sa halip ng isang bagay. Pagkatapos dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, ang Tagapagpatnugot ng mga puso minsan sa pagtalima at minsan sa pagsuway, at minsan sa pagkaalaala at minsan sa pagkalingat, magpatnugot Ka ng mga puso namin sa pagtalima sa Iyo."
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadDumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kaningningan, karilagan, at kagandahan sa Mundo at na magparating si Allāh sa ningning ng Paraiso, kaginhawahan doon, at kaningningan niyon sa Kabilang-buhay sa sinumang nakarinig ng ḥadīth niya saka nagsaulo nito nang sa gayon magpaabot nito sa iba sapagkat marahil ang pinagpapaabutan ng ḥadīth ay higit na nakamamalay, higit na nakauunawa, at higit na nakakakaya sa paghulo kaysa sa tagapagpaabot ng ḥadīth kaya ang una ay magiging nagpapakahusay sa pagsasaulo at pagpapaabot at ang ikalawa ay magiging nagpakahusay sa pag-intindi at paghulo.
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang mga mananampalataya sa Paraiso ay talagang may isang kubol na yari sa iisang perlas na ginuwang, na ang haba nito ay animnapung milya. Ang mga mananampalataya rito ay may mga asawa. Lilibot sa kanila ang mananampalataya ngunit hindi makakikita ang isa't isa sa kanila."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa ilan sa kaginhawahan sa Paraiso. Ang mananampalataya sa Paraiso ay may kubol na pagkalaki-laking malawak ang guwang, na yari sa iisang mutyang ginuwang. Ang lapad nito at ang haba nito sa langit ay animnapung milya. Sa bawat dako at panulukan mula sa apat na panulukan nito ay may mga maybahay, na hindi makakikita ang isa't isa sa kanila, na lilibot sa kanila ang mananampalataya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): "Naghanda Ako para sa mga lingkod Kong maayos ng walang matang nakakita, walang taingang nakarinig, at hindi pa sumagi sa puso ng isang tao."} Nagsabi si Abū Hurayrah: {Bigkasin ninyo, kung niloob ninyo (Qur'ān 32:17): {Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata}.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi, ayon sa pagpapakahulugan sa Qur'ān 32:17: Naglaan Ako at naghanda Ako ng isang pagbibigay-karangalan para sa mga lingkod Kong maayos sa Paraiso ng hindi nakita ng isang mata ang pinakadiwa nito, hindi narinig ng isang tainga ang paglalarawan nito, at hindi naganap at hindi dumaan sa puso ng isang tao ang kakanyahan nito. Nagsabi si Abū Hurayrah: Bigkasin ninyo, kung niloob ninyo: {Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata} (Qur'ān 32:17)
Ayon kay Abū `Abdillāh Al-Jadalīy na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa kaasalan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Hindi siya naging isang mahalay ni isang nagpapakahalay ni isang palahiyaw sa mga lansangan. Hindi siya gumaganti sa gawang masagwa ng gawang masagwa subalit nagpapaumanhin siya at nagpapalampas siya."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām AḥmadTinanong ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Hindi naging nasa kalikasan niya ang kahalayan at ang kapangitan sa mga sinasabi niya at mga ginagawa niya. Hindi siya nagpapakahirap sa kahalayan at hindi nananadya nito. Hindi palasigaw na nagtataas ng tinig niya sa mga lansangan. Hindi siya gumaganti sa gawang masagwa ng gawang masagwa; subalit gumaganti siya sa gawang maganda, nagpapaumanhin siya sa pakubli, at nagpapalampas siya at umaayaw siya roon sa panlabas."}
Ayon kay Hāni' na alila ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Si `Uthmān noon, kapag tumindig siya sa tabi ng isang libingan, ay umiiyak hanggang sa mabasa ang balbas niya, kaya sinabi sa kanya: "Naaalaala mo ang Paraiso at ang Impiyerno ngunit hindi ka umiiyak at umiiyak ka naman dahil dito?" Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Tunay na ang libingan ay kauna-unahang yugto mula sa mga yugto ng Kabilang-buhay. Kaya kung nakaligtas mula rito, ang matapos nito ay higit na maginhawa kaysa rito; at kung hindi nakaligtas mula rito, ang matapos nito ay higit na matindi kaysa rito."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu MājahAng pinuno ng mga mananampalataya na si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya), kapag tumindig siya sa tabi ng isang libingan, ay umiiyak hanggang sa mabasa ng mga luha niya ang balbas niya, kaya sinabi sa kanya: "Naaalaala mo ang Paraiso at ang Impiyerno ngunit hindi ka umiiyak sa pananabik sa Paraiso o sa pangamba sa Impiyerno at umiiyak ka naman dahil sa libingan?" Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpabatid na ang libingan ay kauna-unahan ng yugto mula sa mga yugto ng Kabilang-buhay. Kaya kung nakaligtas at nakalusot mula rito, ang matapos nito na mga yugto ay higit na maginhawa kaysa rito; at kung hindi nakaligtas mula sa pagdurusa rito, ang matapos nito na parusa ay higit na matindi kaysa sa anumang narito."
Ayon kay Bahz bin Ḥakīm, ayon sa ama niya na nagsabi: Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kanino po ako magsasamabuting-loob?" Nagsabi siya: "Sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ama mo, pagkatapos sa pinakamalapit, saka sa pinakamalapit."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamarapat pag-ukulan sa mga tao ng pagsasamabuting-loob, paggawa ng maganda, kagandahan ng pakikitungo, kaayahan ng pakikisalamuha, pakikisama, at pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak ay ang ina. Nagbigay-diin siya sa karapatan ng ina higit sa iba sa pamamagitan ng pag-ulit nang tatlong beses para sa paglilinaw ng kainaman nito higit sa nalalabi sa mga tao nang walang eksepsiyon. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang naglilinaw kung sino ang sumusunod sa ina sa pag-uukol ng pagsasamabuting-loob: pagkatapos sa ama mo, pagkatapos sa pinakamalapit, saka sa pinakamalapit sa mga may ugnayang pangkaanak. Sa tuwing ito ay nagiging higit na malapit, ito ay magiging higit na marapat sa pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak kaysa sa higit na malayo.